Chapter 3

1754 Words
IRIS "What do you mean?" Naaasar ako dito  sa kasama ko, buong araw nakabuntot sa akin! Hindi talaga ako sanay. I mean, I distance myself from so-called friends. I hate dramas, I hate parties, I never experienced to be a teenager. Whoah! My awesome life! And now I have to deal with this one. "Kung mag co-commute tayo wala akong pamasahe dito. Dad took my car, phone,and my wallet." Nakayuko niyang sabi. "Shoot! So ako muna? Haha, abuno muna ako?" "Ha?”  "Idiot!" "Para ka kasing alien eh, may sarili kang lengguwahe." Tipid itong ngumiti. Napakagwapo niya, of course Anak siya ni tito Bryan, he is the young version of his father. "Never mind!" Hinila ko na siya dahil may huminto na jeep sa tapat namin.  "O dal'wa pa!" Sigaw ng konduktor.  "Dadaan po kayong gate 6?" Tanong ko. "Oo dadaan tayo doon." Sagot nito. Sakto namang sa pinakapinto at magkatapat ang available na upuan kaya nakaupo agad kami. Sa di kalayuan my pumarang ginang. Hinintuan ng driver kahit puno na. "Puno na, puno na!" Sigaw ng konduktor na nakasabit sa hagdan ng jeep. Tiningnan ko ang kasama ko. I can see his uncomfortable. "Sa pangalawang kanto lang ako iho." Pakiusap ng ginang. "Pasakayin mo na Kuya kawawa naman." Sabi ko sa konduktor. Tumango naman ako sa kasama ko, like,hello! Alangan naman ako ang tatayo at sumabit diba? Buti na lang nakuha niya agad ang ibig kong sabihin. "Halika po dito maam sasabit na lang po ang kasama ko." Inalalayan pa niya ang Ale. Hmm, gentleman.  "Naku ang bait ninyong magkapatid! Salamat!" "Humawak kang mabuti diyan K.U.Y.A." at nginitian ko siya. Napangiti din siya sa sinabi ko. He bent his right knee at yumuko para makapasok ang ulo sa loob ng jeep. "Maraming salamat iho." Humawak pa sa tuhod niya ang ale.  "Hay.. Sobrang init pa naman. Ay teka nakabayad na ba kayo?" Binuksan niya ang hawak na coin purse.  "Hindi pa po, magbabayad pa lang." Sagot ko.  "Ito na ito na libre ko na kayo." "Huwag na po." Tutol ng total idiot na kasama ko. Tiningnan ko siya ng masama. "OK lang yan.." Agaw ng Ale.  "Mama bayad o, tatlo."  "Estudyante po ang dalawa." Sabad ko. Sayang din naman ang discount. "Alam nyo, maswerte ang mga magulang nyo at napalaki kayo ng tama. Bibihira na lang ng mga batang tulad nyo. At pareho pang pogi at maganda!" Ngiti lang ang tanging naisagot ko. "Paano mauna na ako, ingat kayo iha, iho. Ma, para!” at inalalayan siya ni Niccolo pababa.  I bite my lower lip para pigilin ang sarili na mapangiti. Pawisan na si Niccolo. Alam kong first time niya mag commute. Bakat na bakat ang bicep niya kasi nakahawak sa bakal ng jeep ang isang kamay. Namumula ang mukha dahil sa init at siksikan. Pati lips! What the heck para natalo pa ang lip tint ko sa pula. Napansin kong nagbubulungan ang tatlong babae na malapit sa amin at panay tawa habang nakatitig sa kasama ko. Diyosmiyo ang suot nila! Ma papa sign of the cross ka lang! "Kuya? Lapit ka." Nagsalubong agad ang kilay niya hindi ma gets ang ibig kong sabihin. Pinunasan ko ang noo niya ng hawak kong panyo. Napangiti siya sa ginawa ko. I just rolled my eyes.  "Gustong-gusto mo naman?" Bulong ko. "Gate 6 na, gate 6!" Anunsyo ng konduktor. "Para po!" Sabi ko.  "Ay sayang bababa na siya!" Sabay tawanan silang tatlo. "Di kung gusto nyo baba din kayo!" Sabi ko sa kanila. "Halika na nga. Mapagpatol ka talaga!" Hinila na akon ng kasama ko.  "Talaga! Hindi mo ba napansin pinagpapantasyahan ka nila! Nakakairita kaya ang ganyan, ang lalandi kulang na lang maghubad sa harapan mo!"  He just smirked. "Sanay na ako sa mga ganyan… Mas higit pa nga diyan." "Eww! Kadiri ka!" Hinampas ko siya ng backpack ko. "Gate pass. Sabi ng guard." Inabot ko ang ID ko.  "Gate pass mo sir!"  "Tagarito ako Kuya."  "Naku lumang tugtugin na yan." "Totoo Kuya taga rito po siya." Ayon ko. "Kung tagarito ka, bakit sa gate 6 ka dumaan hindi sa gate1?" Sabay tawa. "Huwag nyo ako gi-no-good time ha?"  Gumalaw ang mga labi ni Nicco may gustong sabihin pero mas piniling manahimik. I know he was pissed off pero nagpipigil lang.  "Wait Kuya late na po ako sa trabaho ko, paki tawagan bahay ni Mr. Bryan Alvarez. Pakisabi may gustong pumasok, anak niya kamo..."  "Susunduin daw kayo ng pinsan mo sir, pasensya na po. Trabaho lang. Upo muna kayo." Alok ng gwardiya. "Una na ako, baka pagalitan pa ako ni Tito Richard." Paalam ko.  "Sabay kana sa amin!" Umiling lang ako at nagmamadali umalis.  Umupo muna ako saglit sa isang bench sa ilalim ng puno, tanghali kasi ngayon kaya wala pang tao sa playground. Ang sarap ng simoy ng hangin.  At bigla kong naalala ang cupcake na bigay ni Carlito kanina. Janitor siya sa shelter. Binuksan ko ito tinusok ng kandila na nakalagay lagi sa bag ko kasama ng lighter. Lagi kasi kami napuputulan ng kuryente kaya lagi ako may dala nito para pag-uwi may pang ilaw ako.  "Happy 18th birthday to me!" Sigaw ko. Pumikit ako saglit para magwish "Lord malapit na ba kami magkita ng fiance ko? Wish ko na sana matatandaan pa niya ako."  saka hinipan ang kandila.  Pag angat ko ng tingin may itim na Lamborghini na nakahinto malapit sa playground. Tinted ang bintana.  "s**t! Mukha ba akong tanga?" Well I don't give a f*ck ano man isipin nyo sa akin. Hindi nyo naman ako kilala. Kaya kung sinuman ang nasa kotse na iyon. Paki ko sayo! "Nics ok na ba tayo? Napatawad mo na ako?” lalo kong binilisan ang lakad. Isang linggo na lang matatapos na ang punishment namin. "Say yes please para maibalik na ang kotse ko. Maayos naman ang trabaho ko diba?" Nagtakip ako ng tainga.  Sinubukan lang talaga siya ni Tito Bryan kung hanggang saan daw ang pasensya ng Anak. Katulad ng pagsubok na ibinigay niya sa akin noon. Sa katunayan nakapag-usap na kami tungkol dito. Pinuntahan nila ako sa clubhouse ng village kasama ang pamangkin niyang presko! Flashback 'Iris." Napaangat ako ng tingin ng tawagin ako ni Tito Bryan.  Pati ang pamangkin niya, tila nagulat din sa tawag niya sa akin.  "Pwede ba tayo mag-usap saglit?"  Lumingon muna ako kay Tito Richard sa di kalayuan. Tumango ito bilang pagsang ayon. "Oo nga pala, I want you to meet my nephew Caleb, iho this is Veronica, Niccolo's friend and she's  like a daughter to me and Myla." "Nice meeting….." Inilahad niya ang palad for hand shake. "We've already met Tito. Let's get straight to the point. Tungkol po saan pag-uusapan natin?"  "Iha, alam mong si Niccolo na lang ang natitira naming Anak. Whether we like it or not mauuna kaming mawawala sa inyo. Kaya malaki talaga ang kagustuhan naming ampunin ka. Dahil alam kong isa ka sa pwede kong pagkatiwalaan pagdating sa Anak ko." "Pasensya na po kayo Tito if I wasn't able to meet your expectations. I failed you. Hindi ko po kayang baguhin ang katauhan niya kasi po siya iyon eh, now kung gusto nyo po maibalik ang dating siya, choice niya po iyon. Kung ayaw niya hindi po natin siya mapipilit."  "No, no," hinawakan niya ako sa kamay. Naiilang ako sa kasama niya hindi umaalis ang titig sa akin. "In fact I am happy, our Niccolo is back!" Kumunot ang noo ko.  "Simula nang mawala sa amin ang kakambal niya nag-iba ang kanyang pag uugali. Bugnutin, gustong mapag isa lagi, natuto ng kalokohan, barkada, bisyo at alam ko ang lahat ng iyon." "Stop staring at me!" Asik ko Caleb. Tumawa naman si Tito Bryan. "I'm sorry Tito, nakakailang po kasi." Hingi ko ng paumanhin. "Oo nga naman iho, kanina pa kita napapansin."  "Hintayin nalang Kita sa sasakyan Tito." Iwas niya at tinapunan pa ulit ako ng tingin. Anong problema noon?  "Iris, take this."  "Niccolo's car key. I want you to give that to him personally. Whenever you want."   "Paano, Kita na lang tayo sa university?" Tumango lang ako. Meron pa rin kasi akong special class at siya mismo ang prof ko. End of flashback "Bakit mo nga kasi ako binubully dati?"  Papasok kami sa isang fastfood chain na paborito ko. Ako naman ang magbabayad kaya wala akong paki kung hindi niya trip ang pagkain dito. "Trip ko lang!" "Wrong answer! Hah? Trip mo lang? Hanap ka muna mapwestuhan natin. Oorder lang ako."  "Sweldo ko ngayon kaya hindi muna pares ang kakainin natin. And, unli rice dito kaya  wash your hands, hindi uso kutsara at tinidor dito."  "You mean magkakamay tayo?" "Uuhmm, may problema ba tayo sa pagkaka..?" I stopped talking when in my peripheral vision I saw a man snapping pictures of me. "What's wrong?”  "Wala lang." Kibit balikat kong sabi. Binalik ko ang topic ng pinag uusapan namin kanina. Habang kumakain kami. "I'll give you another chance. What is the reason behind your…"  "Okay!" Tinaas niya ang mga kamay. "First, your strong personality. Second, rumors between you and Dad! And I'm sorry for that. Last, you don't give a f*ck! You don't give a s**t! You didn't let me win and I hate it! I mean, what the f*ck! Maraming babae ang naglalaway sa itsurang 'to pero ikaw deadma? Kaya siguro dahil doon nakuha mo ang attention ko." "Bryan Niccolo Alvarez, let me remind you, my life is already f*cked up! My life is full of s**t like you can imagine…" "Maybe if I said yes before, hindi siguro magiging ganito ang simula natin. Kung pumayag ako na ampunin ka nila Daddy. Hindi rin maging ganito ang buhay mo. But… I think that was for the best. I mean, you can't be my sister if I end up liking you!"  I just smirked. "I said I like you but you just smirked." Bulong niya. "We can be friends. Or a brother and sister relationship. That was the best that I could give." He smirked. "You know what? We have a lot in common. Being straightforward and the ability to smirk." Inabot ko ang kamay ko sa kanya.  "For the great start? Kuya?" Nakipag Kamay din naman siya. "I still have my stand! So don't call me Kuya. As long as you don't have a ring in your finger, I'll keep on liking you." Kita ang sincerity sa peyslak niya. I just scrunched up my nose. "I was engaged since I was eight." Tumawa ito ng malakas dahilan para pagtinginan kami ng ibang customer. Sinipa ko ang paa niya. "Ouch!" Revenge is coming!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD