MAURIE POV “You look excited, Klaire.” “Hindi ako excited, Amber,” “Weh? Halata kaya. Tingnan mo hindi ka mapakali.” “Bakit ako magiging excited? Sanay na akong nandito parati si Angus sa meeting room.” “Iba na ngayon. Kitang kita ko sa mga mata mo.” “Ang alin?” “You are hoping.” “Hindi ako umaasa sa kaniya. In fact, wala na sa isip ko ang bumalik pa sa kaniya.” “Iyan nga ba ang totoo? Kasi sa napapansin ko, talagang may pagtingin ka pa sa kaniya at umaasa kang makikipag-ayos siya sa iyo.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Iyon nga ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako mapakali these past few days. Mas malala pa itong nararamdaman ko sa kaniya kesa noong una. Ito rin yata ang kinatatakutan ko kaya pilit kong inilalayo ang sarili ko kay Angus Brixton Jr.

