Siguro ay nasa dalawang oras na rin akong nakahilata sa kama. Nanakit na ang mga mata ko at nangangawit na ang aking braso. Wala pa rin naman akong nakikita sa web na pupuwede kong ilagay nag-iisanc acrylic frame. I look up to the floating shelve and saw the empty frame. It's bothering me. Iyong picture na ilalagay ko roon, kung anong klase man 'yon ay parang piraso ng isang jigsaw puzzle. Nakaka-frustrate na wala ito sa puwesto niya kahit pa isang piraso lang 'yon. "Rai." Sunod sa pagtawag ni Lolo Ada sa aking pangalan ay ang pagkatok sa pinto. Hindi naman 'yon naka-lock kaya madali itong bumukas pagpihit niya sa seradura. On my Lola's right hand is a big basket. May prutas tatlong malalaking tupperware. "Papunta ako sa bukid. Nagpapahatid ng pagkain ang Lolo mo." My eyes widened. W

