CHAPTER 5

3131 Words
  ALAS-KWATRO lang ng umaga pero gising na si Faith. Alam niyang nakatulog siya pero mababaw lang iyon. Hindi niya maikakailang si Yuan ang iniisip niya. Dumagdag pa ang mga alalahanin niya. Kung anong mangyayari sa kanya kapag bumalik na siya ng Maynila?  Nagkahiwalay pa sila ni Joshua na tanging pag-asa at tanging makakapitan sana niya.      Bumangon na siya at tinungo ang banyo. Naghilamos muna siya at inayos ang sarili.  Napatingin siya sa closet may ilang damit na nakalagay, ilang piraso ng t-shirt at short.  Nagulat siya nang makita ang isang dosenang underwear, naka-box pa ito at ilang pirasong bra. Naisip niyang baka binilhan siya ni Aling Flora sa bayan.  Hindi pa siya nakapagpasalamat.   Kung siya ang tatanungin parang mas gusto na niyang manatili sa isla. Kung saan simple lang at tahimik ang pamumuhay. Kaya lang nakakahiya na palagi siyang nakikikain. Kailangan pa rin niyang magtrabaho.    Lumabas siya ng kuwarto at sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Abot tanaw lang sa terrace ang dalampasigan.  Umupo siya sa upuan na nakaharap sa dalampasigan at nilanghap ang sariwang hangin.  Madilim pa ang paligid pero nakikita niya ang paghampas ng mga alon mula sa ilaw ng pantalan.   May mangilan-ngilang mangingisda rin sakay ng maliliit na bangka siyang nakikita.  Gusto sana niya pumunta sa dalampasigan, kaya lang naalala niya ang nangyaring pagdukot sa kanya.  Hihintayin na lang niyang lumiwanag ang paligid ‘tska siya maglalakad-lakad sa baybayin.   May narinig siyang ingay sa baba sa bandang kusina. Marahil ay gising na si Aling Flora.  Bumaba siya ng hagdan at tinungo ang kusina. Naamoy niya ang mabangong kape, natakam tuloy siya.   Nakita niya si Aling Flora at Tiyo Cadyo na magkausap habang nagkakape. “Good morning! Aling Flora, Tiyo Cadyo!” bati niya. Napangiti naman ang dalawa sa kanya. “Ang aga mo naman yata gumising!” ani Aling Flora. “Oo nga naman, hija,” dugtong pa ni Tiyo Cadyo. “Kayo rin naman po napakaaga n’yong gumising. Hindi na po ako makatulog, eh,” sagot niya. Kumuha ng isang tasa si Aling Flora. “O, siya sige, umupo kana at ipagtitimpla muna kita ng kape?” anito. “Naku, Aling Flora, ako na po.” Lumapit siya at kinuha ang tasa at nagtimpla ng sariling kape. Wala siyang karapatang umasta na parang senyorita sa bahay ni Yuan, nakakahiya.   “Tiyo Cadyo, mangingisda po ba kayo ngayon?” baling niya habang humihigop ng kape. “Tapos na, hija, galing na kami sa laot. Kararating lang namin kasama ko ang ilang mangingisda. Madami nga kaming nahuli. Tiyak matutuwa si Sir ‘pag nakita ang mga iyon. Mahilig pa naman iyon mag-ihaw ng sariwang isda,” anitong humihigop ng mainit na kape.    Naisip niyang mabuti pa si Tiyo Cadyo at Aling Flora simple lang at tahimik lang ang buhay. Siguro kung buhay ang mga magulang niya malamang kasing edad din nila ang mga ito. “O, siya sige, maiwan ko muna kayo at ako’y iidlip lang napuyat ako ,eh,” ani Tiyo Cadyo nang matapos nitong mainom ang kape. “Sige po, Tiyo Cadyo, matulog po muna kayo,” aniya. Kinuha ni Aling Flora ang tasa na pinag-inuman ni Tiyo Cadyo at nilagay sa hugasin. “Aling Flora, kayo po ba ang bumili ng mga bagong underwear sa closet ko?” aniya.   “Ah, oo, sinabi kasi ni Sir bilhan daw kita ng mga gamit. Kaya nang pumunta ako ng bayan binilhan kita.” Parang hindi naman niya naalalang pumunta ng bayan si Aling Flora. Kadalasan ay si Yuan at Tiyo Cadyo ang umaalis. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mga pisngi.  “Po? Si Yuan ang nagpabili no’n?” ‘di makapaniwalang tanong niya. “Oo, alam na alam naman niya siguro ang sitwasyon, ‘di ba?” “Nakakahiya naman po,” sabi niya. Napangiti ang ginang, “Huwag ka na mahiya, gano’n naman talaga iyon si Sir Yuan.” “Thank you, Aling Flora.” “Huwag ka sa’kin magpasalamat kay Sir ka dapat magpasalamat,” anito. As usual palaging abala ang ginang sa paghahanda ng almusal. Nakakahiya nga at ayaw siya nitong bigyan ng trabaho baka raw pagalitan ito ni Yuan.   “Ano po ang lulutuin niyo ngayon, Aling Flora?” tanong niya nang makitang naghihiwa ito ng sibuyas at bawang. “Aba eh, magsasangag lang muna ako,” anito. “Ako na lang po, Aling Flora, wala naman po akong gagawin, eh,” presinta niya.   “Ay, naku, hija, ‘wag na. Maupo ka na lang d’yan at ako na ang bahala. Hindi rin kasi ako sanay ng walang ginagawa. Kung ako sa’yo maglakad-lakad ka sa paligid. Masarap ang simoy ng hangin, makakabuti iyon sa’yo.” Umupo na lang ang dalaga at pinagmasdan ang ginang.   “Hintayin ko na lang po na lumiwanag,” aniya habang inuubos ang tinimplang kape.   “Si Sir mayamaya lang ay gising na rin iyon,” anang ginang. Pero hindi pa ito nakakatapos magsalita ay may bumababa na sa hagdan. Napatingin si Faith kay Yuan.  Tila kinabog ang kanyang dibdib walang kasing pinipiling oras ang kaguwapuhan nito kahit bagong gising.   “Good morning! Gising kana pala. Tara, jogging tayo!” yaya nito sa kanya. “Ha? Saan?” tanong niya. “D’yan lang sa baybayin.” “Oo nga. Sige na sumama ka na. Tamang-tama mamaya pagbalik niyo, eh, mag-almusal na kayo,” ani Aling Flora. “Okay sige.” Tumayo na siya. Nagustuhan niya ang ideyang iyon ng lalaki. Kung alam lang nito na halos hindi na siya nakatutulog ng maayos. Parating mukha na lang nito ang nasa isipan niya.     Lumabas na sila ng bahay at tinungo ang dalampasigan. Niyakap niya ang kanyang sarili dahil napakalamig ng hangin. “Saan tayo?” tumingin-tingin siya sa paligid. “D’yan sa gilid, sa pinong buhangin. Masarap kaya d’yan tumakbo,” anang lalaki. Nagwa-warm up muna ito. “Ah, okay,” napatango lang siya. Ngayon lang niya makakasama ang lalaki sa pag-jogging, madalas kasi ay pinagmamasdan lamang niya ito mula sa veranda.   “Takbo na!” sabi ng lalaki na nag-umpisa nang tumakbo sa pinong buhangin.  Pinagmasdan muna niya ang lalaki. Nakita niyang iniwan nito ang tsinelas sa may buhangin. Kaya iniwan na lang din niya ang kanyang tsinelas sa tabi ng mga ito.    Mabagal lang ang takbo ng lalaki halatang hinihintay siya nito. Nang maabutan niya ay nakaramdam agad siya ng pagod napatigil siya. “Pagod kana agad?” tanong ng lalaki. Napayuko siya at napahawak sa kanyang dalawang tuhod saka muling tumayo ng diretso. “Oo, eh, nakakapagod,” aniyang hinihingal pa rin. “Umpisa pa lang pagod kana agad? Hindi pa nga ako pinagpapawisan,” sabi nito. “Ayoko nang tumakbo. Kung gusto mo ikaw na lang maglalakad na lang ako,” aniyang kinakalma ang sarili sa paghinga. “Ganyan ‘yong mga taong hindi mahilig mag-exercise, madaling mapagod. Siguro puro tulog lang ginagawa mo sa bahay n’yo ano?” anang lalaki. “Anong puro tulog? Hindi nga ako makatulog. Kita mo nga’t nauna pa akong nagising sayo,” sabi niya.    Naglalakad na sila sa dalampasigan habang hinahampas ng banayad na alon ang kanilang mga paa. “Really, hindi ka makatulog? Bakit naman?” biglang naging curious ang lalaki nang tumingin sa kanya. “Wala lang. Ewan ko, mababaw lagi ang tulog ko, eh,” sagot niya habang nakatingin sa mga alon. “Huwag mo na kasing isipin. Tapos na ang mga ‘yon?” anang lalaki.  Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng lalaki. “Ang alin ba?” “E, ‘di ‘yong mga nangyari sa sa’yo, sa buhay mo. Hayaan mo na lang, move on.” Kumunot ang noo niya at tumingin sa mukha ng lalaki. “Madaling sabihin ‘yan, palibhasa hindi ikaw ang nasa kalagayan ko,” aniya. “Alam mo, Faith, lahat ng pinagdaanan mo base sa mga naikuwento mo sa’kin ay halos napagdaanan ko na rin, mas malala pa,” anitong naging seryoso ang mukha.  Napakunot ng noo si Faith at tumigil sa paglalakad.   “Kagaya ng ano?” na-curious siya.  Naalala tuloy niya noong huling tinanong niya ang lalaki tungkol sa pamilya nito ay hindi ito nakaimik at iniwan na lang siya.  Posible kaya iyon ang dahilan?   “Pahinga muna ako. Ikaw magjo-jogging ka pa ba? Ikaw na lang.” Tinungo niya ang tuyong buhangin at doon umupo. “Hindi na. Magkasama tayo dapat. Kapag ayaw mo mag-jogging ayaw ko na rin,” anang lalaki.   Ang OA naman ng isang ‘to sa isip-isip niya. Hindi naman niya bitbit ang mga paa nito. “Ikaw ang bahala,” tanging sagot niya.  Umupo sa tabi niya si Yuan at tiningnan siya sa mukha. Maliwanag na ang paligid kung kaya’t nakikita na niya nang malinaw ang mukha nito. Medyo na-conscious siya kaya lumihis siya ng tingin. Bigla kasing nakaramdam siya ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso nang makasalubong niya ang tingin ng lalaki.   Naalala niya kasi nang ninakawan siya nito ng halik.  Pakiramdam niya ay namumula siya. Nahahalata kaya ng lalaki na naiilang siya sa rito? Wala siyang masabi kaya inungkat niya ang huling napag-usapan. “Paano mo naman nasabing napagdaanan mo na ang mga napagdaanan ko? Nawalan ka rin ba ng magulang? Nawalan ka rin ba ng girlfriend? At…” hindi na niya maituloy. Dapat ba niyang sabihin sa lalaki ang kanyang sitwasyon? Tahimik lang si Yuan. Saglit itong nag-isip. Hindi alam ni Faith kung sasagot pa ba ito sa tanong niya o hindi na. “Never mind. Okay lang kung ayaw mong sagutin,” dugtong niya.   “My mom died dahil sa depression, while my dad lived happily with his other family. And then, kung kailan handa na akong harapin siya ‘tsaka naman siya namatay. I didn’t even ask him why he did that to us. It’s so unfair isn’t it? Mapait ang mga ngiting gumuhit sa mukha ng lalaki. Ramdam niya ang lungkot ni Yuan. Pareho pala sila wala ng mga magulang.   “And about girlfriend, mas lamang siguro ako sa’yo kasi hindi ako nagpapauto sa mga babae. They’re just like that, almost the same pag nakakakita ng guwapo akala mo mauubusan ng lalaki. I don’t like that kind of women,” dugtong pa nito.   “Grabe ka naman, hindi naman lahat ng guwapo ay kaakit- akit. Minsan nga nakaka-discourage pa kasi ginagamit nila ang kaguwapuhan nila para makapang-akit ng babae. Ayoko rin ng gano’ng klaseng lalaki.”   Medyo natamaan kasi siya sa sinabi ng lalaki. Although hindi naman siya nang-aakit pero ganoon pala ang tingin nito sa mga babae. So ibig sabihin pala ay sinusubukan din siya nito.   Baka hinihintay lang nito na bumigay siya. Kaya siguro ninakawan siya ng halik nito. Napasinghap siya.  Hindi nga kaya he is trying to seduce her? Siguro iniisip din nitong nauto siya ni Joshua kaya siya broken hearted  ngayon. Umusbong ang inis niya.   Napangiti si Yuan habang nakatingin sa kanya. Nagsuklay ito ng mga daliri sa buhok.  “Is that so? Am I not attractive to you, kahit kaunti?” para itong nanunudyo pa. “Of course not. Ikaw, ha, akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mong paghalik sa akin. Akala mo siguro madadaan mo ako sa mga paganyan-ganyan mo ano? P’wes nagkakamali ka.”   Napahalakhak ang lalaki sa sinabi niya lalo na nang makita siyang naiinis. “So you mean lagi mong naaalala ‘yon? Is that why you are mad at me? Just because of that simple kiss, huh?” tumaas pa ang kilay nito habang nakangiti sa kanya. Tila namula siya.  Nagsisisi tuloy siya na inungkat pa niya iyon. “Hindi lang iyon!” ang tanging nasabi niya. “Ano pa?” tanong nitong naniningkit ang matang nakangiti sa kanya. “Basta” napahalukipkip siya. “So, kung ayaw mo pala no’n, p’wede mo namang ibalik sa akin,” anito. “Ibalik ang alin?” “’Yong binigay kong kiss, ibalik mo na lang kung ayaw mo.” Napahagikhik ito. Nanlaki ang mga mata ni Faith at binatukan niya ang lalaki.  Naniningkit na ang mga mata nito sa katatawa. “Bastos ka talaga!” Biglang nagseryoso ang mukha ang lalaki, na offend yata sa sinabi niya. “Sorry..” bawi ng lalaki. “Sorry ka d’yan,” usal niya. “Pero hindi ako nagso-sorry dahil sa kiss. Sorry dahil iba pala ang naging dating nun sa’yo,” seryosong sabi nito. “S’yempre, hindi naman tayo magkaano-ano tapos bigla ka na lang manghahalik, gano’n ka ba talaga ka-liberated?” pagtataray niya.   “Uy, grabe ka naman, para yun lang, para namang napakalaki na ng kasalanan ko,” anitong tila nagpapaawa.   “Oo naman. Alam mo bang may kaso iyon? Ano ngang kaso ‘yon? hmm....” saglit siyang nag-isip, nakatingala sa mga ulap. “s****l harassment!” Biglang napatingin sa kanya ang lalaki na tila hindi mawari ang reaksyon. “Seriously? Dahil lang sa simple kiss? Kakasuhan mo ako ng s****l harassment? Pambihira.”   “Oo. Bakit hindi?” pagtataray niya.  Hindi niya alam kung bakit napunta sa ganoon ang usapan. Ayaw lang niya kasi aminin sa sarili na kinilig siya sa simple kiss na iyon. “Okay, my fault, sorry,” matamlay nitong sabi.   Hindi na nakaimik si Faith. Wala siyang maisip na sabihin kaya tumayo siya at lumusong sa tubig. Ayon kasi sa mga nalaman niya maganda raw ang tubig dagat sa umaga. Pampalakas daw iyon ng resistensya kaya maliligo na lang siya.  Hindi niya pinansin ang nakatunghay sa kanyang si Yuan. Nakaupo pa rin ito sa buhangin habang nakahalukipkip.  May naramdaman siyang guilt napasobra yata ang pagsusungit niya.     Lumusong siya hanggang beywang at inilublob ang sarili. Saglit niyang inilubog ang kanyang ulo para mabasa na rin.  Napangiwi siya nang may naramdaman siyang hapdi sa kanyang talampakan. May naapakan siyang matulis na bagay. Kinabahan siya. Kaya dali-dali siyang pumunta sa gilid at umupo upang tingnan ang kanyang talampakan.    Natakot siya nang makita niyang umaagos ang dugo sa kanyang talampakan. Agad niyang tiningnan ito. Malaki at mukhang malalim ang sugat nito. Ngayon mas naramdaman niya ang hapdi nito. Lalo pa’t nahuhugasan ito ng tubig dagat. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo nito.  Napatingin siya kay Yuan na noon ay tila naalarma nang makita siya. Siguro ay napansin nitong namumutla na siya.  Agad na lumapit ang lalaki. “What happened?” “Natinik ako!” Tinatakpan niya ang kanyang talampakan gamit ang kanyang palad. “What?! Patingin nga!” sabi nito at dali-dali itong yumuko at napaupo sa buhangin para tingnan ang paa niya.  Tinanggal nito ang kamay niyang nakatakip sa talampakan. “Oh, my! anlaki ng sugat!” usal nito. Hindi na siya makaimik dahil takot siya sa dugo.  Tumingin ito sa kanyang mukha nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. “It’s alright. Huwag kang matakot gagamutin natin ‘yan. Tara balik na tayo sa bahay,” anang lalaki. Tumango lang siya. “Kaya mo bang maglakad?” Inalalayan siya nitong tumayo napahawak siya sa mga bisig nito. Sinubukan niyang maglakad pero lalong umaagos ang dugo nito. “Huwag ka nang maglakad,” pigil nito. “Ha? Pero Paano?” “Bubuhatin na lang kita.” “Ha?” Lalo siyang nagulat nang walang kahirap-hirap na pinangko siya nito. Napahawak na lang siya sa likurang balikat ng lalaki. “O ‘di ba, ang sweet natin?” pagbibiro nito. “Ibaba mo na nga lang ako,” inis na sabi niya. “Joke lang. Ikaw naman, sige ka babaha ng dugo kapag naglakad ka.” Nakuha pa nitong magbiro samantalang takot na takot na nga siya.    Naiinis talaga siya sa lalaki. Wala lang siyang choice kaya pumayag siya.  Nararamdaman niya ang init ng magkadikit nilang katawan habang buhat-buhat siya nito. Kasabay ng hapdi ng kanyang talampakan.   Inilapag siya nito sa may gazebo. “Dito ka lang, kukunin ko ang first aid kit,” anitong iniwan siyang nakaupo.  Takot na takot na siya habang nakasunod lang ng tingin sa umalis na lalaki.   “Tamang-tama, Sir, mag-almusal na po kayo?” ani Aling Flora na nakasalubong nito sa kusina. Pero tila hindi nito narinig ang sinabi ng ginang. “Aling Flora, nasaan ba ang first aid kit natin? Hindi ko makita,” anitong nagmamadali na parang natataranta.   “Eh, bakit, Sir? Ano pong nangyari?” usisa nito. “Si Faith, may sugat,”  tugon nito. “Ha? May sugat?! Ano’ng nangyari?!” “Pakihanap na lang po muna ng first aid kit.” “Okay, Sir, sandali lang kukunin ko nasa kuwarto niya iyon, eh.”    Mabilis na umakyat si Aling Flora sa second floor at kinuha ang first aid kit. Nang makuha nito ay patakbo pa itong bumaba ng hagdan. “Aling Flora, dahan-dahan po baka kayo naman ang madisgrasya,” anitong nakatingin at naghihintay.  Humahangos na inabot nito sa binata ang kit. “Eto na, Sir.” Agad na kinuha ni Yuan at nagmadaling bumalik sa kinaroroonan ni Faith.     PINANOOD ni Faith habang hinuhugasan ni Yuan ang kanyang sugat ‘tska nilagyan ito ng betadine. “Aww!” napangiwi siya kirot. “Oh, sorry! Sandali na lang ‘to,” anitong maingat na nilagyan ng benda ang kanyang paa.  Nang matapos ay napatingin ito sa kanyang mukha. “Tapos na. Are you okay?” nakangiti na ito sa kanya na tila ba kinakalma ang kanyang niyerbus kanina lang. “Thank you, ha.” Lalo yata siyang nagkakagusto sa lalaki sa ginagawa nitong pag-aalaga sa kanya. Nahiya siya sa mga pagsusungit niyang ginawa kanina. “Dapat pala nagbanlaw ka muna bago natin nilagyan ng benda ang sugat mo,” Sabi nito nang mapansin na basang- basa siya.  Nakita niyang nabasa rin pala ang damit ng lalaki dahil sa pagbubuhat sa kanya. “Pasensya na, pati ikaw nabasa rin pala.” “Okay lang,” sagot nito. “Ako na bahala sa sugat ko. Sige maiwan na kita.” “Kaya mo na ba? Ihahatid na kita sa shower,” anito nang makita siyang hirap maglakad. “Ah, hindi na, kaya ko na,” tanggi niya. Baka pati sa pagligo niya ay sumama pa ito. “You sure?” pag-uulit nito. “Oo, kaya ko na. Huwag mo na akong buhatin. Hindi naman siguro dudugo ang sugat dahil may benda na. “Aling Flora!” Tawag ni Yuan sa ginang.  Agad namang lumapit ang ginang. “Bakit po, Sir?” “Pakitulungan naman si Faith sa shower baka kasi madulas pa ‘yan sa banyo,” anito.     “Bakit nasugatan ka?” alalang tanong ng ginang. “Natinik lang po. Pero okay na po ako,” aniyang kinakalma ang sarili. “Saan ka natinik?” tanong ng ginang habang hawak-hawak siya sa isang kamay. “Doon po sa dagat nang lumusong ako,” sagot niya. “O siya mag-iingat ka sa susunod, ha. Naku, bata ka, kung anu-anong nangyayari sa’yo.” Inalalayan siya ni Aling Flora papuntang banyo para makapagbanlaw.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD