Chapter 16
"Ma, kasama raw kayo sa meeting mamaya." Lumabas pa ako para sabihin iyon kay mama.
"Anong oras?" tanong niya, ang mga kausap niya ay nakikinig lang sa amin.
"8 pm." sagot ko at pumasok na sa loob ng bahay.
Inisip kong mabuti kung ano ba ang dapat kong idagdag sa contract, kailangan ko munang marinig ang mga terms and conditions nila bago ako mag-isip ng kung ano-ano.
Ayos lang naman sa akin kahit hindi na ako magdadag o mag-suggest ng changes sa contract ko, ang mahalaga sa akin ay nakakuha na ako ng trabaho na sure na ma-eenjoy ko.
I can do it for full time during vacation at part time during school days. Priority ko pa rin naman ang pag-aaral ko, kailangan lang kumita ng pera dahil nahihirapan na ang parents ko.
Kinagabihan ay nagsalo-salo kami sa hapag-kainan, umuwi rin si papa at day off niya bukas.
Ginagawa niyang part time ang Rararides at full time naman siya as a family driver. Si mama naman ay tutuloy pa rin sa pag-iibang bansa dahil hindi namin kakayanin ang gastusin sa college knowing na sabay kami ng kapatid ko mag-college.
Ang dami ngang nagtatanong kung bakit sabay kami gayong mas matanda ako ng isang taon. Noong bago mag grade 1 kasi ay may pa-exam tapos pareho kaming nakapasa kaya ayon, sabay kaming dalawa.
Ang nakakatuwa lang din ay naging magkaklase kami noong grade 4 hanggang grade 6. Nakakahiya nga lang dahil lagi kaming nakikitang mag-away but, that's our way of showing our love to each other. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit sobrang close namin ngayon.
"Ate, sagutan mo math ko mamaya ha." sabi ng kapatid ko, tumango lang ako sa kaniya.
7 pm pa lang ay kumakain na kami ng dinner, magre-ready din kasi sila para sa meeting. Buti na lang ang may laptop kami kaya hindi na kami mahihirapan kung cellphone ang gagamitin namin.
"Marunong ka mag-sulat?" tanong ni papa, nanonood siya ng k-drama pero nakikinig sa amin.
"Oo, kapag wala akong magawa, nagsusulat ako." sagot ko sa kaniya.
"Mga tungkol saan sinusulat mo? anong story?" tanong niya.
"Random lang." natatawang sagot ko.
Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na ako at hinugasan ko na diretso. Umakyat ako sa taas para magpalit ng damit, iyong formal para talagang sure na ako sa trabaho. Sinet-up na rin ng kapatid ko iyong laptop namin.
Nag log in na ako sa zoom, tinype ang meeting Id at password 'tsaka nag join na agad naman akong in-accept ng host.
Si kuya Ralph ang bumungad sa kabilang screen, kita rin kaming apat sa screen.
"Good evening, sir!" Masayang bati ko sa kaniya, nakita ko naman siyang ngumiti.
Ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang 'sir', hindi raw nakakabata. Feeling niya ay sobrang tanda na niya para tawagin siyang ganoon pero kailangan kong tawagin siyang ganoon for formality. Actually, lahat ng ginagawa namin ay for formality lang at irereport daw nila ito sa Higher ups.
"Good evening, Mr. and Mrs. Sanchez as well to your two daughters."
"Good evening." sagot naman nila mama at papa maging ng kapatid ko.
"We'll start the meeting in a few minutes, hintayin lang natin makapasok 'yung editor mo." tumango ako at nag-off mic kami.
Sila mama at papa ay nanood muna ng tv habang naghihintay habang ako ay nakatutok sa screen ng laptop, hinihintay na makita si Nikki sa likuran niya.
Ang kapatid ko naman ay tumutok sa cellphone niya kaya ibinaling ko ang paningin ko sa cellphone ko, nag-vibrate kasi ito. Baka mamaya ay si Nikki ang nag-chat.
'Ano oras meeting niyo?'
'Ano balita?'
'Tanggap ka na ba?'
'Hoy, magkano sahod mo? Treat mo kami sa first sahod mo ha! Love you! HAHAHA'
Ang group chat naming magkakaibigan ay napaka-ingay dahil sa kanilang tatlo, naghihintay ng balita.
They never failed to show me their support tuwing sasali ako sa mga events sa school like essay writing at spoken poetry, kahit gaano pa ka-late ay sinasamahan nila ako lagi.
Sa aming apat ay ako ang palasali ng contest sa school, si Erika naman ay sumasali lang kung tungkol ito sa math. Si Rachel at Kath naman ang number 1 one fans namin lagi sa mga ganitong event.
Even now, I can feel their love and support. Alam na alam nila kung kailan ko kailangan sila, that's why I can and will do everything for them.
Tumawag ako sa gc namin na agad naman na nag-join sila.
"Ano? Wala pa?" si Rachel.
"Huwag kayong maingay, mag mute kayo. Sama ko kayo sa meeting namin." Sabi ko sa kanila.
Ipinatong ko ang cellphone ko sa laptop at isinandal sa screen, "Rinig niyo ba?" tanong ko. May ingay kasi kay kuya Ralph kaya tinanong ko sila kung rinig nila iyon, nag-thumbs up naman sila.
"Okay, nandito na si Ms. Mariz. Let's start the meeting." Sabi niya.
Tahimik lang kami na nakikinig sa kaniya. Dinidiscuss niya kung saan nagsimula ang company, kung paano lumago and paano nakakuha ng mga authors, more like history pa siya. 30 minutes niya iyong diniscuss.
Iyong mga kaibigan ko ay ang iingay sa group chat dahil ang gwapo raw ng boses at gusto nila makita ang itsura ni Kuya Ralph kaya pasimple akong nag-screenshot sa laptop pagkatapos ay sinend ito sa gc namin.
Lalong nagsimula iyon ng diskusyon kung gaano ka-gwapo ang taong ito. Maging ang personal information ni kuya ay gusto nilang malaman pero hindi ko iyon nirereplyan.
"Okay, We'll talk about your contract naman. Don't worry, you're officially part of our company as author." Naka-ngiting sinabi nito.
"Ms. Mariz, you can talk about the details she needs to follow." pagpapasa niya sa editor ko raw.
"Thank you, Ralph. Hi, Ms. Kate. So, For your schedule, you can submit to me ang chapter na natapos mo na anytime para maayos ko and kami na rin ang mag-upload nito sa iyong story. You cannot upload it ng diretso sa story mo, okay?"
"Yes, ma'am."
"We suggest you to submit at least 3 chapters per week consist of minimum of 2,000 words and its maximum is depende siya sa'yo."
"How can I submit it to you po?"
"Through my sss, in a word document. As for the genre, ikaw na ang bahala doon pero we will suggest one kung kailangan ng changes sa mga story mo. Do you already have pen name?"
"Wala pa po, I always use my name, 'Kate'."
"If that's what you like, it would be fine. As for your salary since freshie ka pa..." nakinig lang ako ng mabuti sa kaniya habang sinasabi niya iyon, ang mga kaibigan ko ay puro ingay lang sa gc namin.
"Okay, ma'am. Thank you." naka-ngiti kong sinabi.
Hindi na rin masama ang sahod na iyon para sa akin dahil baguhan pa lang din naman ako.
"We will take care of you hanggang sa sumikat ang mga stories mo. Your contract to us will last of 5 years to us, kung aalis ka sa amin na hindi pa tapos ang contract mo, you will need to pay us. Kung tatapusin mo ang 5 years at mag-renew ka sa amin, we will be glad to have you."
"Paano naman po sa mga fan signing event?"
"We'll have a 60 - 40 percent distribution of the profit sa mga books na mabebenta. Sa iyo ang 60 at sa amin ang 40. Sa mga fan signing event, sagot namin ang lahat doon."
"By the way, sa language na gagamitin mo ay pwedeng tagalog, english or taglish. I suggest you na kung mahilig kang magsulat ng mga english novels ay mas okay dahil pang world wide kasi ang bentahan unlike sa mga tagalog stories na local at hindi masyadong mabenta sa international."
Naalala ko na sinabi nga pala nila na hindi lang sila sa local nagre-release ng story, world wide raw at sikat ang publishing company nila both local and international.
Hindi pa ako beterano sa pagsusulat ng ingles na nobela pero kaya ko namang pag-aralan. Mabagal lang ang nagiging proseso ko dahil hindi ako mahilig sa ingles at hindi ako nag-eenjoy.
Nakita ko naman sa screen ng cellphone ko ang masasayang mukha ng mga kaibigan ko, tuwang-tuwa sila sa naririnig nila.
"I will try to write english stories. Sa ngayon po ay taglish po muna ako."
"Do you have any finished stories?"
"Yes, I can send it to you tomorrow. I will transfer them sa word po." sagot ko.
"Okay, that's it for the important information. Parents, may tanong po ba kayo?" tanong niya, nagtinginan naman sina papa at mama.
"Kailangan niya po ba pumunta sa office niyo para dyan magsulat or hindi na?" tanong ni papa.
"Hindi na po. You can try to visit po ang office natin, I'll send you the address po through sss. Kapag may gatherings and important meetings, doon lang po ang need na pumunta sa office."
"Paano naman po niya matatanggap ang sahod niya?" si mama.
"Sa salary distribution po will be done through bank transfer. May credit card po ba kayo?"
"Wala po pero mag-open na lang po kami ng account siguro by the end of the month po."
Natahimik naman kaming lahat, naghihintay na may magtatanong pa.
"Ma'am, I suggest you po na maging manager ni Ms. Kate para po hindi niya makalimutan ang deadlines niya at para na rin po sa mga upcoming events." Sambit ni kuya Ralph.
"Kami po ang magpapa-sahod sa inyo kasi po ang mga authors namin dito ay may mga manager. Kailangan po iyon para may mag-remind sa kanila ng mga events at para sila po ang maghahandle ng lahat." dugtong nito.
"Is is okay with you?" tanong ni kuya Ralph.
Nagkatinginan kami ni mama, paano ang pagpunta niya sa abroad kung magiging manager ko siya? Ano ang magiging desisyon niya? May posibilidad din kasi na tumigil ako sa pagsusulat para mag focus sa pag-aaral.
"Okay lang po. Hindi na lang ako tutuloy sa ibang bansa, mabuti na rin ito para matutukan ko siya." sagot ni mama.
"By the way po, Pwede po kayo mag-handle ng multiple authors. Ikaw na po ang bahala kung ilan, mas maganda po ay mga newbie para matutukan mo po."
"Sige, walang problema."
Natapos ang usapan namin ng gabing iyon na maayos at walang problema. Hindi na rin nagtanong sina mama kung ano ang mga isusulat ko.
Ang sahod naman ni mama ay ipapadala sa kaniya through bank transfer din kaya kailangan namin ng magkahiwalay na card for it. Pinag-usapan kasi namin na magkahiwalay ang kikitain namin.