MAURIE POV Napapadalas ang pagpunta ni Angus dito sa aming kompanya. Para bang wala na itong ibang trabaho kun’di ang tingnan at i-check ang daily report ng aming negosyo. Panay din ang pangungulit sa akin ni Claude sa text messages. Panay hingi ng tawad dahil hindi siya makapunta kasi maraming binibigay na trabaho sa kaniya ang kaniyang Lolo. Wala na bang mas ikukulit itong si Claude. Sumasakit ang ulo sa dalawang lalaki na ‘to. “Tell me his name. Kahit name lang.” “Angus, I have no time for that. Gawin natin ang ating trabaho hindi iyong kung ano ano ang sinasabi mo diyan.” “Daming sinabi pangalan lang naman ang hinihingi ko.” He pouted. At ngayon ay para siyang bata sa tuwing makikipag meeting siya sa akin. Tumatanda yata siyang paurong. “Kanina ka pa kasi nangungulit ano

