MARAMI nang nainom si Yuan pero pakiramdam niya ay hindi siya nalalasing. Hindi niya makalimutan ang eksena sa conference room kanina. Nakita niya kung papaano nabigla si Faith nang makita siya. Napailing siya at mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang nagsasalin ng alak sa baso. Ito ba ang hininintay niyang paghihiganti? Dapat talaga ay hindi na siya nagpakita pa kay Faith lalo lang tuloy itong nasaktan. “I’m sorry, Faith. I’m so sorry…hindi ko sinasadya…hindi ko sinasadyang saktan ka,” usal niya sabay lagok ng natitirang alak sa baso. Gustuhin man niya itong makausap pero hindi niya nagawa dahil agad itong umalis. Alam niya ang posibleng iisipin nitong motibo niya sa kanyang pagpapakilala bilang successor ng Bernabe. Napailing siya. PUMASOK pa rin si Faith sa opisina. S

