Ilang fleece blanket na ang nahawakan ko. May mga nakita ako na hindi man saktong kakulay ng terra cotta throw pillow na hawak ni Totheé. Hindi naman nalalayo ang itsura. Hinila ko mula sa rack ang fleece na pinaka-malapit sa throw pillow. Ipapakita ko dapat 'yon kay Totheé para makuha ang opinyon niya. Nagpapalingga-lingga ito at sa hindi malamang dahilan ay balisa siya. Parang security guard ng isang bangko na graveyard ang shift. At ninenerbyos na baka mayroong hindi maganda na mangyari habang siy ang naka-duty. "Timotheé?" kumukurap-kurap pa ang mga mata nito nang mapatingin siya sa akin. "Oh?" he murmured softly. Lumapit ako rito at sinapat din ang sinisilip niya. Wala naman akong nakita. "Bakit ba kasi?" ungot ko. "Baka nandito pa sina Theros. Kinakabahan ako. Dapat hindi ka

