CHAPTER 24

2238 Words

ANG akala niyang sandali lang na dinner nila ni Mrs. Santillan ay inabot halos ng apat na oras dahil sa pagdating ni Joshua. Hindi niya namalayan ang oras sa matagal nilang pag-uusap ng lalaki, mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit pa na ihatid siya. Sa kabilang banda ay nakaramdam pa rin siya ng awa sa lalaki dahil ramdam niyang hanggang sa ngayon ay siya pa rin ang mahal nito. Ayon kay Mrs. Santillan ay sobrang nalungkot ang lalaki noong nagkahiwalay sila. Pero hindi niya masabi ang katotohanang may nobyo na siya ngayon, hindi naman siguro niya kailangang sabihin pa na kahit noon pa man ay hindi niya minahal si Joshua. Kaya naman tila kay bilis niyang nakalimutan ang lalaki noong nakilala niya si Yuan sa isla. Kanina lang habang kumakain sila ay si Yuan ang nasa kanyang isipan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD