Chapter 17

1326 Words
Nakahiga na ako ngayon sa kama, ang kapatid ko ay nasa kama na rin niya. Bagama't nasa iisa kaming kwarto, sapat na ito para magkasya ang dalawa naming kama. Nasa kabilang kwarto naman sila mama. Kanina ay tinawagan ni mama ang agency na maghahatid sa kaniya doon sa Dubai, pumayag naman ito at marami naman daw silang ipapadala doon kaya hindi naman daw nakakabahala ang hindi niya pagtuloy sa Dubai. Si papa naman ay nagbabalak na itigil iyong part time work niya na Rararides at kikita na raw naman kami ng pera. Ang kapatid ko ay si mama ang susuporta sa kaniya. Ang kikitain ko kasi ay sa akin lang, 'tsaka ko na isheshare kung malaki na ang kinikita ko. Iyon din naman ang napag-usapan namin nila mama kanina. Ang mga kaibigan ko naman ay sobrang saya dahil sa natamo ko at gusto nila akong i-treat bukas. Nagpaalam din sila kina mama at papa at pinayagan naman sila na pumunta dito sa bahay. Magdadala raw sila ng pagkain habang si mama naman ay nagbabalak na magluto rin ng spaghetti. Gusto ni mama na imbitahan si kuya Ralph pero sabi ko ay huwag na at baka may trabaho bukas. Sumang-ayon naman si papa doon, magbigay galang daw sa oras nong tao. Next sunday ay pupunta kami sa company para sa contract signing at para ma-introduce na rin daw ako sa ibang authors. Doon na lang namin balak na i-treat si kuya Ralph at ang editor ko. Ka-chat ko ang mga kaibigan ko, nagpaplano kami ng mga pagkain na dadalhin nila bukas. Si Erika ay mga chips na lang ang dadalhin, Pizza naman kay Rachel at bucket meal na lang daw ang kay Kath, dalawang order. 'Anong oras kayo bukas?' '9 am, movie marathon din tayo!' 'May netflix ka, Kate?' 'Wala, di ko pa afford. Kapag nakasahod ako, mag-avail ako.' 'Okie! I-log in na lang natin 'yung account ko!' 'Iba talaga 'pag may generational wealth!' Inasar namin si Kath dahil sa kakayanan nitong gumastos. Hindi na rin bago sa kaniya ang mga asar namin sa kaniyang ganon, nasanay na lang siya at tinanggap ito. Kidding aside, she always use her allowances in a good cause. Minsan pa nga ay may nakita kami sa daan na nanlilimos, binilhan niya ito ng pagkain. Ayaw niya raw pera ang ibigay at baka sa iba lang mapunta. Noong 18th birthday niya, sa isang charity foundation niya ito ginanap. We were there and we were so happy for her, she really is an angel sent from above. Nagpaalamanan na kami at may kaniya-kaniya na kaming gagawin, kasama na doon ang kanilang bebe time. Tuwing gabi lang kasi sila nagkakaroon ng time at busy lagi sa umaga doing their acads. Matutulog na sana ng mag-chat si Kiel, he is not the person I'm waiting for. However, he wanted us to talk in person. 'Talk to you in person? para ano? Para lang makipag-lokohan? Tigilan mo na.' 'No, this time, it's real.' 'Kiel, ilang beses na iyan. Pinalampas ko nung una at pangalawa, ngayon hindi na.' 'Let's meet up, tomorrow. 10 am at star's restaurant. I'll wait for you there.' 'No, I can't. I'll be busy.' Hindi na niya sineen ang reply ko, ilang beses ko pa itong chinat pero ayaw na niya itong pansinin. I just can't ignore him, it is not because of my feelings but, I am afraid that he will wait there until the restaurant close. I do not need to hear his explanation nor his reason why he suddenly vanish earlier. Siguro ay dahil una pa lang, unti-unti nang lumalayo ang loob ko sa kaniya at hindi ko napapansin iyon. I wanted to forget everything about his mistakes because I always believe in chances. However, he wasted those chances and turn into a jerk. Bukas ay mag-celebrate kami at hindi naman pwedeng wala ang celebrant bukas. Muli kong ginulo ang mga kaibigan ko sa group chat namin. Na-seen din naman agad ako nila. 'Kiel wants to meet me tomorrow. Sabi ko ay hindi ako pwede pero maghihintay daw siya doon. Samahan niyo ko, sabihin ko kay mama na may bibilhin pa tayo which is true naman kasi nga bibili pa kayo.' 'Okie!' 'Ocakes!' 'Ako na magsasabi kay tita na sasama ka sa amin sa pagbili!' Sumang-ayon naman sila Erika at Rachel kay Kath, siya kasi ang madalas dito sa bahay kaya ang laki ng tiwala sa kaniya nila mama. Nakatulog ako ng gabing iyon sa pag-iisip na baka na-seen na ni Kiel ang message ko at hindi na kami tutuloy. Kinaumagahan paggising ko ay hindi pa rin niya ito na-seen. Tinignan ko ang oras sa cellphon ko, alas-syete pa lang ng umaga. Napadako naman ang tingin ko sa bakanteng kama ng kapatid ko, masyado siyang maaga magising para sa isang tamad na ayaw kumilos sa umaga. Bumaba na ako at nakita kong kumakain na sila ng umagahan. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at mag tooth brush. "Anong oras ka aalis?" tanong ni mama nang umupo na ako sa tabi niya. "8:30 siguro, hintayin ko pa chat nila." sagot ko at nagsimulang sumubo ng pagkain. Hindi ko alam kung nag-chat na sila dahil iniwan ko sa kwarto ang cellphone habang naka-charge. Low battery ang power bank kaya hindi ko madadala mamaya. Nag-usap naman sila mama at papa tungkol sa trabaho. Hindi naman daw nahihirapan si papa gawa ng ihahatid niya lang sa office ang boss niya tapos babalik siya sa bahay, papalipas oras tapos sundo rin. Si mama naman ay nagtanon kay papa kung ano ba usual na ginagawa ng manager, si papa naman ay sagot lang din nang sagot. Kaming dalawa ng kapatid ko ay tutok sa pagkain, iyon nga lang pati sa cellphone niya ay nakatutok siya. Natapos na kaming kumain, nilinis naman ng kapatid ko ang lamesa habang ako ay naghuhugas ng plato. Sila mama at papa ay parehong naghahanda dahil mamimili sila ng iluluto nila. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kapatid ko. "Maliligo muna ako bago kayo mag-alisan." Sagot niya sa akin at kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. "Hoy, maglinis ka dito ha. May mga bisita ako!" sabi ko sa kaniya, hindi naman ito sumagot. "Alis na kami, nag-iwan kami d'yan ng pamasahe mo." Sabi ni mama at lumabas na ng bahay, si papa ay naghihintay na sa kaniya sa labas. Habang hinihintay ko ang kapatid ko na matapos sa banyo ay nagsimula na ako maglinis. Mag-aaway lang kami ng kapatid ko kung iiwanan ko siya dito sa bahay na maraming kalat. Kinuha ko ang charger niya at isinaksak ang power bank. Madalas din kasi ang black out dito sa amin kaya mine-maintain ko na palaging naka-full charge ito. Umakyat ako sa taas at kumuha ng damit na susuotin ko: Underwears, Black Jeans, and black t-shirt. Dinampot ko naman ang towel na nasa cabinet, kinuha ko rin ang cellphone ko na full charge na at dinala ang charger. "Bilisan mo magbihis, maliligo na ako." sabi ko nang makasalubong ko siya sa pagbaba ko pero inirapan niya lang ako. Nilagay ko sa banyo ang mga damit na kinuha ko pagkatapos ay lumabas para mag-cellphone. Sakto namang tumawag sa group chat namin si Kath, siguro ay nauna na ito doon. "Saan na kayo? Paalis pa lang ako." Napatingin ako sa oras, 8:30 na pala. Late na naman ako pero ayos lang dahil didiretso naman ako sa restaurant habang sila ay mamimili ng dadalhin nila. "Maliligo pa lang ako, kita-kits don!" sambit ko at ibinaba ang tawag. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang ilang messages ko at baka ma-late ako nang sobra at hindi na makaalis pa. Dumiretso ako ng banyo at naligo na. An hour later, natapos na ako sa preparation. 9:30 na at ang mga kaibigan ko ay nasa restaurant na raw sila kaya umalis na ako. Nakita na rin daw nila si Kiel doon sa restaurant bago pa raw sila makarating. Hindi nga raw sila napansin at baka masyadong kinakabahan sa sasabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD