“Amber.” Mahina kong tawag sa pangalan ng kaibigan ko. Nagkuwento ako sa kaniya at humihingi ng advice. Sa tingin ko ay mababaliw ako kung sasarilihin ko ang lahat ng aking problema. Kaya si Amber ang sinasabihan ko sa tuwing nais kong maglabas ng sama ng loob at ng kung anuman ang gumugulo sa aking isipan. I’m still thankful that I have a bestfriend like her na maasahan at matatakbuhan sa tuwing kailangan ko. Ganoon din naman siya sa akin. Pareho kaming swerte sa isa’t isa. “Klaire, nasa iyo ang desisyon. Basta nandito lang ako lagi sa tabi mo.” “Salamat.” “Nakakaloka pala ang maging mayaman ‘no? Dati gustong gusto kong yumanan pero dahil sa iyo mas gusto ko na lang manatili sa ibaba ayaw ko nang yumaman gaya niyo.” Natawa kaming dalawa sa winika niya at seryosong seryoso pa n

