“Lucille!”
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Galen. Diretso lang ako ng takbo para makalayo sa kwadra na ‘yon, nanginginig na ako dahil sa lamig.
I can’t stand being with him! Naiinis ako at nasasaktan! Tulo lang nang tulo ang luha ko habang hirap na hirap na tumatakbo sa maputik na daan.
Narinig ko ang pagmumura ni Galen at ang pagtawag niya sa’kin. Bahala siya! Kung nakinig lang siya sa’kin at hinayaan na lang ako, kung naniwala na lang siya na hindi ako si Lucille… hindi sana aabot sa ganito.
Alam kong namamaga ang mata ko dahil sa pag-iyak at basang basa na ako mula ulo hanggang paa.
“Shít!” sigaw ko nang matapilok ako dahil sa natapakan kong bato, napaluhod ako sa putikan at pinilit na tumayo ngunit hindi ako makalakad ng ayos.
Mabilis kong tinabig ang kamay ni Galen nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.
“Bitiwan mo ako!” sigaw ko at iika-ikang tumakbo.
“Fúcking hell…” halatang frustrated siya at alam kong basang-basa rin siya.
Pinunasan ko ang luha ko kahit na alam kong hindi naman iyon halata dahil basa rin ako. Napatili ako nang umangat ang dalawang paa ko mula sa lupa.
Binuhat niya ako ng parang bagong kasal. Pumiglas-piglas ako at tinulak-tulak ang kanyang dibdib.
Hindi ko alam na puro putik pala ako kaya ngayon ay puro putik na rin siya.
“Ibaba mo ako!” sigaw ko.
“Lucille..” seryoso niyang sabi na parang nagbabanta.
Pinandilatan ko siya. “Call me Ingrid!”
Hindi siya sumagot at diretso lang sa paglalakad habang parang walang kahirap-hirap akong buhat.
“Seryoso ako, Galen!” sigaw ko. “Ibaba mo ako at baka may makakita sa’tin!”
“Ano kung may makakita?” wala gana niyang tanong.
“Nagbibiro ka ba? Ayokong may maisip sila na kung ano at ayokong makarating ito kay Jonathan!”
That’s partly true. Hindi alam ni Jonathan na may namamagitan sa’min ni Galen dati, at ayokong malaman niya iyon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.
His jaw clenched. Humigpit ang pagkakahawak niya sa’kin kaya’t napasiksik ako sa dibdib niya. Somehow, nabawasan ang lamig dahil sa init ng katawan niya.
“Galen, please…” nanghihina kong sabi.
“Just let me this time,” mahina niyang sabi at yumuko ng konti upang hindi mapatakan ng ulan ang mukha ko.
Wala sa sariling napapikit ako, para bang biglang napagod ang katawan ko sa pagprotesta. He feels familiar, and warm, and I just want to sleep in his arms.
Dámn it. I miss Galen. Nandito siya ngayon ngunit nami-miss ko siya. I miss how clingy he was in the past.
I can’t help but imagine if he were the one to find me in that hellish farm. Kung siya ang pinakasalan ako at kung siya sana ang asawa ko ngayon.
Ibang-iba sana ang lahat. I must be over the moon.
Nanginginig na pinulupot ko ang mga braso ko sa balikat niya at inilibing ang mukha ko sa leeg niya. I must be crazy for doing this.
Naramdaman ko na natigilan siya, humigpit ang pagkakabuhat niya sa’kin. At naramdaman ko ang mabilis na pagtíbok ng puso niya.
Kinagat ko ang aking labi. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko habang pinapakiramdam ang balat niya sa balat ko, habang inaamoy ang pabango niya na nahaluan ng amoy ng ulan, na ginawa ko pa para sa kanya noon.
I miss him. Posible pala ‘yon, ‘yung mangungulila ka sa isang tao kahit na hindi naman kayo magkalayo, kahit na abot kamay niyo naman ang isa’t-isa.
Mas maigi pa na magkalayo na lang, atleast alam niyo na ang distansya lang ang problema. But this is a different story, wala kayong masisisi dahil walang may kasalanan.
You just have to admit to yourself that you’re not for each other.
Kalagitnaan na yata ng farm nang dumating ang sundo namin. Sinakay ako ni Galen sa sasakyan at binalutan ng twalya na nandoon, hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Nagising na lang ako na nasa kwarto na ako at inaapoy ng lagnat. Sinabi ni Belinda na siya ang nagpalit ng damit sa’kin, pinakain niya agad ako at pinainom ng gamot.
“Kamusta na ang lagay mo, madame?” nag-aalalang tanong niya habang pinupunasan ako ng malamig na bimpo.
“Kailangan ko lang ng pahinga..”
Tumango siya. “Sabihin mo po sa’kin kung may kailangan ka..”
“Salamat, Belinda,” sambit ko at saglit siyang tinitigan bago nagsalita ulit. “Si Galen, kamusta? Naulanan din siya.”
“Mukhang okay naman po si Sir, kanina ay nakita ko siyang umalis ng mansyon.”
Mabagal akong tumango. “Sige na, tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako..”
Tumango si Belinda at lumabas ng kwarto. Ilang sandali muna akong natulala sa pintuan bago pumikit.
Kanina pa ako naiinis. Paano ay naamoy ko lang naman ‘yung isang babaeng nagkakagusto kay Galen, lagi ‘yon nagpapapansin sa kanya at ngayon ay magkaamoy na sila!
“You are cheating on me, aren’t you?”
Mula sa libro ay umangat ang tingin ni Galen sa’kin. Nandito kami sa condo niya. Nakapamewang ako sa harapan ng lamesa niya, sumandal siya sa upuan at kumunot ang noo. Tinanggal niya ang salamin niya.
“Saan naman nanggaling ‘yan?” tanong niya.
“That bruhang Elena smells like you!”
Pinaikot niya ang ballpen sa daliri niya nang hindi inaalis ang tingin sa’kin.
“And that made you think that I am cheating on you?”
“E, ano pa!” Umikot ang mga mata ko. “Baka mamaya ay naghalikan at nagyakapan na kayo somewhere kaya kumapit ‘yung amoy mo sa kanya!”
Bumuntong-hininga siya. “Come here.”
“No.” Tinalikuran ko siya ngunit mabilis siyang nakatayo at hinila ang braso ko.
Napaharap ako sa kanya at napatingala. Umupo siya ng konti sa lamesa upang magka-lebel ang mga mata namin, dumulas ang kamay niya sa likod ng bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.
Ngumisi siya nang umirap ako.
“Your perfume is a limited edition, you told me that,” mariin kong sabi.
“Maybe she managed to buy it from someone,” pagdadahilan niya.
“At paano niya naman nalaman ang pabango mo?”
Natahimik siya saglit. “She asked me and I told her.”
Napanganga ako sa inis. Hindi ako nagsalita at tinulak siya upang makawala ako ngunit hinigit niya ako lalo.
Bumaba ang bibig niya sa leeg ko at nag-iwan ng mababaw na halik, nagtaasan ang mga balahibo ko.
“What do you want me to do about it, Lucille?” masuyo ang boses niya. “You want me to go to her house and smash it in front of her?”
Hindi ko napigilan ang matawa ngunit pinigil ko agad. “Seryoso ako, Galen.”
Marahan siyang tumawa kaya pinandilatan ko siya. Lumandas ang kamay niya pababa sa aking pang-upo at pinisil iyon. He pushed me into him, and I felt his hard bulge on my stomach. Nanatili ang titig niya sa’kin, bakit ba para siyang nang-aakit?
“Then, what does my darling want?”
“Change your perfume.”
“Alright, is there anything more?”
Huminga ako ng malalim. “Wala na.”
Tumango siya ng isang beses. “Now, kiss me.”
Lumapit ako sa kanya at mababaw na hinalikan ang labi niya, mabilis lang iyon at lumayo agad ako.
“Not enough,” aniya at hinawakan ang likod ng ulo ko saka ako hinalikan sa labi.
Awtomatikong pumulupot ang mga kamay ko sa leeg niya at ginantihan ang halik niya. His lips move expertly against mine, I couldn’t help but moan.
Tinulak ko siya ng mahina kaya’t nagkalayo ang mga labi namin, hinabol niya ang bibig ko kaya’t tinakpan ko ng palad ko ang bibig niya.
“Galen, may exam ka bukas,” sabi ko.
Tumaas ang isang kilay niya, parang nalalasing ang mga mata. “And?”
“You need to review!” sabi ko. “If we do this, aabutan na naman tayo ng madaling araw.”
He let out a chuckle and pulled me closer to him. Pinulupot ko ang mga braso ko sa bewang niya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya, nararamdaman ko ang pagtibok ng puso niya.
“After my exam, let’s have a date,” bulong niya sa tenga ko.
Malawak akong napangiti at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. “Okay!”
Sa date na iyon ay dinala niya ako sa isang scent studio. It’s where you are allowed to make your own perfume. I made one for him, and he made one for me.
Sadly, wala na sa’kin ang pabango na iyon ngayon dahil wala akong nadalang kahit ano mula sa bahay namin ng pamilya ko.
And Galen’s still using his.
Nawala ang ngiti ko habang iniisip ang nakaraan. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na ginagamit niya pa rin iyon. Or nawala na lang sa isip niya na ako ang gumawa ng scent na iyon?
I guess I’ll never know, I don’t want to be near him again.