Chapter 3

1519 Words
2 months ago "Oh ba't nililigpit mo na 'yan ma?" tanong ko sa kaniya nang makitang nakasalansan na ang ilang paninda. Galing akong school at nag practice kami ng sayaw para sa festival. Ito kasi ang final project namin although sa intrams pa siya ipe-perform at need na maging malinis at maayos ang lahat. Tinignan niya lang ako at may itinuro sa akin, 'yung sako sa likod ko. Kinuha ko ito at inabot sa kaniya. Nilagay niya lahat ng container na pinaglalagyan ng mga biscuit at candies sa sako pagkatapos ay itinabi niya ito. "Isarado na natin, nababaon lang tayo sa utang. May magtatayo na rin naman ng tindahan dyan sa kapit-bahay." sagot nito matapos niyang ayusin iyong mga sabon. Napatingin lang ako sa kaniya. Kung isasarado namin ito, paano na kami makakatulong kay papa? "Alam ko iniisip mo, papa mo na nagsabi na isara natin ito."Sabi niya ng makitang naka-tigil lang ako. Huminga na lang ako nang malalim at tumulong sa pagliligpit niya sa tindahan. "Eh kukulangin naman tayo sa panggastos?" apela ko matapos ng ilang minuto. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin, nakapamewang na rin siya. Mahaba-habang explanation na naman ito. Ang akala ko ay may sasabihin siya, pinalitan niya lang ng katahimikan. Tumahimik na lang din ako sa takot na mapagalitan pa. Ang 11 year-old naming tindahan ay magsasara na, ang dami ring naitulong nito sa amin. Binuhay kami nito hanggang ngayon. Time to say goodbye from the things we used to have. **** "Hoy!" Tawag sa akin ni Rachel, masamang tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Kanina pa kita tinatawag, recess time na!" singhal nito sa akin. Tumayo ako at sinundan ko na lang siya, Kasama namin sila Kath, Erika at Matt. Kami-kami naman kasi talaga ang magkakasama tuwing recess at lunch time hanggang sa uwian pa nga eh. Ang bangayan nila mama at papa noong nakaraang araw ay nauwi sa hindi pagpapansinan nila kahapon hanggang kaninang umaga. Gusto kasi ni mama na mag-loan si papa pero ayaw ni papa dahil nga mahirap daw bayaran. Kailangan nga daw kasi ni mama ng pera para sa savings na hinuhulugan niya every monday at para na rin daw ay mabayaran ang mga utang. Hanggang sa makarating sila sa taas ay nagsumbatan sila. Sinabihan pa ako na maghanap ng trabaho para makatulong naman daw sa bayarin pero hindi ko iyon pinansin, hindi dahil ayaw ko pero priority ko muna ang study ko since graduating na kami. Ang buong araw namin kahapon ay puro paglilinis lang ng buong bahay kasama si papa gayong wala na nga rin siyang pasok. Hinintay lang din namin na ma-receive ang confirmation na pasok na si papa sa Rararides and which is, nangyari naman. Ngayong araw ay simula niya sa pagbabyahe, iyon nga lang ay bound to Manila ang mga kinukuha niya para mataas ang bayad. "Ano bibilhin niyo?" tanong ko sa kanila. Today is Friday meaning ay wala na kaming masyadong gagawin since monday at wednesday ay duguan kami. Kaming lima ay nakatingin sa pagkaing nakalatag sa lamesa. Hindi namin alam ang bibilhin dahilan iyon para humaba ang pila. Spaghetti, Carbonara, Fried rice with egg, may mga biscuit, ice cream, noodles, kape, ang mga karaniwang pagkain na binebenta sa canteen. "Bicuit na lang ako!" pasigaw na sabi ni Kath, hindi na kasi kami magkarinigan dahil sa ingay sa paligid namin. Sumunod ako sa kaniya at tinignan ang binili niya. "Kailan pa naging biscuit ang noodles?" nagtatakha na natatawang tanong ko sa kaniya. "Ngayon lang, Bakit ba?!" natatawang sinabi nito sa akin. "Pabili nga po bingo na chocolate flavor." ang sabi ko sa nagtitinda, agad na binigay naman ito sa akin na binayaran ko rin naman agad. Umalis na ako sa pila at hinanap ang mga kaibigan ko. Nasa gilid sila ng court, nanonood ng practice ng volleyball. Paparating na kasi ang intrams kaya busy na masyado ang mga players. Naalala ko noong grade 6 ako na volleyball player ako pero hindi ko na tinuloy nang nag high school ako kasi nga ay iniisip ko na hindi ako ganoon kagaling. "Kate!" Hinahanap ko yung pinaggalingan ng boses na 'yon at may nakita akong kumakaway, kumaway din ako pabalik. "Ipasa mo na raw yung mga papers." Sabi ng kaklase ko sa akin, tumango naman ako. "Eto na, dala-dala ko na nga. Asan si ma'am?" "Nasa faculty." Hinila ko si Rachel, tinignan naman niya ako at winagayway ko lang ang papers na hawak ko. Naintindihan naman niya ito agad kaya hinila niya rin si Erika, hinila naman ni Erika si Kath at si Matt, para tuloy kaming mga train. Nakarating kami sa faculty at naipasa namin iyong mga papel. Umalis na kami doon pero nakasalubong namin si ma'am masayahin, nickname namin sa kaniya yon kasi masaya lagi pag siya na ang magtuturo. "Kate, do join essay writing contest. Okay? I saw all your essays and all of them are excellent." Sabi nito sa akin. "Thank you. Kailan po, ma'am?" tanong ko. "I think by next week, Hindi ko alam ang exact time and date. But, I'll keep you posted." Sagot nito sa akin. "Thank you, ma'am!" ngumiti ito sa akin bago tuluyang umalis. "Panis! Best in Essay!" nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Erika. Actually, Tingin ko nga ay sa essay lang ako magaling dahil dito ako laging nag-eenjoy. Ang ibang subject naman kahit papaano ay nakakapasa ako at tuwing may essay kami, lagi akong unang natatapos plus lagi rin akong pasado. It is really fun and exciting to have some people whom you can share your triumph with. 'yung hindi naiinggit sa kung ano ang napag-tagumpayan mo instead, mas masaya pa sila sayo. "Treat ko sana kayo kaso wala akong pera." natatawang sabi ko. "Baliw, okay lang. Tambay na lang tayo sa SM mamaya. Mag window shopping pero di bibili." si Kath na laging gusto nasa SM kasi doon niya lang nakikita crush niya from other school. Pumayag na lang kami dahil dalawang araw naman kaming walang pasok. Iyon nga lang ay may practice pa rin bukas dahil sa nalalapit na festival. Bumalik na kami sa room at doon na ipinagpatuloy ang tsismisan namin. Habang nag-uusap sila ay nag-cellphone naman ako, patago. Nag-online ako at saktong online din si Kiel. 'Hoy, bawal 'yan.' ang message niya sa akin ng makitang online rin ako. 'Bawal din naman sa inyo iyan HAHAHA.' ang reply ko naman sa kaniya. "Aguy, magkausap na naman sila." papansing sinabi ni Kath, masamang tinignan ko lang siya. "Sabihan mo rin na tatambay tayo sa SM ha baka kasi maghintay 'yan sa'yo sa terminal. Ikaw din." pang-aasar pa nito. "Okay." natatawang sabi ko sa kaniya at dinilaan pa siya. "By the way, Guys. May ambagan pala tayo para sa props ha." Sabi ng president namin. Ambagan na naman, noong nakaraan nag-ambagan din kami tapos ambagan na naman ngayon. Hays buhay, kurakot na lang lahat. "Handa na ba ang mga bulsa niyo?" natatawang tanong ko sa mga kaibigan ko. "Always ready, mare. Ang problema lang ba't maya-maya sila naniningil?" nagtatakhang tanong ni Daniela. Si Erika ay katabi ko sa kaliwa, sa kanan naman ay si Matt. Sa harapan naman namin nakaupo si Rachel at Kath. Iyong iba naming kaibigan ay nasa likuran namin naka-upo. Ang mga nasa kabilang side naman ay parang mga kaaway namin kasi halos bida-bida silang lahat. Including the president kasi para sa kaniya, kaibigan man niyo o hindi ay tinuturing niyang kalaban sa academic. "Alam mo na, kahit hindi importante 'yung bibilhin, paggagastusan nila. Wala namang bago don." sagot ni Jamie. "Akala kasi nila ay wallet nila tayo na anytime eh may pera."Dugtong naman ni Princess. Nagtawanan na lang kami dahil 'yung grupo namin ay laging taliwas sa desisyon ng mga nasa kabilang side. Feeling kasi nila sila ang boss. Ang usual lang naman ng seats namin. Kung ano iyon nakasanayan na pwesto ng upuan simula elementary hanggang ngayon ay ganoon pa rin, nahahati lagi sa dalawang grupo. Pagkatapos nila maningil ay sunod naman nilang in-announce iyong mga bibilhin at wala naman kaming apila doon. "Nasaan ang resibo?" tanong ko. "Na kay Angela, mamaya bigyan namin kayo ng copy." sagot niya sa akin at tumango lang ako. Vice President kasi ako at medyo takot sakin mga classmates ko since hindi ko naman sila masyadong close at ayaw nila sa attitude ko. Everytime na magsasalita ako ay tumatahimik sila, para siguro pag tsismisan ako. Close kasi ang mga classmates ko sa President namin kaya nabibiro nila kahit ang seryoso ng pinag-uusapan pero di nila magawa sa akin iyon. "Mare, Diretso uwi raw si Kiel mamaya." sabi ko sa mga kaibigan ko. "Okay lang, 'di naman siya kawalan." nagtawanan naman kami dahil doon. Nasanay kasi ang mga kaibigan ko na lagi naming kasama si Kiel sa gala namin after school. Minsan ay hindi naman at nagkikita na lang kami sa terminal para magsabay sa pag-uwi. Ang minsanang hindi pagsama ni Kiel sa amin ay iyon naman ang mga araw na sobra-sobra kami kung gumala. Iikutin namin ang SM, lalabas at pupunta sa Walter Mart, Pagkatapos ay lalabas na naman at mag-iikot kung saan-saan hanggang sa abutin kami ng alas-sais.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD