Angus was doing everything to get me back. I noticed that. Kahit pa sabihin niyang ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa aming anak na si Aman, hindi ako naniniwalang hindi para sa akin din iyon. Bakit naman siya mag aaksaya ng oras upang magpunta rito sa apartment nang sa ganoon ay makapagluto siya kung nag gagatas pa lamang ang anak namin. Hindi ako naniniwalang para sa anak naming dalawa kung bakit niya ako pinapakain ng masusutansya. I know he’s still hoping for us. “Gaga ka! Napaka-assumera mo. Obvious namang concern lang si Sir Angus sa anak ninyong dalawa. Siyempre napapansin niyang hindi healthy ang kinakain mong pagkain. Kaya naman siya ang pumupunta sa apartment mo upang ipagluto ka.” “Sa tingin ko ay hindi lang talaga ganon. May binibigay siya sa aking motibo na nagsasa

