Chapter 28

1397 Words
Muling nagsimula ang program sa bigayan ng diploma. Akala mo ay walang nangyaring proposal kanina dahil ang lahat ay parang naging robot na sumusunod lang sa agos ng program. Tahimik kaming dalawa ni Louis, muli siyang bumalik sa pag-ddrawing habang ako ay nakatulala lang sa mga nangyayari sa paligid ko. Naisip ko na matutuloy ko ba ang course na gugustuhin ko o magpapatuloy sa course na accountancy. Alam kong kumikita na ako at unti-unti na kaming nagiging stable pero hindi pa rin sapat iyon dahil marami pa rin kaming kailangang bayaran. Life long dream ko rin kasi ang pagiging chef at kahit minsan o ni-isang beses ay hindi nawala sa isipan ko na maging chef. Sobrang saya sa pakiramdam habang nagluluto ako, through cooking I can express my feelings and God knows about it. Ito ang magiging biggest achievement ko once na nakapagtapos ako na culinary arts. Gusto ko rin na maisulat ko ang story ko, ang history ko at mai-share ito sa maraming tao. I wanted to express my feelings through my cooking skills and through my writing, I wanted to show them that It will never be too late to achieve your life long dream. That sometimes, mas mabuting sumugal tayo kaysa sa patuloy na sumunod sa ating mga magulang. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin kung magpapatuloy ako sa accountancy. Nakaka-enjoy, nakakatuwa pero the feeling that I had once noong nagluluto ako, hinding-hingi iyon matutumbasan ng accountancy. “Baka malunod kami sa lalim ng iniisip mo ha." pagpansin sa akin ni Louis, tinignan ko lang ito. Paano kung hindi kaya niya susundin ang family history nila, edi masaya siguro siya? Paano kung ang pagsunod niya sa gusto niya ay mas maging successful siya? Aware ako, Pwedeng mag-fail or mag-succeed kami once na sumugal kami sa kagustuhan namin at pwede rin iyon mangyari kung susundin namin ang mga parents namin. Hindi ko alam, naguguluhan ako. I just need a one good reason para magpatuloy sa accountancy at kung ang reason na iyon ay hindi makakatulong sa akin, I'll take up culinary arts. “Iniisip ko lang ulit yung course na kukunin ko." Sagot ko sa kaniya. “Na naman?" natatawang tanong niya. “Kasi, have you ever wonder na sundin yung course na gusto mo?" tanong ko sa kaniya. “I did and final na, sa criminology na lang ako.” sagot nito na walang pag-aalinlangan. “Sure ka? Kasi sayang talaga yung talent mo." sabi ko sa kaniya. “I can do it pa rin naman, free lancing. Just like what you doing, you're freelancing your another talent which is the writing." Sagot nito sa akin. Oo nga naman. Bakit ko pa ipipilit yung course na gugustuhin kong ma-take up kung pwede ko naman siya gawing part time job or pwede ko rin i-take after ko sa accountancy. It's not late, just on time. “Alam mo, just try the process. Kung saan ka tatanggapin, kung saan course mo mas pipiliin, edi God's will. Let God dictate your life." Dugtong nito, samantalang nagpadikta naman siya sa parents niya. Akmang sasagot pa ako sa kaniya ng parehas kaming napatahimik, “Kate!" narinig naming sigaw, napatingin ako sa likuran ko. Ang mga kaibigan ko ay nagsama-sama sa likuran kung saan nakapwesto si Rachel. Mukhang bagong dating lang sila doon. “Hey, later na lang." sabi ko kay Louis habang tinuturo ang mga kaibigan ko, tumango naman ito sa akin. Hindi lang pala ang girls ang nasa pwesto ni Rachel, maging ang mga boyfriend at fiancé ni Erika ay nandoon. Yikes, Fiancé. Hindi ako sanay sa ganoong tawag! Akala ko ay nandoon sina Dominique at Kiel ngunit wala. Tinignan ko kung saan sila nakapwesto, nandoon pa rin sa tabi ng mga parents namin. Tahimik na pinapanood kaming magkakaibigan. “Anong nangyayari?" tanong ni Rachel, napansin na wala ang dalawa. “Ewan, tigil na raw sa panliligaw ang dalawa." sagot ko sa kaniya. “Hoy, legit ba?" “Bakit daw?" “Baka joke time lang." Kaniya-kaniyang bato ng tanong at opinion ang mga kaibigan ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at umupo sa tabi ni Kath. Bakante lahat ng upuan sa row nila Rachel dahil nga nag-alisan at matagal pa bago sila matawag. “Bakit nandito kayong lahat? Hindi pa nga tapos ang program ay gusto niyo na agad ng reunion." natatawang biro ko sa kanilang lahat. Honestly speaking, alam kong magpa-part ways kaming lahat due to our chosen schools. Ako ay sa Manila mag-aaral habang sila ay maiiwan dito sa Cavite, either sa school sila na may tuition fee or makikipag sapalaran sa public schools. Although matataas naman ang mga grades namin, alam naman namin na may mas mataas pa rin doon. This would be hard for me dahil sila may chance na magkita-kita during their free time habang ako na nasa Manila at malayo sila ay napaka-imposible no'n. I would love to visit then during my free time kaya nga lang ay pamasahe ang kalaban ko at ang parents ko na baka hindi rin ako payagan. “Admitted na ko sa DLSU, kayo ba?" tanong ni Rachel sa amin. Siguro ay bayad na rin ito sa tuition fee, nakaka-inggit na nakakayanan nilang mag-private school. Ever since ay dream school ko na ang ADMU kaso hindi kaya ng bulsa plus kahit may tuition fee, alam kong hindi pa rin kakayanin. Masyado pa ring marami ang expenses. “DLSU rin ako!" Kath answered with full of energy. “Sa EAC ako!" si Erika. “Ikaw, Leira?" tanong ni Rach. “Trying my luck sa mga public universities sa Manila, hopefully ay ma-admit ako. If hindi naman, Pwede naman muna akong mag-work para may maipangbayad sa tuition fee." sagot ko sa kaniya. “Hala, bakit? Akala ko mag-private university ka?" Rachel answered. Pakiramdam ko ay ipinamukha sa akin ng mundo ang hirap ng buhay dahil sa reaction niyang iyon. Hindi na ako sumagot, I'm afraid na bigla akong mag-breakdown dito sa harapan nila. Grabe pala, ang dami kong problema na hindi man lang ako naging aware noong una pa lang. Akala ko ay simpleng mga problema lang iyon pero grabe pala ang impact sa akin. Narinig ko ang mga plano nila habang nag-aaral, kung saan sila magkikita during their free time, kung saan sila kakain, kung anong mga gagawin nila everytime na magkikita sila. I suddenly feel being the outcast of the group. Habang sila ay may mga concrete plans sa buhay nila, ito namang ako ay nangangapa pa rin sa gusto kong mangyari sa buhay ko. I'm happy for them, for what's happening in their life. Probably today is their spotlight and mine will be tomorrow. Tumahimik ang mga kaibigan ko, lahat sila ay napatingin sa akin. As if nakalimutan nilang nag-eexist pala ako at kasama nila ako ngayon. Isang pilit na ngiti lang ang iginawad ko sa kanila. Tumayo ako at bumalik sa pwesto ko, I hear them calling my name. I ignored it. Ayokong magmukhang kawawa at ayokong manglimos ng atensyon nila. “Hey, you okay?" napatingin ako sa humatak sa braso ko, si Louis pala. For a second, I thought it was Kiel or Dominique. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “Yeah, okay na okay." nakangiting sagot ko sa kaniya. Nagulat ako ng hilain niya ako palayo sa mga seats namin. Lumabas kami at bumili ito ng tubig pagkatapos ay inabot sa akin. “Punasan mo 'yang luha mo, nagmumukhang ako 'yung nagpaiyak sayo." sagot nito sa akin. “Wala akong tissue or panyo." natatawang sagot ko sa kaniya, inabot naman niya sa akin ang handkerchief niya. “Sira ka, kapag iiyak make sure may dalang pamunas ha. Hindi laging may may-aabot sa'yo." seryosong sagot nito sa akin, tumango lang ako. If only I met you earlier baka pwedeng maging tayo. Baka naranasan ko 'yung mga bagay na gusto kong maranasan. But, Now is not the time to think about any relationships. Pinunasan ko na ang aking luha at pinakalma ang sarili. Wala akong mapapala sa pag-iyak ko rito. Hindi nila kasalanan ang meron sila at hindi nila kailanman magiging kasalanan na isang dahilan iyon para putulin ko ang ugnayan ko sa kanila. I just need some space away from them. Kailangan kong ayusin ang mentality ko dahil ito ang sisira sa akin. Ayokong dumating sa point na mag-away-away kami dahil sa dahilan na hindi naman sila ang may gawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD