"Anong hindi mo alam?" tanong niya sa akin.
Pinag-isipan kong mabuti iyong sasabihin ko sa kaniya. Tatanggapin ko ba 'to o hindi?
Naniniwala din naman ako sa 'People change' pero hanggang kailan? Hanggang kailan niya ipapakita yung seryoso siya?
Walang kasiguraduhan ang pagbabago ng isang tao lalo na at puro salita lang naman ang naipakita niya. Walang galaw, nabusog siya sa salita niya.
"Hindi ko alam kung bibigyan kita ng chance. I need some assurance. Besides, walang tayo, okay? Hindi ko alam bakit masyado nating pinanghahawakan 'yung 3 years." sagot ko sa kaniya.
"You don't have to answer right away, I'll wait." sabi nito na tinanguan ko lang naman.
Napa-tanga naman ako sa sarili ko nang sumang-ayon ako sa sinabi niya. Hindi ba at parang bilis ko naman?
Tumayo na ako at nag-unat. Tinignan ko ang oras at 10:15 na, magagalit na sa akin ang president.
"Alis na ko, late na ko sa practice." Sabi ko sa kaniya pero pinigilan niya ako.
"Samahan na kita." tumango lang ako at nagsimula na kami maglakad nang mabilis.
Tinawagan ko naman si Rachel para sabihing pabalik na ako pero sinabi lang nito na 'okay'.
Habang naglalakad kami ay nadaanan namin 'yung red ribbon. Namamangha talaga ako sa cake na gawa nila, it was one of my dream na iyong gawa kong cake ay ma-display dito. Paano kasi isa sa sikat na cake shop ang red ribbon.
"Why?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot. I need to set boundaries between us, mahirap na at baka lalo lang akong masaktan.
Pagkarating namin sa SM ay nakita ko sila at mukhang naghihintay pa rin sa iba naming classmates.
Lumapit ako sa kanila Erika. Nakahiwalay sila sa iba naming classmates, pare-pareho kasi kaming umiiwas sa mga classmate naming mahilig sa issue.
"Okay na kayo?" tanong ni Kath, hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya sa aming dalawa.
"Bakit wala pa 'yung iba?" pag-iiba ko ng topic.
"Bumili pa sila ng ibang materials. Sa Kapitolyo raw tayo, mamsh!" si Erika.
"Sana sinabihan niyo ko para naghintay na lang kami don." sabi ko sa kanila.
"Una na kaya tayo?" tanong ko sa kanila at tumango naman sila.
Nagpaalam ang tatlo sa iba naming classmates, sinabing mauuna na lang sa kapitolyo. Aayusin na lang din naman ang ibang materials para kahit papaano ay hindi masayang ang oras sa kakahintay.
Nauuna kaming maglakad ni Kiel habang ang tatlo ay parang buntot namin. Hindi ko alam kung tahimik ba silang nag-uusap o nakikiramdam sa aming dalawa.
"I love to cook a variety of foods, mapa-ulam man o pastries. But, I can't pursue it now sa college kasi di namin afford ang magiging bayad sa mga laboratories, pagbili ng ingredients and such. That's why I started to ignore that dream of mine, kailangan maging practical eh." Kwento ko sa kaniya, tahimik naman siyang nakikinig.
"Sabi ng parents ko na matututunan naman daw iyon habang nabubuhay ganon," natatawang dinagdag ko. "Pero iba pa rin kasi 'yung natutunan mo siya professionally at pinag-aralan talaga. Pero syempre hahayaan ko na lang, hindi na namin afford eh."
Sa kaniya ko lang naramdaman mag-kwento na walang halong bitterness. I have this feeling that he won't judge me and that he understand what I'm feeling.
Hindi ko lang inaasahan na magkukwento ako sa kaniya gayong sinabi ko nga sa sarili ko na mag-set ng boundaries.
"Ang hirap bitawan at i-neglect 'yung dream mo lalo na at I'm living my whole 18 years with that dream na pinanghahawakan ko pa rin ngayon."
"Edi after mo i-pursue 'yung course na gusto ng parents mo, mag-aral ka ulit to pursue your dream." Komento nito matapos kong mag-kwento.
Medyo malayo pa kami sa kapitolyo dahil maya-maya kami humihinto dahil sa tatlo na bili nang bili ng pagkain.
"Hindi madali atsaka okay na naman na sa akin, unti-unti ko ring nagugustuhan itong course na gusto ng parents ko." I feel so bitter, feeling ko lahat ng sinasabi ko ay hindi pabor sa akin.
"Pero hindi ka naman masaya." aniya.
Tinignan ko siya habang naglalakad. I feel so proud that this guy beside me, grow so much. He became the person that I created in my imagination.
Ang dating sobrang insensitive at hindi makapansin ng emotion ng iba, ngayon ay ibang-iba na.
Hindi man ako masaya sa ngayon sa course na kukunin ko, matututunan ko rin naman itong mahalin. It's just a matter of time.
"Hoy, dito tayo!" sigaw ni Rachel, lumingon kaming dalawa sa likod. Tinuturo ni Rachel ang Jollibee.
Naglakad naman kaming papunta sa kanila at takhang tinignan silang tatlo.
"Akala ko ba sa kapitolyo tayo?" tanong ko sa kanila.
"Oo nga, ang layo ng daanan mo. Pwede namang dumaan don sa gilid ng SM. Para kang timang eh." sagot ni Kath.
Sorry naman!
May dalawa kasing daanan papuntang kapitolyo, ang isa ay 'yung sa sinasabi nilang sa gilid ng SM at ang isa naman ay 'yung malayong way na iikot ka pa para lang makarating sa kapitolyo.
"As if naman may daan diyan sa Jollibee!" Pang-aasar ko sa kanila.
"Bili lang tayo burger or fries." excited na sabi ni Kath at tumulak na papasok sa loob ng jollibee.
"Hanap lang kami seats." sabi ko sa kanila, puno na kasi sa baba kaya dumiretso kami sa taas.
Nakahanap kami ng seat pero 'yung hindi malapit sa bintana. Mahirap na at baka mahuli kami.
"Ano sa'yo?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ko ilapag ang aking bag.
Hinila niya ako paupo at hinawakan ang dalawa kong balikat, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ako na bibili, my treat." Saad niya, "What's yours?" tanong niya.
"Magpapadala ako bayad." sabi ko sa kaniya pero umiling lang siya.
"No, I insist. Ano sa'yo?"
"Just Fries and sundae, Thank you!"
Umalis na siya at bumaba, sakto naman na dumating ang tatlo. Umupo na sila sa harapan ko. Yung sofa kasi na upuan ang pinili namin.
May malolokong ngiti ang nakaukit sa kanilang mga labi. Pinipigilan lang nila ang sarili nila na magtanong at mangulit pero mukhang hindi magpapapigil si Kath.
"So, okay na kayo?!" excited na tanong nito, tumango ako.
"Nagbigay ka ng second chance?" si Erika, tinignan ko lang siya.
"Ano nga?!" dagdag nito, nagmamadali.
"Hindi ko siya binigyan ng chance or sinagot na bibigyan ng chance, hindi ko raw kailangan sumagot agad at maghihintay daw siya. So, I guess he's proving himself now." Sagot ko.
"Pero gusto mo pa?" pang-uusisang tanong ni Kath. Si Rachel naman ay busy kumain.
"Hindi naman mababago 'yon, pinanghahawakan ko pa rin naman 'yung 3 years namin together." sagot ko sa kaniya.
"Masaya?" si Rachel na finally ay nagsalita na rin.
"Ang ano?"
"Ikaw, kung masaya ka?"
"Oo naman, sa dami kong nakalandian, iba siya eh. Hindi lang basta fling, naging part na siya ng buhay ko." sagot ko sa kaniya.
Napangiti naman ako sa thought na I will get the chance to spend another year with him or baka hanggang thought lang yon.
Maya-maya ay dumating na rin siya dala ang pagkain namin. Ibinigay niya sa akin ang large fries at sundae. Ang sa kaniya naman ay ganoon din.
Umupo na siya sa tabi ko at nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa mga labi ng mga kaibigan ko.
"Hindi ko na talaga mapigilan, kinikilig ako!" biglang sinabi ni Kath habang kumakain kami, sinipa ko siya sa paa at sinamaan ng tingin.
"Saan kayo mamaya?" tanong ni Kiel.
"Sa Kapitolyo lang kami hanggang mamayang hapon." sagot ko sa kaniya.
"Then I'll wait you there. Wala naman akong lakad today." sabi niya na tinanguan ko lang.
Bigla kong naalala ang monthsary nila Kath, tinignan ko siya at mukhang wala pa itong nabibiling regalo.
"May regalo ka na kay Jason?" tanong ko kay Kath kahit sila Rachel at Erika ay nagulat, mukhang nakalimutan na ng mga ito.
"Gagi, wala pa! Balik tayo sa SM!" sabi nito.
"Anong bibilhin mo?" tanong ni Erika.
"Crocs Classic Tie Dye Graphic Clog in Black." basa nito sa nasa cellphone niya, naka-notes ata.
"Magkano?"
"2,995 pesos."
Muntik ko na maidura ang kinakain kong fries buti na lang ay naabutan agad ako ng tubig ni Kiel.
Tinignan namin si Kath, lahat kami ay nagising dahil sa sinabi niyang iyon.
Grabe naman ito, 3 thousand mahigit!
"Kailangan niyo ba ng aso? Magaling akong tumahol! 5k a day, oks na!" natatawang sinabi ni Rachel.
"Taga-hugas ng plato, need niyo ba? 5k a day lang din oks na ko!" ang sinabi ko naman sa kaniya.
Ngayon ay naghihintay kami sa sasabihin ni Erika, nag-iisip pa siya ng mai-ooffer niya.
"Tutor! 5k lang din per subject!" natatawang sinabi niya.
"Gaga kayo, bigay ni mommy itong pera. Bilhan ko raw ng crocs eh, maganda daw kasi iyon."
"Meron na ba sa SM?" Tanong ko, "Kasi di ba international brand yon? May outlet na sila dito?" dagdag ko.
"Ah, wala siya dito sa Cavite. Sa Manila halos." Si Kiel, sabay-sabay naman kaming napatingin sa kaniya. Pinakita naman niya ang phone niya, nag-search pala siya.
"Oorder na lang ako sa online tas papa-Rararides ko na lang." sabi niya. "Ayan, Place order na. Papa-pick up ko na lang!" dagdag niya.
Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko. Nag-text si Matt.
'Hanap na kayo dito, 'yung materials daw. Kayo gagawa niyan.'
Sinabi ko sa kanila iyon at agad-agad naman nilang niligpit ang lamesa. Naubos na rin naman namin ang pagkain namin.
Sobrang nakakamangha lang na nakikita ko ang mga kaibigan ko na natutuwa sa ginagawa nila and at the same time, nag-grow sila sa mga bagay na minsan nilang kinatakutan.