CHAPTER 38 NAKATINGIN lang si Yuan sa dalawa habang nag-uusap. Naisip niya, bakit kailangan pa niyang pumagitna kina Darah at Eliseo. Sila itong may problema pero bakit kasama pa siya sa pakikipag-areglo? Dapat siguro ay sa presinto niya dinala itong dalawa. Ang gusto lang naman niya matahimik na rin itong si Darah at para mapanatag siya bago niya ito bitiwan. “So, nangangako ka bang hindi mo na guguluhin si Darah?” tanong niya kay Eliseo. Tumingin ang lalaki kay Darah at tila napilitan na lang tumango. “Hindi naman talaga ako nanggugulo basta ang gusto ko lang umalis na siya sa unit ko within this week. Tapos na ang tatlong taong kontrata na pamamalagi niya.” anang Eliseo. “Don’t worry aalis na si Darah sa unit mo sa lalong madaling panahon, ‘di ba, Darah?” Napatingin siya sa gawi ng

