Caleb's P.O.V
"Louie, halika ka muna dito sa office ko."
Kakarating ko lang galing sa condo. Hinatid ko muna si Iris at bumalik ulit dito dahil tambak ang trabaho ko.
Masyadong matigas ang ulo ng babaeng iyon ang hirap pasunurin. Ako na nga ang nagbibigay ng pabor sa kanya na ihatid siya...
"Sir, you don't have to drive me home."
"Tinutupad ko lang ang hiling ni Tito Richard."
"Ah.. So it's because of Tito Richard..."
No, it's not because of him, it's because of me. I want to keep you safe always. Hindi ko pa alam bakit ganun na lang ang pag-aala ng mga tito ko sayo. I don't want to take the risk. Now that i found you.
Pero syempre hindi ko iyon sinabi. Nasaisip ko lang iyon. It's too early to confess.
Hinatid ko siya hanggang makapasok sa unit ni Nico. Tututol pa sana siya pero bago pa bumukas ang bibig niya inunahan ko na. I kissed her! Ewan ko ba, sa tuwing nasa tabi ko siya, I want to claim her, I want to see her face always, para akong balisa kapag hindi ko siya nakikita.
"Goodnight my love!" Umalis na ako bago pa niya ako masampal. O kayay bago pa ako makagawa ng mas higit pa sa ginawa ko ngayon kailangan ko magtimpi.
Ayaw ko sanang iwan siya mag isa pero kailangan ako ng kumpanya namin. Ang isiping may mga tao akong nakabantay sa paligid ang nagpapanatag sa aking kalooban.
I was back to the present ng kumatok at bumungad sa pinto si Louie.
"Boss, mukhang importante ang kailangan mo at pinapunta mo pa ako dito sa office mo."
"Louie, ano ba ang ibig sabihin ng GGSS?" He burst into laughter, to the extent na hawak-hawak na niya ang tiyan niya dahil sa tawa.
Sa inis ko binato ko siya ng hawak kong ballpen.
"Boss pinapunta mo ako dito para lang itanong yan?hahahahahaha!"
"Bakit boss sinabihan ka ni Iris ng GGSS?"
"Will you stop?!" I roared.
"So-sorry Boss."
"Oo nga pala boss, meron kasi akong kaibigan, nasa legal team siya ng TWIN BUILDERS, baka makatulong sa imbestigasyon natin. Ang hirap mangalap ng info lalo na magaling ang nagtatago nito. I'm sure may kinalaman dito sina Doctor Alvarez at Gen. Orosa at Tito Rex mo. Siya ang nakapagsabi sa akin na si Iris ay nasa protection nilang tatlo simula pa noong walong taong gulang ito."
"I want to talk to him in person."
"Sige Boss gagawan natin ng paraan yan."
I decided to go home and take a rest. It's almost six in the morning, balak kong daanan muna si Iris, para icheck.
Dahan-dahan ang kilos ko dahil ayaw kong mabulabog siya. May pagka tigre pa naman kapag sinumpong.
"Tyang tama na! Maawa ka sa akin! Nasasaktan po ako. Hindi na po mauulit! Pangako! huhuhuhu!"
"F*ck!" dali-dali akong pumasok sa kwarto niya.
"Iris!" niyugyog ko siya para magising. She was clutching her blanket. Tagaktak ang pawis at hilam sa luha ang mga mata.
"Iris wake up!"
"Ayaw ko na! Bakit nyo ba ako ginaganito? Kadugo nyo po ako!"
God! Naikuyom ko ang aking mga palad. Ano ba ang naranasan niya noon para magka ganito siya? Awang-awang ako sa kanya. Kung maaga lang sana kita natagpuan my love, I will never let anyone touch even a strand of your hair.
"Iris wake up please! It's me Caleb!" nilakasan ko ng bahagya ang pagyugyog sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag ng dumilat siya.
"C-caleb?"
"Nightmares again?" pinunasan ko ang luha niya. Tumagilid siya para umiwas.
"Why are you here?" mahina niyang tanong.
"Kagagaling kong office, I stop by to check on you. And…"
"I'm okay. Go on. Magpahinga ka na rin." Nagsalin ako ng tubig sa baso na nasa gilid ng kama at inabot sa kanya.
"Here."
"Salamat!"
Hinubad ko ang coat pati long sleeves iniwan ko lang ang puting tshirt na suot ko. Saka sinunod ko ang sapatos.
"What what are you doing?" nagtataka niyang tanong.
"Sabi mo magpahinga na ako." Humiga ako sa kama niya. Marahas siyang umusud palayo sa akin. Pero hinila ko siyang muli dahilan para bumagsak siya pahiga sa dibdib ko.
"Let me go! Doon ka sa penthouse mo!" nagpupumiglas siya pero balewala ang lakas niya kumpara sa akin.
"Baby, please pahingahin mo muna ako, antok na ako at pagod." I closed my eyes, totoo naman talagang antok na antok na ako.
"Don't call me names!"
"What should I call you, my love? Your choice!" tumigil na rin siya ng nagpupumiglas sa yakap ko.
"I’d told you before, hindi magandang tinatago mo sa sarili ang problema mo. Kahit pinakamagaling na doctor sa buong mundo hindi ka matutulungan. Ikaw mismo ang nakakagamot niyan." tahimik siyang umiiyak sa dibdib ko.
"Let it out my love! Nandito na ako.. I will never leave you alone again." And I drifted into sleep...
I woke up na wala na si Iris sa tabi ko. Tinawagan ko ang bantay niya at inusisa kung anong oras siya umalis at kung ilan sila ang nakabantay sa kanya ngayon. Nang masigurado na ang lahat gumayak na ako, gusto kong makausap ang taong sinasabi ni Louie.
"Nagkataon lang Sir na nabuksan namin Ng kaibigan ko ang topic tungkol sa batang iyan." bakas sa mukha niya ang poot ng pinakita ko picture ni Iris.
"Ano ang nalalaman mo tungkol sa kanya?"
"I'm not in the position to disclose this with you Sir. Kung anuman ang aking nalalaman hindi ko po masasabi sa inyo may isang mahalagang tao akong pinoprotektahan. Wala na rin akong balita sa kanya. Basta ang alam ko lang siya at ang pamilya niya ang dahilan kung bakit nasa piitan ngayon ang aking ama." I was shocked by his revealation.
Kung kailan malapit na ako sa katotohanan, palalampasin ko pa ba ito. I need to find a way.
"Mahalaga ba sayo ang trabaho mo Attorneeeeeyyy…. Prince Albert Española? Dahil kung oo hindi mo na ako pahihirapan pa."
Kailangan ko siyang iblackmail…
"Louie sa university mo ipadala ang bulaklak. Ako ang susundo kay Iris."
"Nandito na ako Boss.."
"Teka lang! Ako magbibigay sa kanya."
"Magpapakilala kana Boss?"
"No, gusto ko lang makita ang reaction niya sa tuwing nakakatanggap Siya ng bulaklak."
"Okay, good luck Boss!"
Sinalubong ako ni Louie para iabot sa akin ang bulaklak. Tinawagan ko muna si Iris kung nasaan siya.
"H-hello!" may ingay akong naririnig sa background.
"Where are you?"
"Nasa university po."
"I know! Pero saang parte ng university?"
"Covered court."
"Wait for me there."
Nadatnan ko siyang nakaupo magisa sa bench, ang ganda niya sa simpleng kasuotan. Kahit yata magsuot lang siya ng basahan magmumukha pa rin siyang diwata, nilapitan ko siya at inabot ang bulaklak.
"S-saan po galing?" tila hindi Makapaniwalang tanong niya.
"May delivery man na nagtanong sa akin kung kilala kita kaya kinuha ko na lang…" magsasalita pa sana Siya ng may tatlong kababaihan na malakas na nagsalita at patungkol ito sa kanya.
"Ang kati Girl! Dati si Doctor Alvarez at anak niya, ngayon si Doctor Fuentebella naman! Napakatalented!" parinig na isa mayayaman ang mga ito basi sa mga kasuotan at signature bags nila.
"Kapit sa patalim! Ano ba kayo? Hayaan nyo na nga!"
"b***h!" dagdag pa ng isa. Kapansin pansin ang pagblush ni Iris at pamumuo ng pawis sa ilong pero nanatiling tikom ang kanyang bibig.
Bigla silang nilapitan ni Clyde at pinagsabihan. Pawisan ito halatang kagagaling lang sa kung anong physical activities.
"Hoy! Kung wala kayong magagawa, go anywhere and spend your father's money!"
"Clyde!" tawag ni Iris
at lumapit naman agad ito.
"Hello Doc!" bati niyang nakangiti ngunit tiningnan ko lang siya ng masama.
"Ikaw, napaka patola mong talaga." sabi niya at hinagisan pa ito ng bimpo.
"Hayaan mo lang sila! Ang importante sanay na ako." nagtatawanan sila at nag-apiran!
Hinblot ko ang kamay niya at hinila palabas. Wala na akong pakialam kahit nalaglag ang bulaklak na inabot ko sa kanya.
"Hadn't you remembered my love? I already told you to stop talking to him!"
Marahas niyang hinila ang kamay niya.
"Doc, Sir,.."
"It's Caleb to you!"
"Whatever! Hindi porket binawalan mo akong makipag-usap sa kanya ay susundin na kita! You are acting like a jealous boyfriend! Hindi naman kita kaano-ano!"
"Get inside the car!" utos ko. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Mabilis naman siyang sumunod sa utos ko.
"Look, kung hindi lang nakakahiya sa mga tao hinding hindi mo ako mapapasakay dito!"
"If you just did what I had told you to do, hindi kita pupuwersahin sumakay ng kotse! Hindi mo pa talaga ako kilala Iris at hindi mo pa alam ang kaya kong gawin!"
And what? Am I acting like a jealous boyfriend? Yes I am! I am f*cking jealous! Every time I see you talking with another man! Even Niccolo!" Nang uuyam siyang tumawa.
"Paano Kita magiging boyfriend? Hindi ka nga naniligaw? Basta basta ka na lang nanghahalik diyan tapos iyon na yun? Boyfriend na agad?" Lalong lumakas ang nakakainsultong tawa niya.
"So hindi ka susunod sa akin?"
"At bakit Kita susundin?" Matapang na balik tanong niya.
Tinawagan ko si Louie, at inutusan na papauntahin si Engr. Alarcon sa opisina ko.
"Why? Bakit gusto mo makita ang Daddy ni Clyde?" I just smirk at her.
"You should've guessed."
"Don't do anything stupid or else I will hate you!" banta niya.
"Easy, my love! Namumula ka sa galit baka ma heart attack ka diyan! I'm not a cardiologist."
Pagdating namin sa TWIN BUILDERS nagtataka ang mga empleyado namin kung bakit ako napasok ng maaga samantalang sa gabi ako nagtatarabaho. Nasa loob na ng opisina ko si Engr. Alarcon.
Tumayo ito at nagbigay galang.
"Kamusta po?" bati ni Iris at nginitian ang matandang Alarcon. Na sinuklian din nito ng ngiti.
"How are you Engr. Alarcon?" bungad ko at umupo na sa swivel chair ko at nagbukas ng laptop.
"Maayos naman ako Sir. Ano ang pakay mo at pinatawag mo ako?"
"Ilang taon ka na nagtatrabaho dito sa TWIN BUILDERS?"
"Naku sir binata palang ako dito na ako nagtatrabaho. Mahigit trenta anyos na ako nagseserbisyo sa TWIN BUILDERS." pagmamayabang pa nito.
"Pwes bukas po huwag ka ng pumasok, ibibigay ko ang karampatang kabayaran sa iyo. Sabihin mo lang ang halagang gusto mo babayaran kita." narinig kong napasinghap si Iris.
Napahawak naman sa dibdib ang matanda at napaupo. Dinaluhan agad siya nito. Binigyan ng tubig na inumin.
"Bakit Sir? What are your grounds of firing me?" gumaralgal ang boses ng matanda. Alam kong mali ang ginawa ko pero gusto ko lang ipakita kay Iris na hindi niya ako basta basta sinusuway.
"At saka hindi pera ang dahilan kung bakit kita kinukwestyon sa pagpapaalis sa akin kundi dahil mahal ko ang propesyon ko." dagdag pa nito.
"May isang tao kasi na sinuway ako at kayo ang magsusuffer dahil sa hindi niya pagsunod sa akin." Iris glared at me. She was fuming with anger.
"At sino naman iyon?"
"Stop this nonsense Caleb! Parang kang bata!" saway ni Iris na halatang naaawa sa matanda. Nginisihan ko lang siya.
"How dare you fire and innocent gentleman? Hindi maipagkakaila ang ambag ni Engr. Alarcon sa TWIN BUILDERS kahit noon pa sa ilalim ng pamumuno ng daddy mo!" Tinaasan ko siya ng kilay. Palipat lipat naman ang tingin ng matanda sa aming dalawa.
"Gusto ko lang iparating sayo na hindi lang ito ang kaya kong gawin Miss Salazar." malumanay kong sabi sapat na para lalo siyang maiinis sa akin. She glared at me again.
"Mga anak anuman ang problema niyo wag kayong padalus-dalos ng desisyon dahil baka sa huli pagsisihan nyo rin ito. At baka may iba pang masasaktan."
"Don't worry Engr. Aayusin ko po ito. Pasensya na po kayo. Bumalik na lang po muna kayo sa office nyo.."baling niya sa matanda. At inalalayan ito na makatayo at inihatid sa labas.
When she comes back she gathers all her things and is about to leave.
"And where do you think you are going?" sumandal ako sa upuan at nilagay sa batok ko ang pinagsalikop kong mga palad.
"May pasok pa ako sa tindahan ni Tito Richard."
"Ihahatid kita uuwi din naman ako sa bahay."
Hindi siya umimik hindi ko tuloy alam kung pumapayag siya o hindi. Mabilis ko siyang sinundan. Kahit nasa sasakyan na kami, hindi pa rin siya kumikibo. Tumawag ako kay Yaya Lydia para magpahanda ng lunch.
"Mag lunch muna tayo sa bahay bago kita ihatid sa tindahan." Nanlilisik ang mata niyang nilingon ako.
"And you think I can afford to eat after what happened? Meron muntikan ng mawalan ng trabaho ng dahil sa akin?!" May namumuong butil ng luha sa mga mata niya. I panicked!
"F*ck!" sigaw ko. Saka hinampas ko ang manibela.
"I'm sorry baby! Just don't cry please I will not fire him! I promise!"..