Tahimik kaming gumagawa ng props namin. Ang balak ko sana ay sa bahay na lang gumawa since madali lang naman pero kailangan kasing sukatan ang mga kaklase namin.
Gagawin kasi naming sash ang telang hawak namin at binabase namin ang haba nito sa height din nila. May iba kasing maliit at may ibang matangkad.
Pagkatapos gawin ang sash ay ibibigay ito sa president at lalagyan nila ng sulat, hindi ko nga lang alam kung anong isusulat nila.
Simula nang makarating kami dito ay tahimik lang ang mga kaibigan ko, wala akong narinig na kahit na anong tanong sa kanila. Kitang-kita ko kung gaano ka-curious ang mga kaibigan ko.
They really know when and how to approach me kaya natutuwa ako na naiintindihan nila ako. Kahit gaano pa ako ka-sikreto sa kanilang tatlo, hindi nawawala ang tiwala nila sa akin.
"Hindi ko na siguro bibigyan ng chance 'yon." Paunang salita ko para matawag ang atensyon nila.
Pinag-isipan kong mabuti kung tama ba itong desisyon na ginawa ko. I'm just trying to protect my mental health. Ayokong dumating sa punto na sa kakatiis ko sa kaniya ay baka masira ko ang buong pagkatao ko.
Kahit na hindi naman ako sure kung magkikita ba talaga sila o hindi, I think it's better to take action on things that's about to happen.
Ayokong sa kaka-accept ko ng mga mistakes niya baka maging isa rin ako sa mga mistake niya. Alam kong padalos-dalos ang desisyon ko pero eto 'yung alam kong tama.
"I talked to Penelope earlier, I was told na magkikita sila ni Kiel." Dugtong ko.
"Kaano-ano ba ni Kiel si Penelope?" tanong ni Erika.
Patuloy pa rin kaming naggugupit ng tela para sa sash. May ilan kasi na nakuhaan na namin ng sukat.
Si Kath at Erika ay parehong nagtatahi habang kaming dalawa ni Rachel ang naggugupit ng mga tela.
"Childhood friend."
"Paano mo nalaman?" sunod na tanong ni Erika.
"I stalked Kiel tapos sa bawat post ni Kiel ay may comment siya. So, I took the initiative to find out what's happening between the two. Only to find out that they were friends since they were 7 years old."
"Final decision na?" tanong naman ni Rachel, ang paningin ay nasa tela.
"Oo, time to focus sa sarili ko!" Naka-ngiting sabi ko at nag unat-unat na, hindi na gustong dumami pa ang usapan.
"Pakinggan mo kaya muna 'yung explanation niya, malay mo ibang Kiel pala iyong tinutukoy niya. Hindi mo alam ang takbo ng tadhana." Naka-tingalang sinabi sa akin ni Kath, nginitian ko naman siya at bahagyang yumuko at inabot ang baba niya para panatilihin ang tingin sa akin. Sina Rachel at Erika ay parehong natatawa, maging ang iba naming kaklase.
"I will, don't worry bebe pero I need to compose myself." natatawang sinabi ko sa kaniya at binitawan ang baba niya. Nagtawanan naman kami dahil pulang-pula ang mukha niya dahil sa kahihiyan.
Masakit man ang kinalabasan ng nangyari, mabuti na ito kaysa sa patuloy akong magbulag-bulagan sa mga signs na pinapakita niya.
It's sad to see that the person whom you've grown your feelings for, started to become a stranger. I witness every little changes that happened to him and even now, I still want to witness it. We became each other's home and we planned our future together.
The 3 years we have together were nothing but happiness and fun. We supported each other and rooting for success. However, time changes everything.
From being contented, we began to look for something more and better. From growing together, our relationship began to grow apart.
Siguro hindi pa talaga namin kilala ang isa't-isa. Kung ano lang ang pinapakita namin sa isa't-isa hanggang doon lang, the way we treat our friends were the same as we treat each other.
I was there for him when he was facing different problems, from the death of his father to his failing academic grades. I fulfilled my duty but, I didn't expect him to return the same favor I've done.
Alam mo 'yung feeling na you were the most important person nang mga panahon na 'yon tapos para kang nakalimutan na niya noong mga panahon na masaya at okay na siya. I didn't expect him na isama niya ako pero ang gusto ko, that both of us will celebrate his triumph.
Well, I can't blame him. It was my fault for expecting something foolish. Nevertheless, I was happy and I did enjoy our time together.
"Pres, pwede ba iuwi ko 'to? Sa bahay ko na lang gagawin 'yung iba, nakuhanan ko na naman ng sukat 'yung iba eh. Sila Rachel naman, mamaya pa uuwi." Paalam ko sa president namin na busy sa pag-instruct sa iba naming kaklase na gumagawa ng maskara.
"Bakit?" tanong niya.
"May gagawin pa kasi ako sa bahay, importante lang." sagot ko sa kaniya.
I plan to search for jobs through online. Naisip ko na mag call center pero baka hindi ako tanggapin dahil nga mag-aaral ako.
Susubukan ko pa rin na mag-apply sa call center at kung papalarin, baka ituloy-tuloy ko na kasabay ng schedule ko sa pag-review at sa kung saan-saan pa.
"Okay, sige. Dalhin mo na lang sa monday 'yung mga natapos mo na." tumango ako at nagpaalam na.
Bumalik ako sa mga kaibigan ko. Niligpit ko na 'yung mga gamit ko, ang mga tela naman ay nilagay ko na sa paper bag.
"Uwi ka na?" tanong ni Kath, hindi na mapula ang mukha niya.
"Oo bebe, gonna do some research online for jobs." Sagot ko sa kaniya, natatawa. Umalis na ako doon, kumaway na ako sa kanila at nauna ng umuwi.
Kung magtatagal pa ako doon ay baka makita ko lang si Kiel. Pakiramdam ko kasi ay hinahanap niya kami.
Napaka-contradicting kong tao, gusto ko siya na ayoko na. Masyado pang magulo ang isipan ko at wala pa sa katinuan.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko naman si Matt. May dala-dalang mga pintura at paint brush. Kinuha ko ang dala niyang paint brush para hindi siya mahirapan sa pagbitbit ng mga pintura.
"Wag na, sasalubungin naman ako ni Marlon." Sabi niya sa akin noong inagaw ko ang mga paint brush.
"Edi hintayin na lang natin dito, ngalay na ngalay ka na timang!" sabi ko sa kaniya, pumayag naman siya. Pareho kaming umupo sa bench habang naghihintay kay Marlon.
"Pauwi ka na?" tanong niya.
"Yes, may gagawin pa ako sa bahay eh." Sagot ko sa kaniya.
"Matt!" Napatingin kami kay Marlon, tumatakbo ito papunta sa amin.
Tumayo na ako at nagpaalam sa kanilang dalawa.
Nakakasama lang namin si Matt tuwing recess, lunch break at minsan kapag naman uwian na. Sumasama kasi siya sa kanila Marlon.
Dumiretso na ako sa terminal ng jeep. Mabuti na lang at walang pila, iyon nga lang ay kakaunti lang ang pasahero kaya kailangan pang maghintay.
Nag-f*******: muna ako habang naghihintay na umandar ang jeep, naka-ready na rin ang pang-bayad ko.
Gaya ng dati ay sunod-sunod na pumasok ang notifications ko. Tinignan ko ang messenger ko at puro group chat lang ito. Walang message ni-isa galing kay Kiel.
Bakit pa ako umaasa? Sarili ko lang naman ang sinasaktan ko dahil sa expectations ko. Tinignan ko naman ang message request baka kasi may nag-chat na iba kong kakilala ngunit wala.
"Bayad po." Kinuha ko 'yung pera at inabot sa driver, nasa likod kasi ako ng driver naka-pwesto.
Walang konduktor ang kumuha ng pamasahe. Kaya maya-maya tuloy ako nag-aabot ng bayad sa driver.
Patuloy lang ako sa pag-cellphone, iba na rin ang nag-aabot ng bayad sa driver.
Hindi ko tinataas ang paningin ko dahil may pakiramdam akong kakilala ko itong nag-aabot ng bayad sa driver.
"Bakit?" sagot ko sa tawag ni Kath.
Nakayuko pa rin ako at pinaglalaruan ang key chain ng bag ko.
"Nandito si Kiel." Doon ko itinaas ang paningin ko para tignan kung sino iyong kanina pang naka-tingin sa akin.
It was him!
Hindi ko naman sinasadya na itama ang paningin ko sa kaniya, masyado lang akong nagulat sa sinabi ni Kath.
He's staring at me and he never break the stare we are having right now. He looks really fine while I am currently broken and devastated. Well, I don't care. I think so?
"Oh, Anong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya.
Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya dahil ayoko nga siyang makita. It has been years since I last saw him tapos in an unexpected place pa!
Actually, tinataguan ko talaga siya. We didn't have any closure since the last time we talked at ayoko rin naman siyang makausap ngayon.
"Gusto ka niya makausap." sagot nito mula sa kabilang linya.
"I'll think about it, Just say to him that I will talk to him when both of us are ready and in good condition." Sambit ko.
"Sige, Ingat!" binaba ko na ang tawag at bumalik na lang ulit sa pag-cellphone.
Pilit kong nililibang ang sarili ko pero nadi-distract talaga ako dahil kanina pa siya nakatitig sa akin.
I don't have anything to say to him. After what he did, he thinks I'll forgive him.
No way!