Nakuha na namin ang order namin at dalawang tray ito, siya nagbuhat ng isa at ako naman sa isa.
Tinignan ko siya at natatawa naman siya, sinamaan ko lang siya ng tingin kahit hindi niya ko tinitignan.
Pagkarating sa table namin ay binigay na namin sa kanila ang mga order nila, ang tray na dala namin ay sinauli namin sa cashier.
"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Kath, nang-uusisa na naman.
Binalik ko sa kaniya ang sukli, nagsimula na kaming kumain. Hindi rin namin sinagot ang tanong niya, bahala siya sa gusto niya.
Kanina habang naghihintay kami sa order namin, nilibot ko 'yung paningin ko at pasimpleng hinanap iyong sinasabi niyang naka-titig sa akin.
Ang loko ay hindi naman totoo ang sinasabi, wala naman kasi talaga.
Tinanong ko rin siya kanina bakit siya nagsinungaling pero hindi naman siya sumagot sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi kami nagpapansinan.
Ayoko rin naman gawing big deal iyon at nagmumukhang uhaw ako sa kasagutan niya. Mahirap na ang umasa na naman.
Hindi ko magawang pigilan na umasa sa mga ginagawa niya dahil meron at meron pa rin sa part ko na nagsasabing magbabago siya at maipapakita niya iyon sa akin.
"Kailan mo pala ibibigay 'yung regalo mo?" tanong ko sa kaniya, iniiba ang topic.
Binaba nito ang gamit ng kubyertos at uminom ng tubig. Kinuha niya ang cellphone at pinakita sa akin ang text ni Jason.
"Let's meet after your practice, by 5 pm right? I'll see you later, I'll fetch you." basa ko sa text message para alam din ng mga kaibigan namin.
Tumaas ang kilay ko at tumango-tango. Napagtanto ko lang na they are so busy doing fun things habang ako ay namomroblema sa kung ano ba ang gagawin ko para makatulong sa pamilya.
Masyado na naman akong nag se-self pity dahil sa natatamo ng mga kaibigan ko. Naiinggit talaga ako sa meron sila pero at the same time, proud ako sa kanila. 'yung inggit ko ay ginagawa kong motivation para kahit papaano ay may napapatunayan ako sa sarili ko.
"So, Kath and Jason will meet later so as Jay and Rachel. What about you?" tanong ko kay Erika na mukhang walang plano sa kahit na ano.
"May meet up din kami mamaya, susunduin namin si mama. Kakain kami sa labas." Sagot nito sa akin, "Eh ikaw? may date rin kayo?" tanong naman niya, sinamaan ko siya ng tingin.
"Uwi na ako diretso, kailangan ko mag-ready for college entrance exam at hahanap din ako part time." kibit-balikat kong sagot.
Muli akong bumalik sa pagkain at hinayaan ang mga mapanuring tingin nila sa akin, kahit si Kiel ay natigilan dahil sa sinabi ko.
Hindi ako open na tao, hindi nila alam kung ano pinagdadaanan ko. Ang alam lang nila ay kung ano yung mga pinapakita ko sa kanila.
It wasn't easy to avoid judgments and criticism, pakiramdam ko ay buong pagkatao ko ang hinuhusgahan at kasama pa ang pamilya ko. Nakakatakot ang mga maaaring sabihin nila.
Pagkaubos ko ng pagkain ay 'tsaka ko sila tinignan. Nagtatanong tingin ang iginawad ko sa kanila.
Alam kong nagulat sila dahil doon sa sinabi ko, hindi naman kasi kami nagkakaroon ng usapan tungkol sa buhay-buhay. Lagi lang kami nasa kalokohan ngunit kahit ganoon ay we always check each other status if okay lang ba kami or hindi.
Ang problema nga lang ay hindi ako nagkukwento sa kanila. Sinasabi kong okay lang pagkatapos ay iibahin ko na ang usapan. Lagi kong iniiwasan ang mga tanungan nila na tungkol sa buhay ko.
"You never talked about it, okay ka lang?" tanong ni Rachel, napansin siguro ang biglaang pagsabi ko ng totoo.
"Oo, okay lang. Hirap lang talaga kami ngayon." Sagot ko.
Niligpit ko na ang pinagkainan namin, naubos na rin naman nila ang pagkain nila.
"Paano? Baka makatulong kami." si Kath.
Dahil nga may kaya ang mga pamilya nila, alam kong matutulungan nila ako. But, I refuse to get help from them dahil ayokong magkaroon ng utang na loob.
Every now and then, I hate getting help from anyone. Kahit alam kong genuine ang pagtulong nila, naiisip ko na baka magkaroon ng sumbatan sa huli at talo ako.
Sobrang toxic ng mindset ko pero kasi gusto kong matutong tumayo sa sarili kong paa. Gusto kong paghirapan lahat para sulit naman 'yung sarap.
"No, kaya ko 'to." sabi ko sa kanila.
Tumayo ako at nauna ng lumabas, nasalansan na naman ang pinagkainan namin at kukunin at pupunasan na lang iyong lamesa.
"Kate!" tawag ni Kath.
Nilingon ko sila at hindi ko namalayan na masyadong malayo na pala ang distansya namin sa isa't-isa.
Distansya namin sa estado sa buhay, kung paano sila nakaka-survive sa araw-araw. I can't blame them for having everything, naiinis lang ako na meron sila ng gusto ko.
Nalamon ako ng pag-iisip ko at hindi ko napansin na hindi na pala sila nakasunod sa akin. I am so busy catching all those thoughts na hindi naman ako matutulungan.
Hindi ko na sila makita dahil sa biglaang pagdami ng tao. Ilang beses na rin akong nabangga kakahanap sa kanila.
Pakiramdam ko ay masyado ng pabor ang panahon sa kanila habang ako ay hirap na hirap na. It would've been fine kung maayos ang kalagayan ng pamilya ko.
Ang babaw ko!
Napatingin ako sa humawak sa braso ko, si Rachel. Hinihingal ito na para bang tumakbo. Inalalayan ko siya dahil babagsak na siya at nanghihina ang kanyang mga tuhod.
"Anong nangyari?" tanong ko. Nilibot ko ang paningin ko at hindi ko makita ang tatlo.
"Bwiset, kaya pala biglang dumami 'yung tao eh may event doon," turo niya sa hindi kalayuan, tinignan ko iyon at oo nga, punong-puno na bigla ang paligid. Lumayo kami doon at pumwesto sa gilid ng exit door.
"Hindi ko alam kung nasaan na sila, nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa biglang nagdatingan yung mga tao na yon!" frustrated niyang sinabi, umupo siya para habulin ang paghinga niya.
"Dito ka lang, tignan ko lang sila doon." sabi ko sa kaniya, hindi kasi namin makikita sa pwesto namin ang event na iyon at yung mga tao kaya kailangan kong bumalik doon para makita nila ako.
Pinilit ko mang pasukin ang grupo ng mga tao para hanapin ang mga kaibigan ko ay hindi ko magawa, para akong paulit-ulit na sinusuka palabas sa grupo ng mga iyon.
Tinatawagan ko sila Kath at Erika pero walang sumasagot ganoon din si Kiel.
Hindi ko naman inaasahan na tuluyan kaming paglalayuin ng distansyang iyon kanina, Literally.
Maya-maya ay tumawag sa akin si Rachel, sinabi niya na nandoon na raw si Kath at Erika. Kausap pala niya kanina kaya hindi ko makausap.
Ngayon naman ay si Kiel na lang ang kulang. Pinipilit ko pa rin siyang tawagan pero unattended pa rin ang number niya.
"Hi!" napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses na iyon. It was Penelope with her classmates, talking with some people they know.
Tumalikod akong muli para hindi niya ako makita, bumalik ako sa paghahanap kay Kiel.
"Hey there, Kate!" nako naman, lumayo na nga ako nang bahagya tapos makikita pa rin ako.
I compose myself and face her. Mas matangkad na nga siya sa akin ay may lalo pa akong nagmukhang maliit dahil sa suot nitong heels. Ang damit niya ay makaagaw pansin dahil yakap na yakap nito ang katawan niya at kitang-kita ang shape niya. Ang mukha naman niya ay puno ng kolorete ngunit simple lang ito pero nag-stand out pa rin ang kagandahan niya.
Nakakainggit!
"Hi! Nice to see you here." Mapait kong sinabi at pasimpleng ngumiwi.
"What are you doing here?" tanong niya at nagpalinga-linga pa na parang hinahanap kung may kasama ako.
"Ah, kumain lang ng lunch. Ikaw?" pabalik na tanong ko.
"I'll be meeting Kiel here, eh. Nakita mo ba siya dito?"
You want second chance pero hindi ko pa nabibigay 'yung sagot ko, ganito na agad. Buti na lang!
"Nope, Anyway, I'll get going first. Naghihintay na sila sa akin." Paalam ko sa kaniya at tuluyan na siyang iniwan doon.
Hindi ko na tinawagan pang muli si Kiel at hinayaan na lamang siya. Malaki na siya, kaya na niya sarili niya.
Huwag na rin siyang umasa na bibigyan ko siya ng second chance, uunahin ko na ang paghahanap ng trabaho at paghahanda para sa entrance exam.
I have to stop entertaining guys, ayoko na masaktan ulit. I just wanted someone to lean on, I just wanted to feel love na hindi ko maramdaman sa bahay namin.
Our home were no longer feels like home, It is just an empty house filled with memories of the past and full of problems.
"Hoy, ala-una na pala. Tara na, may gagawin pa tayo!" Sabi ni Erika pagkarating ko.
Maayos na ang pakiramdam ni Rachel, ang dalawa naman ay ganoon din. Inabutan ako ni Kath ng milktea, hindi ko napansin na may hawak pala sila.
Tuluyan na kamin tumulak pabalik sa kapitolyo at wala ni-isa ang nagtanong kung nasaan si Kiel. Siguro ay nakita nilang kausap ko si Penelope kanina.
Habang naglalakad kami, silang tatlo lang ang nag-uusap. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, gusto ko mang sumabat sa usapan ay hindi ko magawa dahil masyado akong occupied sa pag-iisip.
I have to find job that will our family, hindi na biro na gabi-gabing nag-aaway ang parents namin dahil sa kakulangan sa budget. Ayoko ring tumigil sa pag-aaral dahil ayokong mahuli.
Susubukan kong mag-apply sa mga fast food chain at tingin ko naman doon ay kakayanin ko. Kung hindi naman ako papalarin, susubukan ko na lang mag freelance writer.