Chapter 4

1606 Words
"Let's go!" excited na sinabi ni Kath na akala mo ay ilang araw ng hindi nakapunta sa SM. Truth be told, naghahanap din kasi kami ng props para sa costume namin. In-assign sakin ng president kasi may bibilhin din daw sila, kumbaga maghahati kami sa gawain. Wala rin naman kasi akong ginagawa as vice president kaya mabuti na ang ganito na mautos-utusan ako. Pagkalabas namin ng school ay dumiretso kami sa terminal ng tricycle, apat lang kami dahil si Matt ay mauunang umuwi at kailangan daw siya sa bahay nila. Nakipag-agawan pa kami ng tricycle kasi nagkakaubusan na. Ang iba kasi ay hindi sa SM ang babaan, hindi ko alam kung saan. "Hoy, marami tayong bibilhin ha." sabi ko kay Kath, siya kasi ang kasama ko dito sa loob habang si Erika at Rachel ay nasa back ride. "Gagi, sa SM tayo bibili?" tanong niya. "Oo, eh allergic sa cheap products ang mga kaklase natin." "Enough ba yung pera?" "Siguro, 1,500 ang binigay sa akin eh." "Okie!" Pagkarating sa SM ay nag-abot agad kami ng bayad. Tumingin ako sa entrance pero hindi pa sila nagpapapasok ng estudyante. Hinihintay kasi na mag 5 pm bago kami tuluyang makapasok pero 4:40 pa lang. Niyaya ko naman sila muna mag night market para hindi kami gutumin sa loob. Tumawid kami at naglakad papuntang night market. Kinalabit ako ni Kath, tinignan ko naman siya at may tinuturo siya. Tinignan ko ang tinuturo niya at mga taga St. Jude, nakita ko rin ang mga classmates ni Kiel. "Ikaw si Kate, right?" tanong sa akin ng taga St. Jude. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, hindi dahil nanghuhusga ako kun'di naa-amaze ako sa itsura niya. Mas matangkad siya sa akin, mas payat din siya sa akin na hindi tulad ko ay may katabaan. Maganda rin ang face niya at maputi siya, kumbaga siya yung tipo ng babae na gustuhin ng mga kalalakihan. Habang eto naman ako, mataba, nasa 5'2" ang height, katamtaman ang kulay, hindi ko dina-down ang sarili ko kasi sadyang naiinggit lang ako sa kaniya. Tumango naman ako bilang sagot. Nagtatanong na tingin ang iginawad sakin ng mga kaibigan ko pero nagkibit-balikat lang ako kasi hindi ko rin naman ito kilala. "We are Kiel's classmates." turo niya sa iba pa niyang kasama. "I need to talk to you about something, okay lang?" dugtong nito, "By the way, I'm Penelope." "Hoy, sunod na lang ako sa inyo dyan. Hintayin niyo na lang ako!" Sabi ko sa mga kaibigan ko, tumango naman sila. Ang akala ko na aalis na sila ay nagkakamali ako dahil gumilid lang sila, lumayo nang bahagya at hinintay ako. Nag-thumbs up sila sa akin at nginiwian ko lang. "Tungkol saan?" tanong ko matapos ma-distract sa mga kaibigan ko. "I've heard that you and Kiel have something going on between you two. Nakukwento ka kasi niya sa amin." sagot nito Tahimik na nakinig lang ako sa kaniya. Aware naman kasi ako na nakukwento niya ako sa kanila gaya ng pagkukwento ko sa mga kaibigan ko tungkol sa amin. "What about it?" tanong ko sa kaniya. "You guys have been seeing each other for the past 3 years, right? But, the both of you is never been in a relationship." "Just say it, straight to the point." madiing sinabi ko sa kaniya. "I think he likes another girl." diretso ngang sinabi nito. "Ah, About that. I know that already. I know you're concern about us and thank you for telling me. I'll handle the situation." sabi ko, "Goodbye." Tuluyan akong umalis at lumapit sa mga kaibigan ko. Nagtatakhang tinignan nila ako pero hindi ko na iyon pinansin. I have that instinct pero dinisregard ko kasi baka mali naman kasi yon at masira lang kami. I just need the confirmation but, heard the news and that's enough for me. Hindi ko naman kailangan ipangalandakan at ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya. Iba siguro talaga pag nakikita mo at malapit sayo yung taong gusto mo. I know, my feelings is valid. I am worthy and loved but, this person still chose to find someone na mas magpaparamdam sa kaniya ng gusto niya.Edi kung ayaw niya, bahala na siya. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi nakuntento sa kung ano ang kaya kong ibigay. If he wants to change, then change. Hindi ko siya pipigilan na magbago or maghanap basta ang akin lang, tapusin niya muna ang amin bago siya mag-entertain ulit. Hindi biro ang panggugulo ng buhay ng isang tao. Pumasok ka, nanggulo ka, maging responsable ka naman sa actions mo. "Kuya, kwek kwek nga po. 20 pesos." sabi ko sabay bigay ng bayad. "Ako rin po." Si Erika. "Nasaan sila Rachel at Kath?" tanong ko sa kaniya, nagpalinga-linga na ako pero hindi ko sila makita. "Ewan ko, biglang nawala eh." kibit-balikat na sagot niya. Ibinigay naman sa amin ang binili namin, 5 pieces ito at may kalakihan. "Saan kayo galing?" tanong ko kila Rachel, sinubo ko naman iyong isang piraso ng kwek-kwek. "Naghanap pa ng ibang pagkain." simpleng sagot ng mga ito. Itong night market ay naka-pwesto sa pagitan ng palengke. Sa harapan kasi nitong night market ay mga ukay-ukay at meron ding bilihan ng mga ulam at sari-sari. Sa likod naman ay mga bilihan ng mga gamit sa bahay at kung anu-ano pa. Open area naman ito. Daanan din ito ng mga tao kaya marami ang bumibili dito. Kaya kami na kahit malayo ang lakaran ay pumupunta kami dito para lang bumili ng pagkain namin, hindi afford sa SM kaya ganon. "Tara na, SM na tayo!" yaya ko sa kanila. Umalis na kami doon dahil parami nang parami ang mga tao, aabutin na rin kasi kami ng gabi at maghahanap pa ng props. Gagawin din kasi bukas iyong mga props na kailangan, isasabay na sa practice ng sayaw. Next week na kasi ang event kaya ngayon, nagmamadali kaming mabili lahat. "Ano nga pala pinag-usapan niyo?" curious na tanong ni Rachel. "Sinabi niya lang sa akin na may nagugustuhan daw na kaklase si Kiel." sagot ko. "Ang cool! Threesome!" bastos na sinabi ni Kath. "Baliw ka! Ano sabi mo?" si Erika na pansamantalang na-distract sa sinabi ni Kath. "Sabi ko sa kaniya na alam ko naman yon pero nag-thank you naman ako sa kaniya sa pagsabi niya sa akin." sagot ko. No need to hide it to them, Alam naman nilang apat 'yung tungkol sa aming dalawa. Ang ayoko lang ay masira sa paningin nila si Kiel. Okay na sa akin na ako iyong masama kaysa sa iba pa. Straight forward kasi ang mga ito, pag may nakikita silang mali ay pinupuna nila agad especially kung tungkol na sa akin. Masyado silang protective pagdating sa akin palibhasa kasi ay ako na lang ang walang boyfriend sa aming apat at protected naman sila ng mga boyfriend nila. Si Kath at Jason ay 4 years in a relationship na, Si Erika at Kyle ay nasa 7 years na at si Rachel at Jay ay 2 years pa lang. Masasabi ko namang nasa right person na sila dahil itong mga kaibigan ko ay never nag kwento ng relationships problem nila. Lagi ko naman kasi kinakamusta relationship nila pero wala naman daw issue. "Gaga ka, okay lang talaga sayo?" nag-aalalang tanong ni Kath, tumango ako sa kaniya at ngumiti. "Wala naman akong magagawa. Basta ang alam ko pinaramdam ko sa kaniya kung gaano ko siya ka-gusto at wala akong pagkukulang doon. Wala na sakin 'yung mali." Confident kong sagot. "Ay talagang nag-thank you ka pa? Ang bait mo naman mamsh!" komento ni Rachel. Pagkapasok namin sa SM ay nakasalubong naman namin ulit sila Penelope. Pinigilan ko siya. "Don't tell Kiel na may sinabi ka sa akin at alam ko na may nagugustuhan siyang iba, okay?" sabi ko sa kaniya. "I won't tell, Don't worry." Naka-ngiting sinabi nito, I have this feeling na parang nagtiwala agad ako sa kaniya. "Thank you." This point of my life, I don't have anything to do but to trust people words. It's their words and not the people, I think I am more comfortable with what they say because even though lies iyon, at least hindi ako nanghinayang. Hindi ako nanghinayang sa tiwalang ibinigay ko doon sa tao. Tinignan ko si Penelope, may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Mukha siyang hindi komportable sa pwesto niya at nilalaro niya ang mga daliri niya, anxiety? "You don't deserve him, sobrang buti mong tao." Biglang sinabi nito sa akin, kaming magkakaibigan ay nagulat sa sinabi niya iyon. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salita niyang iyon. I also don't know what is their connection to say that to me, pwedeng past na siya or siya yung nagugustuhan. Ang big deal naman nito para pag-awayan pa ang taong hindi naman deserving ang away na ito. "I'm sorry if I will offend you in any words that I will say but, you don't have the right to tell me para sabihin sa akin kung sino ang hindi ko deserve." "I just had this thought that you will listen to me, I'm sorry for crossing the line." "It's fine basta iwasan mo lang yung panghihimasok sa desisyon ng iba. Nagmumukha kasing ikaw yung nagugustuhan ni Kiel kaya kumalma ka." There's a possibility kasi either sinabi niya sa akin iyon dahil concern siya or sinabi niya iyon para layuan ko si Kiel. At bakit siya magiging concern sa akin gayong hindi naman kami magkakilala? Doon pa lang, nag-doubt na ako sa kaniya. Huwag naman kasi niya ipahalata ang hindi naman dapat. Ngayon tuloy ay napagbibintangan. Nagulat siya sa sinabi kong iyon, ngumiti na lang ako sa kaniya bago kami tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD