"Para po!" sabi ko, bumaba na ako na hindi siya nililingon.
Nagulat na lang ako na sumunod siya sa akin. Hindi naman siya taga dito, malayo pa ang babaan niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumawid. Dinala niya ako sa 7/11, katabi lang ng terminal ng tricycle.
Nagtatakhang tinignan ko siya, ang lakas naman ng loob niya magpakita at magparamdam after what he did.
Pumasok kami sa loob, pinaupo niya ako sa dulong upuan na hindi masyadong kita sa labas. May tinataguan siguro ito.
Wala man lang siyang sinabi sa akin o kung ano basta ay ginagawa niya ngayon ang mga bagay na hindi niya nagawa sa akin noon.
Umalis siya sandali at ngayon na bumalik siya ay may dala-dalang tubig, hindi niya pa rin nakakalimutan na hindi ako mahilig sa kahit na anong drinks.
Ngumiti siya sa akin habang ako naman ay naguguluhan pa rin sa inaasal niya. Kakagaling ko lang sa practice at kailangan kong magpahinga pero ang taong ito, mukhang uubusin ang natitira kong energy.
"Stop beating around the bush, what is it?" Sambit ko sa kaniya.
Ngayong nasa harapan ko siya at magkausap, ngayon ko lang napagbigyan ang sarili kong tingnan ang taong ito.
From head to toe, he changed so much. Nag mature na ang itsura na dati ay dugyutin pa, well, pasensya! Mas pumuti rin siya ngayon. He is more handsome right now than before!
Ang matangos nitong ilong, ang magaganda nitong kulay brown na mata, ang mga malulusog nitong labi, his jawline na lalong naging define! Aakalain mong may lahi ito.
Naging maayos na rin ang pananamit niya, alam na niya siguro ang fashion taste niya. Tumangkad din ito na lalong pasok na pasok sa standards ng mga kababaihan.
"Are you done scanning me?" taas kilay nitong tanong na naka-ngisi pa.
Umayos ako ng upo at uminom ng tubig. Masyado ata akong halata sa ginawa ko sa kaniya.
Hindi ko lang maiiwas ang paningin ko sa kaniya dahil ibang-iba na ang itsura niya at manghang-mangha pa rin ako sa changes na nangyari sa kaniya.
"Well, anyway. How have you been?" Tanong nito, ignoring his first question to me.
"I don't have enough time para lang makipag-kamustahan." Sagot ko sa kaniya, "Bakit na naman nagpaparamdam ka?" diretsong tanong ko sa kaniya.
"Just for closure." simpleng sagot nito.
Closure? took you 4 years para lang tanggapin yung closure ko. Ang galing mo naman! You really know when to show up!
Just when I'm about to say something, he speaks again.
"4 years. It took me 4 years to finally accept that what happened to us really ended. I kept myself in the dark, away from other people kasi ayokong makita nila ako na wala sa katinuan. Lumayo ako, isinama ako ni ate sa Manila para doon mag-aral at para makaiwas sa'yo dahil alam niyang hindi ako magiging maayos hangga't nakikita kita." Pahayag nito.
So, that's why four years ago I can't find him anywhere. I was so desperate back then to take him back but, the result wasn't the one I was expecting for. However, I'm glad that both of us will reconcile.
Hindi ko rin inaasahan ngayon na magkukwento siya sa akin after ng ilang taon na wala kaming communication. Hindi man lang siya nakaramdam ng awkwardness na unlike ko, hanggang ngayon ay nahihiya pa rin.
"I have tried a lot of ways para bumalik dito, para humingi ng tawad sa'yo at magmakaawang tanggapin mo ulit ako. But then, ilang beses din ako pinigilan ni ate. Binabantayan niya ko everyday, she even quit her job para lang pagtuonan ako ng pansin. I was so selfish, hindi ko napansin na nasisira ko na ang buhay ko pati ng ate ko." Huminga ito nang malalim, naka-ngiting tumingin sa akin at muling nag-kwento.
"My family supported us habang nasa Manila kaming dalawa ni ate. Sila nagbabayad ng bills at nagpo-provide ng pagkain namin. One day, nagpunta kami sa simbahan. I prayed and prayed, I cry my heart out tapos paggising ko isang araw, okay na ako. Bigla ko na lang natanggap ang lahat."
"Tinulungan ako ni ate na makapag-simula ulit. Nag-enroll ako, my ate make sure na maayos na ulit ako and that's when she decided na mag-trabaho ulit. Until now, okay pa rin kami at okay na okay na."
Sobrang proud ako sa kaniya. Kahit na sobrang nadurog siya, hindi niya nagawang mag-bisyo. Nakaka-proud na sobrang open niya sa pamilya niya at tinulungan siya para makapag-move forward.
Grabe, hindi naman kami sobrang na-attached sa isa't-isa, it was only 4 months pero bakit ganito kami. Nakakatawa lang.
"How about you?" tanong niya sa akin matapos mag-kwento, ngumiti naman ako sa kaniya.
"To be honest, I wasn't expecting na magkikita tayo today. I even ignored your messages thinking that you'll do something foolish. But, I was wrong. Sorry for making a conclusion right away." natatawang sinabi ko sa kaniya.
"No, It's fine." natatawang sinabi nito.
Naisip ko na i-kwento sa kaniya ang pinagdaanan ko. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin, ganoon din naman ako sa kaniya. He knew right away kung nagsisinungaling ba ako or may tinatago ako sa kaniya.
He was the person who knows my story and he was the reason why I can't tell my story to other people. Iba 'yung trust ko sa kaniya, naniniwala kasi akong panghahawakan niya lahat ng mga kwento ko.
He even know na hindi alam ng family ko ang naging ugnayan naming dalawa. But, that's not enough reason para ipakilala niya ako sa family niya na naging open naman sa relationship naming dalawa.
"When you cheated on me even though we don't have any label in our relationship, I feel like the whole world betrayed me. I hold onto our promise that when the time comes, when we're ready, that's when we enter in a serious relationship with no any issues. Nagulat na lang ako one day na may nililigawan kang iba and to think na classmate pa natin, sobra 'yon ha!"
Grade 8 kami noon when that happens. Imagine magkakilala lang kami for 4 months tapos may ganon-ganon na kaming nalalaman.
Sobrang mature na rin kasi kaming dalawa at maagang namulat sa reyalidad. Naramdaman lang namin pareho na eto na yon, panghahawakan namin ito. But, we were wrong.
Pareho pa kaming nasa process ng maturity at growing, nagmadali kami masyado kaya sobra ang naging sakit.
"Anyway, ayon nga. My family didn't know that I went into heart break and such. I was alone during the process of moving on but I never cry, even once. Alam mo 'yung gusto mong umiyak pero wala kang mailabas na luha? Ganon na ganon. Every day that I woke up, lagi kong sinasabi, 'eto na naman tayo'."
"Feeling ko kasi kapag umiyak ako, talo ako. Na ang pag-iyak ay para lang sa mahihina. I was alone and lonely but I never failed my study, ayokong sa pagbagsak ko sa pag-aaral ko, doon nila malalaman 'yung nararamdaman ko."
"I tried to contact you, hinanap din kita sa mga social media sites pero wala, deactivated lahat. Hindi ko alam kung paano ako nakapag move on, kung paano ako nakarating sa ngayon ko. Siguro gaya mo, dinaan ko sa prayers. Voila! okay na ako pero 'yung kasalanan na ang babaw-babaw, nandito pa rin."
Nagtawanan kaming dalawa dahil doon. Masyado pa talaga kaming bata ng mga panahon na iyon, isipin mo dahil lang sa panliligaw niya sa iba at sa pangakong pinanghawakan ko, nagkasira kami.
"Okay ka na ngayon?" tanong niya sa akin.
"Oo naman, awkward lang talaga sa akin kanina pero ngayon hindi na." Naka-ngiti kong sagot, "Ikaw ba?" tanong ko.
"I've never been in a situation that I feel relax and comfortable for 4 years pero ngayon, masaya ako, relax at komportable. Sobrang saya ko na okay na tayo." sagot niya.
Bakas sa mga mukha naming dalawa ang kasiyahan. We just really need to accept each other's flaws and mistakes, forgiveness does matter.
Tumayo siya at umalis, pagbalik ay may dala-dala ng pagkain. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan ang oras, 2:30 pa lang ng hapon. Siguro enough na yung time para makapag-catch up kami.
Binuksan niya ang chips na binili at pareho kaming kumain habang nagku-kwentuhan.
It feels good to be back!
Hindi man naging kami, hindi man namin natamo ang pangako sa isa't-isa, I think it's better off this way.
No more hatred left behind, no more pain. Sadyang lapitin lang siguro ako ng mga cheater kaya ganito ang laging kinakalabasan, puro sakit.
Ang nakakatawa lang ay never kami humantong sa seryosong relasyon. Kung kailan ready na ako, doon naman nauudlot ang lahat.
Siguro ay sinasabi ko lang na, 'ready na ako', without knowing the full context of it. Para lang akong sumasabay sa agos ng buhay, kung saan ako dalhin, thank you. Hindi ko ipagkakait sa sarili ko yung mga bagay na deserve ko at lalong hindi ko hahayaan ang sarili ko na saktan na lang.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakatanaw naman siya sa mga dumadaang sasakyan sa labas. Maybe this is it, our last interaction, our last moment.