Pagkauwi namin galing sa bayan ay diretso akong umakyat at pumasok sa kwarto, naligo ako at hindi na lumabas. Wala na ko sa mood pa na gumalaw, nagkulong na lang ako sa kwarto at nanood ng drama sa TV hanggang umabot ang gabi para mawala sa isip ko na ngayon ay may kasamang babae si Galen.
Kanina ay kinatok ako ni Belinda para kumain pero sinabi ko na wala pa akong gana. Dalawang oras nang nakararaan iyon, ngayon ay kumakatok na naman siya.
“Madame, kailangan mo na po talagang kumain,” aniya mula sa labas.
Bumuntong-hininga ako at tumayo. Nagulat pa siya nang buksan ko ang pinto pero maya-maya ay ngumiti. Sumama na ako sa kanya sa baba at muntik na akong tumakbo pabalik sa taas nang makitang nakaupo roon si Galen at kumakain.
“Belinda, wala talaga akong gana,” sabi ko.
Mula sa plato ay umangat ang tingin ni Galen sa’kin. Nagsalubong ang kilay ko, siya naman ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon. Nagpatuloy siya sa pagkain nang parang walang nakita.
Ayokong isipin niya na apektado ako sa kanya kaya kakain ako. Sige! Naglakad ako palapit sa hapag at umupo sa katapat niyang upuan.
“Konting kanin lang, Belinda, wala akong gana,” sabi ko kaya’t tumango siya at nagtungo sa kusina.
Napatingin ako kay Galen nang kunin niya ang baso sa harapan niya. Sumandal siya at uminom habang pinapanood ako, umismid ako at nag-iwas ng tingin.
Pinatong niya ang baso sa lamesa nang hindi inaalis ang tingin sa’kin. Ano bang tinitingin-tingin niya?
“You need to eat more, Lucille, you’re too thin,” aniya sa malalim na boses kaya tuluyan na akong bumaling sa kanya.
“Ganito talaga ang katawan ko,” sabi ko.
“No, you’re not.” Tumaas ang isang kilay niya. “Baka nakakalimutan mong nakita ko na ang lahat sayo?”
Napanganga ako. “Are you saying that I was fat?”
He chuckled. “No, darling, you were curvy.”
Nag-init ang buong mukha ko. He used to call me ‘darling’ in the past whenever he teased me. And everytime, he would chuckle like that. I always loved hearing it.
Napatulala ako sa kanya ng ilang segundo habang iniisip ang nakaraan. Galen has always looked good, but he is way more handsome right now. His biceps, his arms, his chest are all toned… and he is way taller.
Hindi ko alam na ‘yung Galen na kinababaliwan ko noon ay may igo-glow-up pa pala.
Buti na lang ay dumating na si Belinda na dala ang pagkain ko. Maya-maya ay tumayo na rin si Galen dahil may tumawag sa phone niya.
Nilingon ko agad si Belinda na nakatayo sa tabi ko.
“Next time, kapag nandito si Galen ay sabihin mo sa’kin para hindi kami magkasabay..”
Napakamot siya sa ulo. “E, siya nga po ‘yung nagpatawag sa inyo…”
Natigilan ako. Bakit niya pa ako pinatawag? Gano’n na ba talaga ako kapayat para mag-alala siya sa pag-kain ko?
Tumikhim ako. “Next time, ‘wag mo nang sabihan si Galen na isabay tayo sa pag-uwi. Nakakahiya naman dahil naaabala pa siya.”
“E, madame, siya rin po ang nagsabi na sabihin ko sa kanya kapag uuwi na tayo..”
Kumunot ang noo ko. “Bakit? Hindi ba siya naaabala?”
“Mukhang hindi naman, madame, kasi hinintay talaga nila tayo kanina,” aniya tapos ay humagikgik. “Kaso mukhang hindi natuwa ‘yung kasama ni Sir Galen kanina.”
Umirap ako sa hangin pero hindi ko iyon pinakita. “Nakakahiya rin na naghintay pa siya, mukhang may date pa sila e.”
“Naku, madame! Parang hindi nga e, kasi pagkahatid sa’tin ni sir Galen kanina ay hindi na siya umalis..”
“Ha? E, paano ‘yung babae?”
“Sakto nga po na dumating si Popoy kanina kaya pinahatid niya na lang..”
Uminom ako ng tubig para itago ang namumuong ngiti sa labi ko. Napamura ako sa aking isip. Bakit ako natutuwa na hindi natuloy ang date ni Galen?
“Naiinis nga ako kanina, madame! Ang yabang ng babae na ‘yon! Sinabihan ka ba naman na amoy usok!” Napapikit siya ng mariin dahil sa inis. “Siguro ay naturn-off na sa kanya si sir Galen, buti nga!”
Hindi na lang ako nagsalita. Mali pa rin na hindi natuloy ang date na iyon dahil sa’kin. I want Galen to find someone so he could be happy.
Masakit man isipin ngunit kailangan kong tanggapin. Kasal na ako sa ama niya.
We loved each other dearly. We’re just not meant to be together.
Kinabukasan ng umaga ay sinabi sa’kin ni Jonathan na matagal siyang mawawala. He’ll be out of the country in two weeks for business.
Nag-request naman ako sa kanya ng sariling driver at pumayag naman agad siya at sinabing sasabihan niya si Popoy na maghanap ng bago.
Dahil matagal siyang mawawala ay naisipan kong ihatid siya sa labas ng mansyon. Sa totoo lang ay nalulungkot din ako kapag wala si Jonathan, siya lang naka-kukwentuhan ko tungkol sa nakaraan ko dahil siya lang ang may alam ng totoong pagkatao ko bukod kay Galen.
He’s like a friend to me.
Nagsisi naman agad ako, dahil pagkalabas namin ay kausap ni Popoy si Galen. Bigla kong pinulupot ang kamay ko sa braso ni Jonathan.
Nang bumaling sa’min si Galen ay sa mga kamay ko unang bumagsak ang tingin niya. Nag-igting ang panga niya at walang emosyon na tinignan ang ama.
“My son, I’ll be gone for two weeks,” sabi ni Jonathan at tumingin sa’kin. “Take care of your stepmother while I’m away.”
Napalunok ako. “Kaya ko naman ang sarili ko, Jonat—”
“I will,” pagputol ni Galen sa sinasabi ko nang hindi ako tinitignan.
Hindi na ako nakapagsalita. Nagpaalam na si Jonathan at dahil nandito si Galen ay niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
“Take care,” malambing kong sabi.
“I will, thank you,” sagot ni Jonathan.
Matamis akong ngumiti habang pinapanood siyang sumakay ng sasakyan. Nang makaalis na sila ni Popoy ay mabilis akong tumalikod at pumasok sa loob, naramdaman kong sinusundan ako ng tingin ni Galen ngunit hindi ako lumingon.
Ilang araw kong hindi nakita si Galen, naikwento sa’kin ni Belinda na maaga raw itong umaalis at bumabalik nang gabi na. Mukhang marami itong inaasikaso.
Naisipan kong gumala sa farm ngayong araw. Sinamahan ako ni Mang Dante, ang isa sa mga nag-aasikaso ng mga hayóp sa farm.
Ang laki ng bukirin at maayos ang bawat pananim, ang mga kulungan ng mga hayóp ay naka-hilerang lahat sa dulo. Sa sobrang laki ay sumasakit na ang paa ko kahit hindi ko pa napupuntahan lahat.
“Balik na ba tayo, madame?” tanong ni Mang Dante.
Umiling ako. “Gusto ko sanang silipin ang kwadra ng mga kabayo..”
“Sige, madame, ingat lang dahil maputik banda rito dahil umulan kaninang umaga.”
Ayos lang naman sa’kin dahil nakaboots naman ako at maong na pantalon, ang puting t-shirt ko ay naka-tucked in. Nakuha ko pang magsuot ng strawhat dahil tirik ang araw kanina.
Napangiti ako nang makita ang mga nakahilerang kabayo sa kwadra. I used to horseback in the past, it was one of my hobbies with my father.
“Sa susunod na araw ay gusto kong mangabayo..”
Natigilan siya. “Naku, hindi ho maganda sa nagbubuntis ang mangabayo.”
Napakagat ako sa aking labi. “Nag-check ako kanina, Mang Dante. Hindi pala ako buntis..”
Hindi siya nakapagsalita ngunit halatang nagulat siya. Masyado nang kumakalat ang isyu, kailangan ko nang linawin ‘to.
“Pero… susubok pa rin kami,” sinabi ko na lang upang hindi siya maghinala. “Busy lang talaga si Jonathan ngayon..”
Ngumiti rin siya. Sabay kaming napatingin sa labas ng kwadra nang bumuhos ang malakas na ulan.
“Naku, patay tayo nito!” saad ni Mang Dante at tumingin sa’kin habang nakangiwi.
“Hintayin na lang natin na tumila.”
Sumilip siya sa labas at napahinto na para bang may nakita, maya-maya ay tumigil sa tabi niya ang basang-basa na si Galen.
Hindi niya pa ako nakikita. Pinagpagan niya ang basa niyang buhok habang may sinasabi kay Mang Dante. Basang-basa siya kaya’t bumakat ang braso niya roon, tumutulo ang mga butil mula sa kanya buhok.
“Susugod na ho ako, Sir, baka kasi nalalamigan na si madame..”
Kumunot ang noo ni Galen at lumingon sa gawi ko. Tumagilid ang ulo niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa, parang nagtataka siya na nandito ako.
Binaling ko ang mga tingin sa kabayo. Hindi ako mapakali bigla dahil sa titig niya. Nang marinig kong pinapaalis niya si Mang Dante upang kumuha nang magsusundo sa’min ay nanlaki ang mata ko.
Pero huli na dahil tumakbo na ito paalis at naiwan kaming dalawa rito.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko at namawis ang mga palad ko. Walang ibang tao rito bukod sa’min at gusto kong sumugod sa ulan at tumakbo palayo.
Niyakap ko ang sarili ko nang dumaan ang malamig na hangin, napatingin ulit siya sa’kin dahil doon.
“Lucille.”
Lumingon ako sa kanya. “What?”
Nakahalukipkip siya at nakasandal ang braso sa kahoy na frame ng pinto habang nakaharap sa’kin.
Ilang sandali niya muna akong pinagmasdan. “Hindi mo itinanggi.”
“H-ha? Ang alin?”
“Na ikaw si Lucille.”
Na-estatwa ako. Shít!
“H-hindi ka rin naman naniniwala sa’kin..” pagalit kong sabi. “Basta ang totoo ay Ingrid ang pangalan ko.”
Hindi ulit siya nagsalita at nanatili lang na pinapanood ako. Nang lumingon ako sa kanya ay nakita kong malalim ang iniisip niya.
I wonder what’s running in his mind while looking at me like that.
“Are you really pregnant?” mahina niyang tanong.
Napalunok ako at mabagal na umiling. “Hindi… p-pero susubukan pa ulit namin.”
Kailangan kong magsinungaling para maniwala siya.
“Huh.” Tumawa siya na parang naiinsulto, umigting ang panga niya. “Plano mo talagang bumuo ng pamilya kasama ang ama ko?”
“Dapat lang, Galen, dahil mag-asawa kami.”
“You don’t love him,” mariin niyang sabi, animo’y siguradong-sigurado siya.
“I love him,” giit ko. “‘Wag mong sabihin iyan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko.”
“Really?” nanghahamon ang tono niya. Nanlamig ang mga palad ko nang humakbang siya palapit sa’kin. “You used to be so inlove with me so I know how you act when you love someone, Lucille. Hindi mo ako maloloko.”
Nag-init ang mga mata ko. Binalot ng galit ang dibdib ko. He knows me very well and it’s frustrating! Bakit ba hindi niya na lang ako hayaan?
Galit kong sinalubong ang mga mata niya at kinuyom ang kamao ko. “Hindi mo ako kilala, Galen. I’m Ingrid and your father’s wife! Naiintindihan mo ba ‘yon? I’m not fúcking Lucille! Hindi ako ‘yang babaeng kinababaliwan mo!”
Lumapit siya sa’kin at hinawakan ako sa braso ngunit mabilis kong tinabig, tinalikuran ko siya. Kasunod ng pagtulo ng mga luha ko.
Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa kanya. His jaw clenched when he saw my wet face.
“Do we really have to fight like this all the time?” nanginginig ang boses kong tanong.
“No, I’m sorry…” malambing niya sabi at maingat na hinawakan ang braso ko. “Please, don’t cry.”
Napayuko ako nang mapahikbi ako, pinilit ko ang sarili kong pigilan iyon bago muling tumingin sa kanya.
“Galen,” sambit ko. “Kung hindi mo ko kayang tanggapin bilang asawa ng ama mo… let’s just be friends atleast.”
Natigilan siya. He looked at me as if that was the most ridiculous thing that I have said. Mabagal niya akong binitawan kaya’t nanlamig ako, tumingala siya at huminga ng malalim.
“Hindi..” sabi niya at sinalubong ang mata ko. He looked pained, and his voice was shaking. “Why can’t you understand this, Lucille? Being just friends with you sounds like a fúcking nightmare.”