Chapter 7

1644 Words
Habang kumakain ako ng breakfast ay naririnig ko ang usapan nila mama sa labas ng bahay, tungkol sa pag-iibang bansa niya. "Dalawa kami ni Tere, 20k daw ang sahod doon." si mama. "Mag-aasikaso ako ng mga papeles ko, sunod ako sa inyo. Sabihan mo kami ha." Si ate Lyn kay mama. Muli na lamang akong nagbukas ng messenger para tingnan kung nag-chat na ba ang mga kaibigan ko, ngunit wala naman akong napala. Nag-chat na naman si Kiel sa akin at gustong makipag-usap sa personal pero sinabi kong ayoko dahil busy nga sa school at wala na rin akong time para sa kaniya. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang lahat ng hugasin. Si mama ay nasa labas pa rin at mukhang nakalimutan niya na aalis ako. Laba day din kasi ngayon kaya hindi ko alam kung matutuloy ako. Sinabihan na rin naman namin siya kagabi na sa linggo na lang mag-laba kasi nga wala kaming lahat ngayong araw at busy. Hindi namin alam kung anong gagawin niya ngayon pero siguro ay tatambay na lang sa labas buong araw habang hinihintay ang araw na lilipad na sila papuntang Dubai. "Alis na ako." Paalam ko kay mama, lumipas na ang isang oras at kalahati ay nasa labas pa rin sila. "Saan ka pupunta?" "May practice nga kami ngayon at gagawa kami props." "May pera ka na?" "Meron na, Sige na. Alis na ako." Sinuot ko na ang earphones ko at nagpatugtog ng Ben and Ben song. Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang isang tricycle na bakante at naghahanap ng pasahero, sakto naman. Sumakay na ako at sinabing sa labasan. After 15 minutes drive ay nakarating na ako sa labasan at nagbayad ng 12 pesos, may huminto namang jeep kaya tumakbo na ako para makasakay na agad at hindi na maghintay pa nang matagal. "Bayad po, SM po isa. Estudyante." Sabi ko sabay abot ng 10 pesos na bayad. Alam naman ng mga jeepney driver na kahit sabado ay may pasok pa rin, suot-suot ko rin kasi ang Id ko para naman hindi na magtakha 'yung driver. Maya-maya lang ay huminto ang jeep dahil may sasakay. Nasa tabi kasi ako ng entrance ng jeep kaya nakikita ko lahat ng pumapasok. Kung minamalas ka nga naman! "Hi!" bati niya sa akin, tumabi pa. Sinuot ko na lang ang earphone ko pero ang walang-hiya ay tinanggal ito at sinuot niya. Bale ang kaliwa ay suot ko at sa kaniya naman ang kanan. Binuksan ko ang data ko at nag-scroll na lang sa f*******:. Hindi man siya nagsasalita ay alam kong nanonood siya sa ginagawa ko. Pinatay ko ang cellphone ko at tinignan siya. "Seryoso ka ba?" tanong ko sa kaniya, nagtatakhang tinignan niya ako. "Nandito ka ba para panoorin ako or something?" dagdag ko. "Alam mo ba na itong huling sayaw ng kamikazee ay naging theme song siya ng mga magkakaibigan or siguro pati na rin ng mga magka-relasyon, pag huling beses na lang silang magsasama-sama ganon." Alam ko, naging theme song din naman namin ang kantang ito at sino namang hindi? Alam na alam ang kantang ito kahit mga elementary eh. Hindi ko na lang siya pinansin at muling bumalik sa pag-cellphone. This time ay nag-chat na ang mga kaibigan ko sa gc namin at naghahanapan na sila. 'Nasa jeep pa ako, hintayin niyo ko!' Ang chat ko sa kanila, sila naman ay nasa SM na. Tuwing practive ay early bird sila kasi gagala muna sila habang naghihintay samantalang ako ay 'it's better late than never' ang motto tuwing may practice. "Pero seryoso, I'm sorry." seryosong sinabi nito. "Hindi ba sabi ko, 'okay na tayo'. Ano sa mga salitang iyon ang hindi mo naiintindihan?" "Yung feelings mo." seryosong saad nito. "Okay na sa akin, hindi ko kailangan damdamin lalo na at walang tayo. Corny naman 'di ba kung iiyak pa ako?" natatawang sinabi ko sa kaniya. "I already end it with her at naiin-" "But, I never ask you to end it with her just because I found out about it and just because for my sake. It will ne-" "No, I end it with her because you matter the most to me." "Funny. Ang dali lang bitawan sa'yo ng mga ganyang salita no? Hindi mo man lang iniisip 'yung nararamdaman ng ibang tao. Hindi mo man lang iniisip 'yung gagawin mo kung tama ba o mali basta makita mong okay sa'yo, okay na." natatawang sinabi ko sa kaniya dahilan para tumahimik siya. Pang-ilang beses niya na ito at masyado ko na siya na-tolerate at natatakot ako na baka umulit pa kaya kailangan na i-end. Hindi dahil may trauma ako kung hindi ay dahil natatakot ako na masira ko 'yung buhay ko dahil sa maling desisyon na gagawin ko. Gusto ko siyang tanggapin at yakapin nang buong-buo papasok sa buhay ko pero hindi ito 'yung tamang panahon para unahin ang sarili ko. May pamilya ako na umaasa sa aking makakahanap ako ng trabaho. Meron din akong school na baka masira ko ang school records ko dahil lang sa kaniya. Napaka-pathetic ko. Simpleng bagay ay hindi ko maisaayos. "Nabalitaan ko rin na hindi mo lang pala siya basta classmate or crush, childhood friend mo rin pala siya. And that 3 years we had together, she was there. Waiting for your attention and love. I saw it, in her i********:. She seems like stalking you. She has your photos posted on her feed, iyon 'yung mga panahong may lakad tayo o kaya ay sinasamahan mo ako sa mga practice namin. I know it because I have the same pictures, pinagkaiba nga lang ay magkasama tayo doon samantalang sa kaniya ay ikaw lang." Mahabang salaysay ko sa kaniya. "Also that 3 years we had together were nothing to your 11 year old friendship. She has been with you through all these years, and I was just a little bug in your life pestering you and waiting for someone to kill me or shove me away from your life. Go to her, I'm done with my part. Do you part, make her happy. Repay all the things she has done to you. We owe nothing to each other." Hinila ko ang tali sa jeep para alam ng driver ay may bababa. Nang huminto ito ay agad akong bumaba, nasa SM na rin kasi kami. Nag-text ako kay Rachel at sinabing malapit na ako sa SM, sinabi ko sa kaniya na nasa tapat ako ng red ribbon. May humila ng kamay ko at alam ko kung sino iyon ngunit hindi pala siya ang inaasahan ko. Para akong tanga dahil nag-expect akong si Kiel iyon. Alangan na umasa pa ako na susunod siya sa akin matapos kong sabihin iyon. Edi nagmukha lang siyang tanga doon. Na-disappoint lang ako na bakit hindi siya sumunod sa akin, na baka bigyan ko ng chance kung sakaling magpapaliwanag siya. Nakakatawang tinataboy ko siya pero deep inside ay parang hinihila siya ng puso ko at matagal na naghihintay sa warmth niya. "Oh, bakit ganyan mukha mo? anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Rachel. "Wala, baliw. Okay lang ako. Masama lang pakiramdam ko." sagot ko sa kaniya. Napansin ko naman na parang nagtatalo si Kath at Erika. Ang kamay kasi ni Kath ay nasa braso ni Erika at parang pinipigilan ito. "Hoy, bakit?" tanong ko sa dalawa. "Ayun, oh!" sabay turo ni Erika sa hindi kalayuan. Tinignan namin iyon at nakita namin sa Kiel na naglalakad papunta siguro sa amin. Hinila ko na silang tatlo at nagmadali maglakad. Nakuha naman nila ang gusto kong gawin kaya nagmadali rin ang tatlo sa paglalakad. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, hinila niya ang kamay ko sa mula sa pagkakahawak ni Kath. "Let's talk." seryosong sambit nito. Habang papalayo ako sa mga kaibigan ko ay naiisip ko ang practice namin dahil malapit na akong ma-late. Buti na lang nakuha ni Erika ang paper bag sa akin na naglalaman ng mga materials na binili namin. Dinala niya ako sa kapitolyo. Pinaupo niya ako sa bench at tumabi naman siya sa akin. Tinignan ko ang paligid at walang masyadong tao. Tumingin naman ako sa langit at dumidilim na ito, buti na lang ay dala ko ang payong ko. "Bilis, uulan na." sabi ko sa kaniya habang hinahanda ko ang payong ko. "Did the 3 years we had doesn't mean anything to you?" tanong niya sa akin. Seryosong ibinaling ko sa kaniya ang paningin. Ang ulo niya ay naka-tingala sa langit habang ang mga mata nito ay naka-pikit. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito. Hindi ko inakala na 3 years ago, ang grade 9 classmate ko na immature ay sobra na ang pagbabago ngayon at naging witness ako doon. Hindi ko inakala na magiging parte ako ng journey ng taong ito at matatapos na rin ngayon. Siguro ay panahon na para sumubaybay ako ng journey ng ibang tao at sana sa susunod na journey na iyon, hindi na life lesson kung hindi ay blessing na. "That 3 years were the years I was so happy in my life and still I am. But, sad to say, we have to end it. Naging part tayo ng journey ng isa't-isa at pareho tayong may natutunan doon." sagot ko sa kaniya. Ginaya ko ang position niya, iyon nga lang ay imbes na naka-pikit at nakatingala sa langit, nasa kaniya ang paningin at atensyon ko. Heto na 'yung huling beses na masisilayan ko iyong ganitong itsura at gusto kong baunin iyong magaganda naming memories. "Wala na bang chance?" Wala na nga ba o pino-protektahan ko lang ang sarili ko na masaktan? Meron, hindi ko naman ipagkakait sa kaniya ang chances na gusto niyang hingiin. Gusto ko lang makita ang changes na mangyayari kung ibibigay ko sa kaniya ang hinihingi niya. Gusto kong masiguro na ang risk na gagawin ko ay makakabuti para sa aming dalawa. Ayokong mapunta lang ang lahat sa lahat pagkatapos ng lahat ng iyon. "Hindi ko alam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD