“Bless ka kay Tita, bless,” Nakakatuwang tingnan si Aman lalo pa’t ang ligalig na at makulit. Sadyang nakakagapang na siya at ngayon nga ay medyo natututo nang maglakad. Nitong isang araw nga ay may inuwi si Angus dito sa apartment ko na Baby Walker, ibinili niya raw para kay Aman. Plano ko nang bumili non kaso wala pa akong time, nautusan ko na si Sam mag order online pero pinacancel ko rin agad since meron nang binili si Angus para sa anak naming dalawa. Inilahad naman agad ni Amber ang kaniyang kamay sa harap ni Aman, bibo nitong kinuha ang kamay ng kaniyang Tita at saka nagmano. Tuwang tuwa si Amber sa ginawang iyon ni Aman. “Napakatalinong bata. Sino nagturo sa kaniya niyan?” “Sino pa ba? E ‘di ang magandang nanay!” “Mama! Mama!” Tuwang tuwa si Amber kay Aman lalo pa’t

