
Sina Helga del Gado at Alendra del Gado ay ang anak ng kilalang mang-uukit sa bayan ng Tayabas nasi Alfredo del Gado.
Mga bata pa lang ang magkapatid ng iukit ni Alfredo ang isang lalaking hubad na estatwa na pinangalanan niyang Aravis.
Maraming bumili sa estatwa ngunit sa hindi alam na dahilan ito ay palaging isinasauli kay Alfredo.
Nang magdalaga ang magkapatid ay naging hilig din ni Alendra ang umukit ng mga bagay na mula sa kahoy.
Sa kagustuhan ni Alendra na magmukang bago muli ang estatwa na ginawa ng kanyang ama, ito ay kanyang lilihain at kukulayan— Hanggang sa humanga siya sa estatwa at ito na ang naging mundo niya gabi-gabi.
Isang gabi ay nagising si Alendra sa malakas na kulog at kidlat— At nakita niya ang estatwa ng inukit ng kanyang ama ay nagkaroon ng buhay. Sa halip na matakot siya ay inalay niya ang kanyang sarili kay Aravis.
Sa pagkakaroon ng buhay ni Aravis, tuwing gabi ay makikita siya ni Helga at iibig sa kanya ang dalaga. Ito na ba ang magiging sanhi ng away ng magkapatid na Helga at Alendra del Gado.
Anong gulo ang dala ni Aravis sa magkapatid, at saan siya nagmula?
Matuklasan kaya ni Helga ang lihim ng kapatid?

