Chapter 5

1501 Words
"Pinagkakatiwalaan mo 'yon?" tanong sa akin ni Rachel makalipas ng limang minuto after namin makalayo kila Penelope. Nagtatakhang tinignan ko siya, "Bakit?" tanong ko. "Eh mukhang hindi naman kasi katiwa-tiwala itsura non!" Si Kath ang sumagot. "Alam niyo, simula nung nawala kayo kanina, ang weird niyo na." puna ko sa kilos nilang dalawa. Paano ba naman, mga mukhang aligaga. Alam mo 'yung parang may tinataguan ganon kasi may nalaman silang hindi dapat. "First item!" sigaw ni Erika sabay wagayway ng hawak na cartolinang dark blue. Nandito kami ngayon sa expression at dito namimili ng mga kailangan. Hindi na namin pinapansin iyong presyo para hindi na masakit sa bulsa baka kasi mag back-out pa kami at pumunta na lang sa palengke. Lalabag pa kami sa utos. Naghiwa-hiwalay kami para mapabilis ang pagbili. Nag-vibrate naman ang phone ko kaya minabuting tinignan ko muna ito. Hindi ko man lang namalayan na bukas pala ang data ko. Dumiretso ako sa sss Lite at tinignan ang mga chats ko. May message na galing kay mama, kay Pia, sa gc namin, sa president namin na nagpapadag ng bilihin, at kay Kiel. Nireplyan ko na muna si mama na namimili pa kami ng props pati yung kapatid ko na nagpapabili ng ice cream na akala mo may patagong pera sa akin. Sa gc naman namin ay walang kwenta lang. 'Yung president naman namin ay nagpapadagdag ng ribbon na kulay pula para daw pantali sa buhok ng mga babae, ay ewan. "Hoy, red ribbon daw!" sigaw ko. "Gaano kahaba?!" patanong na sigaw naman ni Rachel. "Yung kasya sa ating mga babae para sa pantali lang naman ng buhok!" sagot ko. Malalayo kasi kami kaya kailangan magsigawan, wala namang tao dito bukod sa aming apat at sa nasa cashier. Bumalik ako sa pag-cellphone. Tinignan ko ang message ni Kiel. 'Hi! Nakauwi na ako. Ingat kayo magkakaibigan! Message me later if nakauwi ka na.' Iyon lang ang chat niya at hindi ko na ito nireplyan. Good for him, nakauwi na siya. Alangan ng i-wish ko na sana makita ko siya dito di ba? After a while, nagkita-kita na kami sa counter. 1,356.74 lang naman ang lahat ng binili namin, wala naman kaming palag doon dahil iyon naman ang nalikom na pera sa ambagan. "Uwi na, Pagod na 'ko!" si Erika, tumango naman ako. Si Kath naman ay wala pang balak umuwi pero napilit naman namin dahil kaming tatlo ay napagod na sa kakalakad. Masakit na rin kasi ang paa namin dahil sa naka-heels kami na black shoes unlike kay Kath, naka-flat shoes lang siya kasi may katangkaran naman siya. Tahimik lang kaming apat habang naglalakad papunta sa terminal ng jeep. Apat na paper bag ang dala namin at syempre, tig-iisang bitbit kami nito. Ito rin ang dadalhin namin bukas. "Hoy, monthsary namin bukas ni Jason!" si Kath. "Mas mahalaga practice, hoy. At mag-date na lang kayo after ng practice natin." sagot ni Rachel, tumango naman kami. "Wala pa kong regalo sa kaniya." para bang ang big deal ng regalo sa relasyon nilang dalawa. "Ayan, bumili ka ng alkansya. Magastos masyado 'yung relasyon niyo, di namin afford." sagot ko sa kaniya na tinuturo pa ang baboy na alkansya, nagtawanan naman si Erika at Rachel. Paano kasi tuwing monthsary nila, ang regalo nila sa isa't-isa ay hindi bumababa sa halagang 1,000 Pesos. Kaya hindi kami nagreregalo sa dalawa dahil masyadong mahal, ang pagbati lang ng 'happy monthsary' ang afford namin. "Hmp, bukas na lang ako bibili." pabulong na sinabi ni Kath, tama lang para marinig naming apat. Si Kath kasi at Jason ay parehong may kaya at suportado rin ng pamilya ang relasyon ng dalawa. Noong nag-celebrate nga sila ng 2nd anniversary nila ay ni-rent pa ang isang private resort, sinama naman nila kami doon at wala kaming nilabas na kahit piso.Sinundo kasi nila kami simula sa bahay at hinatid din. Noong 1st Anniversary naman nila ay ni-rent naman ang isang restaurant at doon nag-celebrate. Wala kaming kahit na anong nairegalo sa kanilang dalawa kasi hirap ako sa buhay habang sila Erika at Rachel naman ay parehong may kaya ngunit nagtitipid. "Si Kiel?" rinig kong bulong ni Erika kay Rachel. Tinignan ko kung saan nakatingin si Erika, sa pila ng jeep. Kasama niya si Penelope, ang mga kasama ni Penelope kanina ay nowhere to be found na. Ah, kaya pala! "Wait lang, bili lang ako chocolate juice." sabi ko sa mga kaibigan ko na um-oo lang agad, alam na may tinatago. Habang bumibili ako ay naka-tingin lang ako kila Kiel at Penelope. Pareho silang ngiting-ngiti sa isa't-isa at aaminin ko, ang pangit nila sa paningin. Ano kaya pinag-uusapan nitong dalawa? Siguro ay iyong panglolokong ginawa sakin nitong mga ito o kaya nagpaplano ulit silang lokohin ako. Edi go, fight lang! "Tara na, humahaba na yung pila!" Sabi ko sa mga kaibigan ko na nagkakandaugaga na. "Don't worry, nakita ko na naman. Hayaan niyo na, sino ba naman ako? No label relationship naman ang meron kami kaya keri lang." natatawang sabi ko sa kanila. Nagsimula na ako maglakad kaya sumunod naman sila sa akin. Hanggang sa makarating kami sa pila ay tahimik pa rin sila. Ayaw siguro nilang masaktan ako sa sasabihin nila. "Salita na para isang bagsakan." sabi ko sa kanilang tatlo. Naka-tingin lang ako nang diretso kila Kiel at Penelope. Hindi pa nila kami napapansin, nasa harapan nga nila na nasasanggi na nila sa kalikutan nila eh hindi nila napapansin, kami pa kayang tatlong tao lang ang pagitan. "Hindi ka ba nanghihinayang sa 3 years?" tanong ni Kath. "Some people in your life are bound to be a lesson. Ano namang magagawa ng 3 years na 'yon kung mas masaya siya ngayon?" punto ko. "Tingnan niyo nga 'yung mga ibang artista na kahit gaano katagal eh naghihiwalay pa rin. Kasi nga either hindi nila makita 'yung sarili nila na kasama 'yung tao na 'yon for the rest of their life or mas masaya sila sa taong na-meet nila for the short time at doon nila nakikita 'yung 'the one'. Kaya wala tayong laban sa mga desisyon nila. God's plan na rin 'yon." mahabang dugtong ko. Nanghihinayang naman ako sa 3 years na 'yon kasi kahit papaano ay kilalang-kilala na namin ang isa't-isa at may pinagsamahan pa rin naman kami. Gaya nga ng sabi ko, kung mas masaya sila ngayon, edi go na, ilaban na nila. Hindi ko naman na sila pipigilan doon. "Sure?" tanong naman ni Erika, "Baka kasi ngayon lang 'yan tapos sa susunod, balewala na ulit." Hindi na ako sumagot pa dahil baka ganoon nga ang mangyari. Gusto ko pa rin naman siya at hindi pa rin nagbabagyo despite the fact that I already knew what's going on. After a while, naka-sakay na kami sa jeep. Iisang jeep lang kami at hindi ko alam kung napansin niya ba kami. Tumunog yung cellphone ko, tumatawag si mama. "Bakit?" bungad ko kaagad, ang paningin ay na kay kila Kiel pa rin. Ang pwesto kasi namin ay malapit sa likod ng driver habang sila ay malapit naman sa entrance ng jeep. "Pauwi ka na ba?" tanong ni mama. "Oo, bakit? may papabili ka?" "Bili ka ng gamot sa generics, biogesic lang. 'yung isang banig, may lagnat kapatid mo." "Sige." Pagkatapos non ay binaba na ni mama 'yung tawag. Siniko naman ako ni Kath, katabi ko kasi siya habang si Erika at Rachel ay nakaupo sa harapan namin. "Bakit?" tanong ko habang nag-scroll ako sa f*******: ko. "Naka-tingin siya sa'yo." "Congrats, nakita niya ako." natatawang sinabi ko sa kaniya. "Hindi mo man lang titingnan pabalik?" curious na curious naman ito. "Kanina pa ko nakatitig dyan, sumasama na loob ko kaya tigilan mo na 'ko." sagot ko sa kaniya. "Ano meron?" rinig kong tanong ni Erika. Papatayin ko na sana 'yung data ko ng lumabas ang chat head ni Kiel. Oh, now you care! Palihim kong kinalabit sa paa si Kath at pasimpleng pinatingin ko sa kaniya ang message ni Kiel. Curious din sila Erika kaya sinend ko sa kaniya ang screenshot, binasa nilang dalawa iyon ni Rachel. 'I didn't mean to lie. I'm sorry.' Hay nako kahit naman hindi mo naman sinadyang mag-sinungaling kung gusto mo naman 'yung ginawa mo, magsisinungaling ka talaga para mag-enjoy. Ganon lang naman 'yon. Pwe! 'It's alright as if naman na may magagawa ako sa desisyon mo.' Hindi ko na hinintay ang sagot niya at hinayaan na lang siya. "Hoy, naalala ko. Kailangan pala natin ng plain na mask." sabi ko sa mga kaibigan ko. "Bumili na ata sila. Narinig kong sinabi ni Pres iyon." sagot ni Rachel, tumango naman ako at bumalik na lang ulit sa pagiging tahimik. Naningil na 'yung konduktor ng jeep pero sinabi sa akin na bayad na raw ako. "Kuya, paki-balik po yung pera nung nagbayad sa akin. Kaya ko naman po bayaran 'yung fee ko. Thank you po." Sambit ko at inabot ang bayad ko. Napatingin naman ako kila Rachel at Erika na nag-slow clap at ngiting-ngiti sa akin. "Serves him right!" tuwang-tuwang sinabi ni Kath. Eto talaga feeling niya laro lahat eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD