Tahimik kaming naglalakad habang papunta sa kapitolyo, mula sa pwesto namin ay kita na namin ang mga kaklase namin na nagpa-practice.
Nagmadali kami sa paglalakad para makaabot kami sa practice, rinig na rinig namin ang sigaw ng president.
"From the top!" sigaw niya.
Nilapag naman nila gamit nila at agad na pumwesto, ang akin naman ay pinahawak ko kay Kiel. Umupo siya sa may bench, sa gilid ng stage kung saan kami nagpa-practice.
Umakyat na ako sa stage at dumiretso sa pwesto ko. Nakatingin sakin ang president, nginitian ko lang naman siya.
Katabi ko sa kaliwa si Kath at sa kanan naman ay isa ko pang kaklase.
"Kanina pa kayo?" bulong kong tanong sa kaniya, tumango naman siya.
"Pangatlong ulit na 'to." sagot niya at muling nag-focus sa practice.
Kumpleto kaming nagpa-practice ngayon, siguro kung ma-perfect namin ang practice ngayon ay gagawa na kami agad ng props namin.
May pagka-perfectionist kasi 'yung president namin, gusto niya kahit isang mali ay hindi niya makita.
Sa halos tatlong buwan namin na pagpa-practice, ilang beses pa lang namin na pe-perfect ang sayaw. Paano ay laging kulang at kung kumpleto naman ay magulo pa rin ang execution ng mga steps.
Tingin ko naman ay maayos na talaga ang sayaw namin dahil pero ayaw pa rin ng president namin na magpahinga at sinisigurong maayos ang lahat. Grade rin kasi ang nakasalalay dito.
Lumipas na ang isang oras at pagod na pagod kami. Buong isang oras kami nagpa-practice, water break lang ang ina-allow ng president.
Naghintayan pa kaming apat dahil nga may announcement pa si President at sila lang naman ang nakikinig habang ako, busy sa pagpupunas ng pawis ko.
Maya-maya ay lumapit na sila sa akin, pare-pareho kaming pawisan at masasama na ang itsura.
"Oh, ano sabi?" tanong ko sa kanila.
Tinuro ni Rachel at Erika si Kath, tumingin naman ako sa kaniya. Tinulungan ko siya sa pagpupunas sa likuran niya, uminom muna siya ng tubig bago sumagot.
"Tayo raw apat ang gagawa ng sa braso, ewan ko. May example naman daw doon sa kaniya, kunin na lang daw natin. Pero dito tayo gagawa, simulan na raw dito 'tsaka tapusin sa school ang iba." Paliwanag niya, tumango naman ako.
"Tara na!" naiinis na sabi ni Rachel, nauna na siyang maglakad kaya sumunod na kami.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Erika, simula kasi ng practice ay silang dalawa ang magkasama since magkatabi sila.
"Tumawag si Jay kanina, sunduin raw siya. Date raw sila, ewan ko ba't ganyan 'yan." sagot ni Erika.
Nakarating kami sa bench kung nasaan si Kiel. Mukhang inaantok na siya kakahintay sa amin.
Kinuha ko sa kaniya ang bag ko at nilabas ang bimpo, nagpunas naman ako sa mukha, sa braso at nagpapunas naman ako kay Kath sa likod ko.
May dala akong extrang damit dahil alam kong magpapawis kami. Sinabihan ko rin naman mga kaibigan ko kaya alam ko na may dala rin sila.
"Saan tayo magpapalit?" tanong ni Kath.
"SM na lang, lunch break din naman." sagot ko sa kaniya.
Tahimik lang si Rachel kaya hinayaan muna namin pero alam namin na nakikinig siya.
Tinignan ko si Kiel, nakatingin lang din ito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, nginitian niya lang naman ako.
"Uwi ka na, matagal pa kami dito." Sabi ko sa kaniya, "Maiinip ka lang dito." pamimilit ko.
"Hayaan mo nga, okay na yan para may katulong tayo sa paggawa ng props." si Kath, bumabalik na ang energy.
"Be back at exactly 1 pm, dito ulit." Anunsyo ni pres.
Dali-dali naman kaming kumilos, iniwan namin ang mga materials sa iba naming classmate na maiiwan dito sa kapitolyo.
Dumiretso na kami papunta sa SM. Nauuna ang tatlo at iniwan na naman kaming dalawa sa huli. Actually, this became our rule, na pag kasama namin 'yung someone namin ay mahuhuli lagi or more like sila lang ang pwedeng magkasama parang ganon.
"Baho ko?" natatawang tanong ko sa kaniya, pabirong inamoy niya naman ako.
"No, it's fine." sagot niya, nagtawanan naman kami.
Parang wala kaming pinag-awayan kanina at okay na okay kami ngayon. Siguro, this is love. No matter how mad at you to the other person, mas nangingibabaw pa rin yung pagmamahal.
Cringe!
"Why don't we take it to the next level?" seryosong tanong niya, natatawang tinignan ko naman siya.
"Why don't you just shut up?" Pang-aasar ko.
Bagama't seryoso siya sa sinabi niya, I can't take it seriously kasi kailangan kong unahin ang pagtulong sa pamilya ko.
Love can wait, but my family sufferings will never end. I can't afford to lose myself in the process of both helping my family and being in a relationship.
Hindi ko pa man ramdam ngayon ang hirap dahil nagagawa pang maibigay ng mga magulang namin ang kailangan namin, paano na lang kung walang-wala na talaga? Saan kami tatakbo?
Ang kamag-anak ni mama ay nasa Surigao, pangingisda ang hanap-buhay. Ang kay papa naman ay nasa Manila, hindi naman mahirap humingi ng tulong sa kanila pero ang problema ay nakakahiya.
"I'm being serious." sambit nito.
"Alam ko, seryoso rin naman ako. Hindi rin tayo pwede pumasok sa relasyon because we have different religion unless one of us ay magpapabago ng religion." Sabi ko sa kaniya.
"Hindi rin tayo pwede na basta-basta magpa-convert dahil walang kasiguraduhan na tayong dalawa talaga." dagdag ko.
"Then, we will make it happen." seryosong sinabi niya.
Ngayon lang namin napag-usapan ang pumasok sa isang relasyon. Kung magiging kami man ay parehong first relationship namin ito.
Nangako ako sa sarili ko na ang unang magiging boyfriend ko ay gusto ko na maging asawa. Kaya sobrang halaga sa akin ang magiging first boyfriend ko.
To be honest, he isn't the first guy na sobra akong na-attach. There's another guy and we promised to each other pero ngayon, hindi ko na alam kung nasaan siya.
I think Kiel is really a great guy and wala akong kahit na anong maling intention sa nararamdaman niya, wala rin akong balak na saktan siya. Ang mahirap lang, nagkakaroon ng third party sa aming dalawa.
I know I shouldn't be bothered by the fact that he is really into me but, I still can't deny the fact that his childhood friend is wanted to be in the picture.
"We still can't. Ayokong sa tuwing date natin ay aasa tayo sa bigay ng pera ng parents natin. Gusto ko paghihirapan ko muna ang lahat bago ako pumasok sa relasyon." Pahayag ko sa kaniya.
Pumasok na kami sa SM at dumiretso sa ground floor, mas malapit kasi doon ang cr.
Magkatabi pa rin kami, parehong tahimik na. Ayoko na magsalita pa kasi baka tuluyan ko na siyang itaboy sa buhay ko.
Nang makarating sa cr, naghintay lang siya sa labas. Agad naman akong hinila ni Rachel, nagtatakhang tinignan ko siya. Kanina ay wala siya sa mood pero ngayon ay mukhang nagbalik na ang energy niya.
"Spill the tea, sis!" aniya, kunot-noo akong nakatingin sa kanilang tatlo.
Naghilamos muna ako, nagpunas ng mukha. Pagkatapos ay dumiretso ako sa isang bakanteng cubicle at nagpalit ng damit.
"Ayaw mo pa rin sa kaniya?" rinig kong tanong ni Rachel, nasa kabilang cubicle siya.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at agad na pumasok si Erika. Pinahawak niya sa akin ang bag niya kaya naghintay ako doon.
"Hindi sa ayaw ko, may mga priorities lang ako. Ang dami kong responsibility, mare." Sagot ko sa kaniya.
"Eh bakit hindi mo siya isama sa isa sa mga priorities mo?" pang-aasar ni Kath, hindi ko alam kung nasaang cubicle siya.
"Baliw, hindi rin kami pwede kasi INC siya." Sagot ko sa kaniya.
"Ay, dati naman siyang katoliko. Okay na 'yon!" nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Kath, kahit kailan talaga ito puro kalokohan.
Sabay-sabay silang natapos. Muli kaming bumalik sa harap ng salamin at nag-pulbo at lip balm lang ako samantalang sila ay lip tint ang ginamit.
Nagpicture-picture pa kaming apat bago tuluyang umalis. Si Kath naman ay parang natataranta kaya sinundan namin siya, lumabas siya ng SM.
Ayon pala ay dumating na ang order niya sa Rararides. Ang walang-hiya ay sa SM pa nilagay ang address, natatawa tuloy ang rider dahil hindi niya alam kung sino ba ang magre-receive.
Nakita naming inabutan siya ni Kath ng 3,200. Tip niya na raw iyon at masyadong malayo ang byahe, buti na nga lang daw ay may pang-abono ang rider.
Pumasok na ulit kami sa SM, napag-desisyunan naming sa Jollibee na lang ulit kumain. Doon lang kasi namin afford.
"Treat ko!" biglang sinabi ni Kath, "May natira pa kasi akong 800 plus tapos tinanong ko kay mommy, okay lang daw na gamitin ko ang pera." dagdag niya.
"Kasama ba si Kiel?" tanong ko.
"Malamang, iiwan mo dito sa labas iyan? Sama ng ugali mo!" patawa-tawang sagot ni Kath.
Naghanap kami ng seats at buti na lang ay may nakita kami. Tumayo na si Kiel at siya na lang daw ang oorder, sinamahan ko na siya. Binigay din ni Kath ang pang-bayad.
"Same orders lang para sating lahat ha." Sabi ko sa kaniya, dikit na dikit din ako sa kaniya. Ayoko kasi talagang nakatayo sa may cashier kasi nahihiya ako mag-order.
Naramdaman niya siguro iyon kaya kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon, nagtatakhang tinignan ko siya.
"Look at our back, someone keep looking at you. I just want him to know that you're not available." namula naman ang pisngi ko dahil doon sa sinabi niya, napayuko na lang ako kasi pagkatingin ko sa kay ate na nasa cashier at nag-aasikaso ng order namin ay naka-ngiti sa aming dalawa.