Chapter 6

1729 Words
Nakauwi na ako sa bahay at nakapag-bihis na rin ako. Ngayon ay nagpapakain ako ng tatlo naming pusa at dalawang aso. Siguro minsan ang sarap na lang maging hayop no? Kasi wala kang iisipin na problema or kung ano man. "Kain na." Anunsyo ni mama. Pumasok na ako, si papa at yung kapatid ko ay naka-pwesto na sa lamesa. "Te kanina pa vibrate nang vibrate 'yung phone mo." sabi ni Pia. Tumayo ako at tinignan ang cellphone ko, naka-charge kasi ito. Mga notifications lang sa f*******:, messages din from sa gc namin at kay Kiel. Pinatay ko na ang cellphone at bumalik sa lamesa. "Mag-trabaho ako sa ibang bansa." Biglang sinabi ni mama habang sinasandukan niya kami ng kanin. "Okay lang naman samin." Sagot ko sa kaniya. "Eh saan ka mag-trabaho don?" tanong ni Pia. "Kasama ko naman si Tere, Doon kami sa Dubai. 'yung pinsan kasi niya ay manager sa isang hotel doon at inaayos pa lang 'yung hotel kaya mabuti na 'yung doon kami kasi may kakilala na kami." sagot ni mama. "Kailan ang alis?" tanong ni papa. "Next month." Maayos na naman ang mga papers ni mama dahil naghihintay talaga siya ng mag-aaya sa kaniya ng trabaho sa ibang bansa. Hinayaan na namin ang gusto ni mama kasi kung aayaw pa kami ay mahihirapan kaming maka-survive lalo na at malapit na kami mag-college. Masyado ring magastos dito sa bahay dahil marami kaming binabayaran tulad ng internet, tubig, at kuryente at idagdag pa iyong mga bilihin namin. Si papa naman ay nag-Rararides habang naghihintay ng tawag sa trabaho. Nagpatulong kasi siya sa mga kakilala niya na maghanap ng trabaho. "Ma, ang dami kong kailangang bilhin." sabi ng kapatid ko. "Nako, tumigil ka nga muna sa mga bilihin." "Eh kailangan nga kasi iyon!" pasigaw na sinabi ng kapatid ko, pinalo ko nang bahagya ang hita niya. "Hoy, kumakain oh." awat ko sa kaniya. "Magkano ba kailangan mo?" tanong ni papa sa kaniya. "Kahit 1k lang." sagot naman nito. Sobrang mangha talaga ako sa mga tatay especially kay papa kasi kahit wala na talaga siyang pera, nagbibigay pa rin siya kapag kapatid ko na ang nanghihingi. Hindi naman kasi ako nanghihingi hangga't may pera ako. Ang kapatid ko ay nasanay na sa puro hingi at nabibigay agad ang gusto. Kung magkataon na hindi siya mabibigyan ay grabe naman siya magbunganga at hindi na iniisip ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid niya. She has this kind of attitude na bold and fierce pero wala naman sa katinuan. Mas uunahin niya pa ang magbunganga kaysa ang mag-isip at umintindi. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako at naghugas agad ng plato. Tinignan ko 'yung kapatid ko na papunta sa cellphone ko. "Hoy, tigilan mo phone ko." sabi ko sa kaniya pero hindi ito nakinig sa akin. Naghugas agad ako ng kamay at dali-dali siyang pinuntahan pagkatapos ay hinablot ang cellphone. "Pakialamera ka." inis kong sabi sa kaniya. "May tinatago ka lang eh!" pang-aasar nito sa akin na hindi ko na sinagot pa. Nilagay ko sa bulsa ang cellphone at muling naghugas ng plato. Sila mama at papa ay nag-uusap kung ano ba ang trabahong papasukin ni papa. Natawagan kasi siya kanina pagkatapos naming kumain at pinapapasok na siya bukas. Ang sinabi niya sa amin ay sa isang mayamang pamilya siya nakapasok at ang sahod niya raw ay nasa 15 thousand. Hindi na rin masama. Pagkatapos ng lahat ng gawain ko ay umakyat na ako sa taas at nag-sunuran naman ang mga alaga naming pusa. Inayos ko na muna ang mga materials na nasa akin at baka may makalimutan pa ako kahit na hindi ko naman ito nilabas kanina. Pagkataps kong pagurin ang sarili ay humiga na ako sa kama ko at nag-cellphone. Nag-chat sa akin ang best friend ko pero hindi ko ito pinansin. Sa totoo lang kasi ay may galit ako sa kaniya. Ilang beses na kasi siyang niloloko ng manliligaw niya pero hinahayaan niya lang kaya hinayaan ko rin siya. 'yung friendship kasi namin ay unhealthy na rin gawa nga ng sa sobrang dami naming problemang dalawa ay nag-aaway na lang kami sa tuwing maglalabas ng saloobin 'yung isa sa amin. Siya rin kasi iyong type ng best friend na masyadong obsessive na gusto niya ay sa kaniya lang ang atensyon at ayaw niyang may iba akong mga kaibigan. I get her point, ganon din naman ako pero sana lang ay may control. Dumadating pa kasi sa point na inaaway niya iyong mga kaibigan ko. I guess, opposite attracts talaga. Kung pareho kasi kayo ng characteristic, may tendency na puro away at puro g**o lang kasi masyado niyong pinapangalagaan 'yung pinapaniwalaan niyo. Sa opposite attracts kasi pareho niyong panghahawakan yung pinaniniwalaan ng isa't-isa eh. Siguro ganon nga. Binuksan ko naman ang message ni Kiel puro 'sorry' lang naman ito. 'Stop saying sorry, wala namang mababago doon. The mere fact na wala naman tayong relasyon ay enough na para sa akin na hindi magsimula ng away. Okay lang, promise.' Iyon ang ni-reply ko sa mga sorry niya sa akin. Agad naman niya itong na-seen, siguro ay naghihintay talaga siya ng chat ko. 'But, I still look forward na magkakaroon tayo ng relationship.' Ang kapal naman nito, gusto magkaroon ng relationship pero nagagawa na magtago ng affair niya. I mean, if you're already entertaining one person, stay committed and stay true kasi kinukuha mo pa lang 'yung loob niya at binubuo mo 'yung image mo sa kaniya tapos gagawa ka ng kalokohan. Basura! 'No, Nanghihinayang ka lang siguro sa 3 years kaya mo nasasabi iyan. You were never serious.' Maya-maya ay pumasok si Pia na naka-simangot. Padabog din siyang humiga sa kama niya. "Ano na naman?" tanong ko sa kaniya, napag-sabihan siguro sa baba. "500 lang binigay sa akin ni Papa, bukas na raw yung 500 ulit. Eh kailangan ko na lahat bukas para isang bilihan na." sagot nito. "Ang arte mo naman, kita mong hirap na tayo. Uunahin mo pa pagiging spoiled brat mo." inis kong sinabi sa kaniya at tinalikuran siya, hindi na rin naman siya sumagot. Nag-vibrate ulit ang phone ko at may reply na si Kiel. 'I'll end kung ano man ang meron sa amin ni Penelope.' 'Ang cute nga eh, siya pa nag-inform sa akin na may nagugustuhan kang iba tapos sarili niya pala tinutukoy niya.Tama nga talaga ang hinala ko.' Nag-chat naman sa akin si Kath, tinignan ko naman ito. 'Kate! may sasabihin ako!' "Kailan graduation niyo?" tanong ni mama na hindi namalayan na nasa loob na pala ng kwarto namin. "March pa." sagot ko. "Maghanap ka na ng trabaho." "Paano 'yung college ko? Kailangan ko mag-review para sa mga entrance exam." "Edi habang nagre-review ka, bigyan mo rin ng time ang paghahanap ng trabaho. Next month pa ko makakaalis." "Kaya naman na mag-hintay sa pag-alis mo. 'tsaka na ko maghahanap pag secure na school na papasukan ko." Umalis na siya pagkatapos ng argumento namin. Bakit naman kasi sabay-sabay na lahat? Ayoko na munang isipin ang paghahanap ng trabaho dahil ma-stress lang ako sa dami pa ng school works namin. Gusto ko na rin naman mag-trabaho para makatulong pero iyong sa school namin ay parang araw-araw kami pumapasok kahit Monday, Wednesday at Friday lang naman talaga. Alam ko rin naman magagawan ng paraan iyon pero baka hindi kayanin ng katawan ko. Masyado kasi ako kung ma-stress, pinuputol-putulunan ko iyong buhok ko. Iyong mahaba kong buhok, ngayon ay maikli na dahil sa kagagawan ko. 'Ano?' Reply ko kay Kath. Hindi pa niya ito nasi-seen kaya tinignan ko muna reply ni Kiel. 'Hindi ko alam iyon. Trust me, hindi ko sinasadya.' 'Ay, trust you? matapos nang ginawa mo, gusto mo pagkatiwalaan kita? Kiel, I get it already and you don't have to explain everything. Basta, okay na tayo. Let's just stop what is going on between us. Thank you.' Ang gabing iyon ay natapos na puro problema ang nasa isip ko. Ayoko na mag-overthink kasi sisirain lang nito ang mental health ko. For a while, I am happy for myself knowing that I'll get a chance to focus on myself without Kiel or anyone ruining my mental health. Aside from my family, of course. Sa pamilya naman nagsisimula ang lahat, body shaming, smart shaming, at kung ano-ano pa na siguradong makakasira ng self confidence mo. Nasanay na lang ako doon at so far, balewala na sa akin 'yung mga sinasabi nilang masasakit na salita. "Bilis! Tinatawagan na ako!" rinig kong sigaw ni papa kaya nagising ako. Agad-agad akong bumangon at bumaba. Tinignan ko ang ginagawa ni mama at inaayos niya ang mga gamit ni papa na dadalhin niya para sa trabaho niya. "Teka naman! Puro ka kasi cellphone tapos ngayon magmamadali ka kasi tinatawagan ka na!" sigaw pabalik ni mama. Bumalik na lang ako sa kwarto at hinayaang kumalma ang atmosphere sa baba. Mahirap na at baka madamay pa kami. Tumingin ako sa kama ng kapatid ko, pumasok na ata siya. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras, 7:30 na. 10 pa naman ang call time namin pero sabi saming mga namili ay dapat 9 na ay nasa meeting spot na kami. Sunod-sunod pumasok ang notifications pagkatapos kong buksan ang internet ng phone ko. Dumiretso muna ako sa f*******: at nag-scroll lang. Pagkatapos ay sa twitter para tignan ang trending ngayong araw, Paolo lang ang nakalagay sa top 1 trending. Alam ko na naman na ito, last week pa nga ang tsismis na ito. Sumunod ko namang binuksan ang Messenger ko. Mga group chat lang ng section namin at naming apat, hindi na namin sinali si Matt dito dahil girls talk lang. May reply na rin si Kath, may chat si Kiel. May message request pa na galing sa kinalimutan kong tao. 'Di ba nawala kami ni Rachel kahapon? Nakita kasi namin si Kiel na kausap si Penelope tapos ayon, inaway ni Rachel 'yung dalawa. Wag mo na lang alamin 'yung pinag-usapan ha! Love lots!' Iyon ang reply ni Kath, hindi ko na ni-replyan to at nag-react na lang ako ng 'Haha' emoji. Pagkatapos non ay bumaba na ako dahil nakakaramdam ako ng sigawan sa pagitan namin ni mama. Feeling ko kasi hindi ako papayagan umalis pero imposible naman kasi alam niyang may grade ito. Ganoon naman iyan si mama basta may kinalaman sa grade ang pag-alis, papayagan niya kami. Ayaw niyang bagsak kami, gusto lagi line of 9 ang makikita sa grades ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD