Chapter 15

1517 Words
He close the gap between us and hold my face, he then kissed my forehead. He step back and wave goodbye to me, turn his back and walk away. Looking at his back seems odd, I can't figure it out. Parang ang stiff niya na parang may dinadamdam siya. I was left dumbfounded, I didn't even manage to say goodbye to him. Nakatayo lang ako sa tapat ng tricycle for 5 minutes, processing what happened. "Miss, sasakay ka?" napatingin ako kay kuya driver, tumango naman ako at sumakay sa loob. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin. "Special ako, kuya." sabi ko sa kaniya para sa bahay na ako diretso ihahatid at hindi na ako ibababa sa terminal sa loob ng subdivision. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba kong maging masaya dahil sa ginawa niyang iyon at nirespeto niya ako o dapat ba akong maging malungkot kasi feeling ko hanggang doon na lang kami. Umiling ako at mahinang sinampal ang sarili. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa cellphone, binuksan ko ang data at tinignan ang chat ng mga kaibigan ko. Napatingin ako sa harapan namin, hindi ko napansin na may salamin pala doon. Tinignan ko ang sarili at namumula ang dalawa kong pisngi, pinisil-pisil ko ito para mawala pero lalo lang itong lumala. Hinayaan ko na lang ito para kunyare ay make-up. 'He'll call you raw mamaya.' Chat sa akin ni Kath sa gc pero sina Erika at Rachel ay tutol na sagutin ko ang tawag ni Kiel, hindi na raw maganda ang epekto ni Kiel sa akin kaya huwag ko nang pansinin. 'Don't worry mga mare, I got it na. It's ghosting time!' Iyon ang ni-reply ko sa dami ng mga chats nila. Pagkatapos ay in-archive ko na ang chat namin ni Kiel para hindi ko na makita ang mga kasinungalingan niya. I know ghosting shouldn't be the solution but, it is just for the mean time. I will face him when I am ready. Pumunta ako sa f*******: at naghanap lang ng ma-shared post. Maya-maya ay may notification ako na may nag-add sa akin, it was Dom. Agad ko itong in-accept na agad din naman siyang nag-chat. 'Baka may alis ka bukas, I can go with you.' 'Wala, gagawa lang ako ng props bukas.' 'Tutulungan sana kita kaso baka mahuli ka naman.' 'I'm sorry talaga, I am just waiting for the right time.' 'No, It's fine.' Nag-back read ako sa chat namin, sa kaniya kasi ang message request na hindi ko pinapansin. Puro lang ito 'sorry' at gusto niya makipagkita. Pinatay ko na ang data at nag-focus sa pagbibigay ng direction kay kuya. Nang makarating kami sa bahay ay agad ako nag-bayad at tumakbong papasok sa bahay para ihatid ang balita. "Aga mo?" nagtatakhang tanong ni mama, mag alas-kwatro pa lang kasi ng hapon. Ang paalam ko ay hanggang 5. "Syempre baka 'pag ako umabot ng 5, mga six na ako makakauwi." natatawang sinabi ko. "Oh, nakahanap ka na ng trabaho?" tanong niya sa akin. Uminom ako ng tubig pagkatapos ay umupo, inayos ko ang mga props. Hiniwalay ang tapos na sa hindi pa. "Oo, Yung kuya ng kaibigan ko nagtatrabaho sa publishing company ta-" "Publishing company? Iyon ba yung mga nagpoproduce ng hard copies ng mga book at soft copies na rin?" "Oo, So ayon nga. Naghahanap sila ng mga writers, nagkataon na mahilig ako magsulat kaya ayon, tinanggap niya ako." "Magkano sahod?" "Hindi ko alam." Nawala ang ngiti ko nang una niyang inisip ay ang sahod kaysa sa magiging kalagayan ko o kung alam ba nila na nagsusulat ako. Funny how money comes first in everything. Gusto kong maranasan na kumustahin ako ng magulang ko, gusto kong maranasan na magsabi ng mga problema sa kanila, na maging open sa kanila pero hindi iyon ang kinalakihan namin. Bata pa lang kami mulat na kami sa hirap ng buhay na kinaroroonan namin. Although nakakaluwag-luwag, kita pa rin doon ang paghihirap. Alam namin magkapatid kung paano nagsisikap ang papa sa pagtatrabaho at ang mama sa pagpapalaki sa amin. Hindi naging madali para sa aming magkapatid ang sitwasyon namin. Habang patuloy kaming lumalaki, naging bulag-bulagan kaming dalawa. Hinihingi niya ang gusto niya at naibibigay naman sa kaniya habang ako ay hindi kailanman nanghingi. Noong bata ako hinihiling ko na tumanda agad ako para makapag-trabaho ngunit ngayong nasa edad na ako na pwede ng kumayod sa buhay, naisip kong sobrang hirap pala talaga. Hindi ko na-enjoy ang pagkabata ko dahil sa sitwasyon at hiling ko na iyon, sinayang ko ang mga taon na nakalipas para lang sa ngayon. Nevertheless, I am happy right now of what I have become. My past self would've been so proud to me kasi magagawa ko na ang mag-trabaho at the same time ay mag-enjoy. "Kumain ka na dyan, may pagkain sa lamesa." Lumabas siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Pumunta ako sa lamesa at kinuha ang home made burger niya. Umupo ako at nag-browse sa f*******:, wala naman akong ibang gagawin. Natapos ko na 'yung k-drama series na pinapanood ko, naghahanap pa ako ulit ng motivation para magsimula manood ng ibang series. Narinig ko sina mama na nagkukwentuhan sa labas pagkatapos ay narinig kong sinabi niya na may trabaho na ako and I can hear the happiness upon saying it to them, she's proud of me! Hindi niya lang masabi sa akin dahil pare-pareho nga kaming hindi showy. Nag-vibrate ang phone ko at napatingin ako sa tumatawag, hindi siya registered. Wala rin naman akong pinagbigyan ng number ko. "Hello?" tanong ko sa kabilang linya. "Hi, This is Ralph!" Sagot niya sa kabilang linya. "I got your number kay Nikki, kung paano niya nakuha number mo ay dahil may kakilala raw siya sa school na kakilala ka kaya ayon." sagot niya sa katanungan ko sa isipan. "Bakit ka napatawag kuya?" "We've already set up a meeting for you. Are you available tonight at 8:00?" "Yes, Kuya." "So para alam din ng parents mo, isama mo sila sa meeting later ha?" "Sige, kuya." "Oh, siya, See you later! I'll send you the meeting Id and password right away!" "Thank you, kuya!" Ibinaba na niya ang tawag, ako naman ay patuloy na nag-scroll lang sa f*******:. Nag-appear naman bigla ang chat head ng gc naming apat. Dahil sa tinatamad akong mag-reply ay tumawag na lang ako sa gc namin, si Kath nga lang ang sumagot. Siya lang siguro ang may load at naka free data lang ang dalawa. Kahit gaano pa kami ka-close, never akong nag-kwento sa kanila ng personal matter ko kasi ayokong ma-burden sila at dalhin ang problema ko gayong meron naman sila. Pakiramdam ko ay dadagdag lang ako sa mga pasanin nila. "Oh, nakapag-search ka na? nakahanap ka na? mamaya pag-uwi tatanungin ko si mommy kung may available bang position sa business niya kahit part time lang." sabi ni Kath sa akin. Nag-franchise sila ng jollibee store at naka-pwesto ito sa loob ng SM Mall of Asia. Ang daddy niya kasi ay investor at ang mommy niya ngayon ang nagma-manage sa Jollibee franchise nila, generational wealth din kasi sila. "Baliw, okay na. I'll work as a writer, freelancer. Flexible time naman siya kaya pwede kong isabay sa school." Masayang sinabi ko sa kaniya, nakita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. "Talaga ba? Kailan ka mag-start?" tanong ni Erika. "I don't know. Mag meeting pa kami mamaya via zoom, doon ko pa lang malalaman lahat. I'll sign the contract din kaya make sure na susuportahan niyo ko ha!" natatawang sinabi ko sa kanila. "Saan ka nag-apply? May kakilaka ka or referrer?" si Rachel. "Hindi ko pa alam yung name ng publishing company but, I trust him naman. Kuya siya ng kaibigan ko." Binigyan nila ako ng nagtatanong na tingin. "I'll let you meet him, soon." sabi ko sa kanila. "Anong relationship niyo?" "Friends lang ba talaga?" "Si Kiel ba 'yung friend na iyan?" "Kailan mo ipapakilala?" Sari-saring mga tanong ang natanggap ko sa kanilang tatlo, masyado silang interested sa lovelife ko dahil ayaw nilang mag-isa ako or maiwanan or baka may mas malalim pa silang dahilan. "Kalma, guys. Kung magkikita kami sa monday, ipapakilala ko sa inyo. Kung hindi, edi wala." Natatawang sinabi ko sa kanila. Ibinaba na namin ang tawag, busy pa rin kasi sila sa paggawa ng sash. Hindi lang kasi siya basta susukatin at gugupitin, tatahiin din para ipagdugtong ang dalawang dulo. Binaba ko ang cellphone ko at uminom ng tubig. I am thanking Lord for giving me this opportunity, never niya akong binigo. Ilang answered prayers na ang natanggap ko at patuloy na natatanggap kaya patuloy din akong nagpapasalamat sa kaniya. Minsan nakaka-received ako ng mga maliliit na blessings pero ayos lang dahil iyon naman ang laman ng mga dasal ko. Kahit ano pa man yon, ang saya lang dahil makakatulong na ako. Sana lang, kung ano yung nararamdaman kong saya ngayon ay walang mabigat na kapalit. Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit na pag-iyak sa gabi dahil patuloy akong nawawalan. Alam kong lahat ng iyon ay nangyayari dahil may dahilan pero gusto ko rin naman maramdaman nang matagal ang labis na kasiyahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD