Nangangamba ang puso ko sa kung anuman ang mangyayari sa kasong ito ni Angus. Tila nawala ang lahat ng pag-asang magkakabalikan pa kaming dalawa dahil sa ginawa niyang ito. Sa totoo lang ay wala akong gana magtrabago, hindi ako makapag-focus sa mga files at documents na ginagawa ko dahil hindi umaalis sa aking isipan ang custodia’ng nais ni Angus. Sa tuwing naaalala ko ang pagpunta ni Angus dito sa aking opisina upang sabihin lamang na gusto niya ng Sole Custody kay Aman ay kumukulo ang aking dugo. Ang lakas ng kaniyang loob magpunta rito upang sabihin iyon sa akin. He even gave me papers na nagpapatunay na nilalakad na ang kaniyang request na iyon at talagang tunay na paabutin niya sa korte ang kasong ito. Hindi niya na inalala ang anak naming si Aman, ang tagal kong pinag-isipan an

