ALAS-SAIS na ng gabi pero hindi pa rin dumarating si Attorney sa hospital. Mukhang wala naman talaga ibang magbabantay kay Yuan bukod sa kanya. Lumabas siya ng silid ni Yuan para tawagan ang attorney. “Attorney, wala ka pa bang nakuhang kapalit ng nurse?” tanong niya. “Pasensya kana, Faith, pero wala pa, eh. Puwede bang makiusap ulit?” Napabuntong-hininga siya tila alam na niya ang sasabihin nito. “Alam ko na ang sasabihin mo, Attorney, pakikiusapan mo akong bantayan si Yuan, ‘di ba?” aniya. “Oo, eh. Pasensya na sa abala, Faith, marami kasi akong ginagawa sa opisina, pero sana bukas makahanap na ako.” “Huwag na, Attorney, ako na lang ang magbabantay sa kanya, hanggang sa makalabas siya ng hospital.” ”Talaga? Thank you, Faith, hulog ka talaga ng langit. Kumusta na nga pala siya?” “

