Habang hinihintay na umapoy ang uling sa kalan. Paulit-ulit ko nang hinihiling sa isip ko na sana maisipan na nina Lolo bumili ng rice cooker, maski electric stove sana. Iyong dalawa ang burner. Ang nandito kasi sa kusina nila ay hindi ko alam kung paanong gamitin. Ayaw ko rin naman na pilit pa itong kutkutin at baka sumabog lang at magkaroon pa ng aksidente. Magsi-seven am pa lang pero natitimpi na akong bulabugin ang Mama ko para lang magpadala siya rito ng rice cooker. "If Satan can't reach you he would probably sent you to your grandparents who does not have a good rice cooker and cooking method," I whispered to myself. Walang buhay ang ulingan pero kung panggigilan ko 'to habang pinapaypayan para lumakas ang apoy ay daig ko pa ang may malalim na galit dito at nasa boundary na mal

