WALANG kaimik-imik si Yuan habang nagda-drive pauwi ng condominium, kasabay nito si Darah sa loob ng sasakyan. “Babe, ano ba’ng problema bakit bigla ka yatang natahimik? Dahil ba kay Faith?” Nilinga lang nito ni Darah. Nakita ng babae ang malalim na pagbuntong-hininga nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ng babae ang kanilang ginagawang pagkukunwari sa harapan ni Faith. Malinaw naman sa kanilang usapan na ganoon ang eksena at pumayag naman ito kapalit ng halagang ibinibigay sa kanya ni Yuan. Pero hindi nito inaasahan ang pag- propose ng lalaki kanina. “Babe, totoo ba ‘yong sinabi mo kanina? I mean hindi ka ba nagbibiro?” “Masakit ang ulo ko, puwedeng bukas ko na lang sagutin ang mga tanong mo, Darah,” anang lalaki na nakatuon lang ang atensiyon sa pagmamaneho. “Anong mahirap sa tanong

