bc

The CEO’s Bed-Warmer

book_age18+
31.7K
FOLLOW
225.9K
READ
billionaire
dark
possessive
one-night stand
arrogant
dominant
CEO
betrayal
cheating
secrets
like
intro-logo
Blurb

In spite of all tragedies happening in the business industry, Brixton Group still remains at the top, leading as a successful company in the world because of its ruthless CEO, Angus Brixton Jr.

In order to keep it stable, they come up with this program, A Night with a CEO, that surely will help the company’s employees to work harder.

Klaire Dane’s got the prize. But she doesn’t know that one night with the Bachelor CEO will change her whole life, especially her boring night.

She never expected this one night will be so much in flames and full of desire, their one wild night follows every night that turns her to be the CEO’s bed-warmer.

chap-preview
Free preview
1
Chapter 1 KLAIRE IS conscious because everyone is looking at her with full of envy. Jealousy in their eyes was visible as she sat on her desk. Siya lang naman kasi ang pinakamasuwerteng babae dahil napapirma niya ang may-ari ng Ayuen Mobile Corp. na sina Mr. and Mrs. Chen. Dahil doon, nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang CEO ng Brixton Group sa isang Deluxe Restaurant. But little they did not know, The Brixton took her after an hour of talking and brought her to his Bachelor Pad. Hindi niya rin inakalang may mangyayari sa kanila noong gabing iyon. For her, It was the best night of her life and at the same time the most painful, for it's having the one blusterous night with the ruthless CEO. Hindi niya nagawang pigilan ang binata lalo na ang sinisigaw ng kaniyang nagliliyab na pananabik sa Bachelor CEO. Tila panaginip pa rin sa kaniya ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Angus. Naglalaro pa rin sa isip niya kung paano siya nito paulit-ulit pinaligaya sa sariling paraan, kung paano humalik ang mga labi nito at kung paano siya nito inangkin ng buong-buo. Nag-aalab ang kaniyang sarili sa tuwing naaalala ang mainit nilang pagtatagpong dalawa. The Brixton was very effortless to make her c*m for multiple times. Inaamin niyang pagkakamali ang pagbigay ng sarili kay Angus Brixton Jr. Pero hindi niya ipagkakailang nagustuhan niya ang nangyari noong gabing iyon kasama ang Brixton. Hindi niya magawang pagsisihan ang pagbigay niya ng kaniyang virginity dito. Kahit pa alam niyang hindi lang siya ang binihag nito. "Klaire, are you okay?" Gregorio looked at her eyes, worriedly. Her hot team leader obviously has a desire for her at the very beginning. She knew about it but she doesn't care because she's not interested. Her attention was all over for the CEO only. "You look pale, here, take my coffee," "Nako, TL, hindi na. Ayos lang ako." Hindi niya pagkuha sa inaabot nitong Cappuccino. "Salamat," Nginitian niya ito para makumbinsing hindi na ibigay sa kaniya ang kape. "Okay. Just tell me if you want coffee. I'll get one for you, Klaire," "Sure, TL," Her group of friends, Amber, Dustin, Nico, and Persia came into her desk. Siguradong manggugulo na naman itong mga ito dahil nasa desk niya ang kanilang team leader. "How about us, Sir? Gusto rin namin ng coffee!" Panimulang wika ni Persia. Kinindatan pa siya nito at naghalakhakan naman sa tawa ang iba. Hindi na bago ito kay Greg, minsan sinasabayan na lang nito ang mga tao nito sa team nito para mas mapagaan ang samahan ng bawat isa sa loob ng kanilang departamento. It's better to have a light and great team than to have a serious worker team. Mas mabuti nang tropa-tropa pero alam pa rin kung hanggang saan ang kanilang limitasyon. "Klaire only." Natatawang sambit ng Team Leader nilang si Gregorio Danzalan. His eyes are capturing every woman's eyes except her. Malaking panghihinayang si Greg sa kaniyang mga kaibigan pero para sa kaniya wala lang ito. Lalo pa ngayong nakuha na niya ang atensyon ng kanilang CEO na akala niya ay imposibleng mangyari. "Unfair!" Her friend, Amber, snarled at their Team Leader, Greg, for being in favor only to her. Halata naman kasing may pagtatangi ang ginoo sa kaniya kaya naman idinadaan na lang ito sa biro ng kaniyang mga katrabaho. "If you want me to get you a coffee, do your work like Klaire, she's always giving her best even if it's just a small task." Anang inglesero nilang Team Leader. He looks very proud of Klaire. Bumusangot ang mukha ni Persia sa narinig. "Ginagawa ko naman ang best ko, Sir. Talagang iba lang ang karisma ni Klaire sa aming lahat! Gusto ko talagang maka-one night stand ang CEO natin sayang lang dahil naunahan ako ni Klaire sa mag-asawang Chen!" Inungusan siya nito. Natawa siya sa ginawa ng kaibigan niyang si Persia na katrabaho din niya. "Hindi naman, siguro ay natuwa lang sa akin ang mag-asawang Chen kaya sa akin sila pumirma ng kontrata. But at least, lahat tayo sa team ay ginawa ang tasks as much as we could. Isa pa, ang karangalan na natanggap ko ay hindi lang para sa 'kin kun'di para rin sa 'ting department, kaya huwag na kayong magalit." Nagpaalam si Greg na aalis sa department. May kailangan pa kasi itong daluhang meeting para sa susunod na activity ng Brixton Company. Sa sobrang dami nilang trabaho, halos wala na silang lahat pahinga ngunit bawi naman iyon dahil sa laki ng suweldo sa Brixton. Sa katunayan, ang pagtatrabaho sa Brixton Group ay isang malaking karangalan. Malaman lang ng mga taong dito ka sa kompanyang ito nagtatrabaho ay iba na ang tingin sa iyo, dahil bukod sa mahirap makapasok sa nasabing kompanya dahil sa taas ng standard nito pagdating sa mga employee, isa pa ito sa pinamumunuan ng kilalang CEO sa bansa, na halos tinatangi ng mga kababaihan, walang iba kun'di si Angus Brixton Jr, ang anak ng Chairman na si Angus Brixton. "Hindi naman 'yan ang kinaiinis ko, Klaire," Ani Persia. Sumimangot pa ito na kinatawa nila. "Ha? E ano?" Tanong niya rito. Kung hindi iyon ang kinaiinis nito, ano'ng dahilan ng pag-ungos nito sa kaniya? Natawa siya sa pagmamaktol ng kaniyang kaibigan. "Nagseselos iyan sa iyo kasi naka-date mo ang CEO natin noong isang araw!" Malakas na sambit ni Dustin. Dahilan para hampasin siya ni Persia sa braso. "Manahimik ka ngang tuyot ka! Papansin? Palibhasa, ikaw ang tunay na nagselos dahil may gusto ka kay Klaire!" Pagbisto ni Persia kay Dustin. Natutop ang bibig ni Dustin dahil sa pahayag ni Persia. Hindi na nito nasabi pa ang susunod na lalabas pa sana sa bibig. Mukhang totoo ngang may gusto itong si Dustin sa kaniya. "Huwag ka ngang gumagawa diyan ng kwento." Ani Dustin habang nakakunot ang noo. "Hmph!" Umirap si Persia bago ito bumalik papuntang desk nito. Bad trip namang bumalik si Dustin at natatawa si Nico sa dalawa noong bumalik ito sa desk nito. "Huwag mo nang pansinin ang dalawang 'yon, Klaire, parang hindi ka pa nasanay sa kanila." Nakangiting sumingit na si Amber at pinatong pa ang isang kamay sa desk niya. Nilapit nito ang sarili sa kaniya at bumulong. "Ikwento mo sa akin ang nangyari noong isang gabi," nakangiti nitong wika. "I'm sure something good happens between YOU and OUR CEO." Namula siya dahil sa sinambit nito. "Amber. That's so rude." Naiilang niyang bigkas. "Wala akong ikwekwento kasi wala namang magandang nangyari. It's just a normal dinner." Hindi siya makatingin ng diretso sa kaibigan. Hinuhuli nito ang mga mata niya para makita kung nagsasabi ba siya ng totoo kaya naman todo ang iwas niya na nagpalawak ng ngiti kay Amber. Alam nitong nagsisinungaling siya. "You can't hide it, Klaire. It's obvious. You're blushing. You are even avoiding eye contact. And... You're blooming." Anito. Pinipilit talaga nitong si Amber na may magandang nangyari noong nag-dinner siya kasama ang CEO sa Brixton Cuisine, isang Deluxe Restaurant, kung saan purong mayayaman at kilalang negosyante lamang ang nakakadalo. "Stop, Amber. Go back to your desk." Kunyaring naiirata niyang singhal sa kaibigan. "Ganiyan ba kapag nakakasama ng magdamag ang CEO? Biglang nagiging inglesera?" "Tumigil ka nga sa pang-aasar mo sa 'kin, Amber. 'Di ba may gagawin ka pang report? Ayusin mo na ngayon dahil baka wala ka pang maipresent sa meeting. Ikaw talaga," Naiiling siya habang inaayos ang ilang papel na nagkalat sa desk niya. "Curious lang naman ako, Klaire, hindi ka kasi pumasok kahapon kaya alam mo na, baka may something na kaganapan sa inyo ni Mr. Brixton noong nag-dinner kayong dalawa." "Hindi ako pumasok kahapon kasi masama ang pakiramdam ko. Iyon lang 'yun. May permiso naman ni TL ang pag-absent ko. I even provide a medical certificate." "Medical certificate? One day absent ka lang naman ah! Grabe ka talaga, Klaire, pati sa ganon napaka-formal mo. Puwede ka namang hindi magpasa non. One day ka lang absent! Masyado ka namang segurista sa trabaho mo!" "Puwede sa inyo pero sa akin hindi. We are adults, Amber. We should act like one. Hindi na tayo teenager para maging iresponsable kahit pa sa maliit na bagay." "Klaire, 2-3 days absence ang kailangan mag provide ng med cert." "Amber let's not make it a big deal." "Iba talaga kapag nakasama ang CEO ng one night. Kapag ba nakipag-one night din ako sa CEO ay magiging katulad mo ako? Magiging inglesera rin ba ako?" "Klaire," Pareho sila ni Amber tumingin sa pinagmulan ng baritonong boses, ang kanilang team leader ang tumawag sa kaniya. "Yes, TL?" tanong ni Klaire rito. Hindi pa rin umaalis si Amber kahit halata namang hinihintay lang itong umalis ng kanilang TL. "Amber, aren't you start working now?" Anang Team Leader nila dahil naghihintay din itong si Amber sa sasabihin nito sa kaniya. "Sorry sir, eto na po," nakatungong bumalik si Amber sa desk niya. "Chika mo sa 'kin later." Amber mouthed to her. "Klaire," "Yes, TL?" Inalis niya ang tingin kay Amber na nangungulit pa rin sa kaniya hanggang ngayon, magkatapat kasi ang desk nila at talagang nagpapansin itong maigi sa kaniya. "Mr. Brixton Jr. wants you to go to his office. Now." Mukhang ayaw nito sa sariling binigkas kaya ganoon na lamang ang reaksyon nitong TL nila ngunit wala itong magawa dahil utos iyon ng CEO. "TL, wala naman po akong appointment sa kaniya or anything business." "He wants you to his office. I can't do anything about it unless I quit this job." Pero marami pa kasi akong gagawin. Kailangan kong tapusin ang documents para sa activity next week. Mamaya na ang pasa non sa 'yo. Hindi ko kasi nagawa kahapon kasi absent ako. Hindi niya masabi sa TL dahil wala naman siyang karapatang magreklamo. Hindi na lang siya nakapagsalita. "You love your job, Klaire, right?" Tanong ni Gregorio sa kaniya. "Yes, TL," "Then let's follow the CEO's words. We both love our job that's why we need to follow. Do your documents tomorrow. You can send it to me next week after the meeting, no pressure, Klaire, this is the only way I can help you," "Thank you, TL Greg." Ngumiti sa kaniya ang team leader bago umalis muli ng departamento. Mabilis na lumapit sa kaniya si Amber. "Ano 'yon? Bakit ka pupunta sa office ng CEO? Another dinner date ba?" Pag-usisa nito sa kaniya. "Narinig mo naman, Amber, walang sinabi si TL at hindi ko rin natanong kung bakit." "Mukhang marami kang ikukwento sa akin mamaya." Anito. "Tumigil ka nga, Amber. Bumalik ka na sa desk mo at simulan mo na ang pag gawa ng report kung ayaw mo ulit mapahiya sa meeting." "Oo na. Eto na. Salamat sa pag encourage ha? Na-encourage akong mabuti, Klaire, thank you talaga." Sarkastiko nitong bigkas habang padabog na bumalik sa desk nito. "Kwento mo sa akin mamaya." Amber mouthed to her again. Ang kulit talaga. Natatawa siyang umiling at inayos ang sarili para sa pagpunta sa office ni Mr. Angus Brixton Jr., ang CEO ng Brixton Group kung saan siya full-time employee.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

An Innocent Angel

read
178.0K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.2K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

Sexytary |SPG|

read
563.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook