SA wakas ay nakauwi na rin si Faith sa kanyang apartment. Pagod na ibinagsak niya ang kanyang katawan sa sofa. Saglit na nag-isip, tila nakahinga na siya ngayon ng maluwag dahil magaling na si Yuan. Sa halos dalawang linggo na pag-aalaga niya rito at pamamalagi sa penthouse ng lalaki ay tila nasanay na siyang nakikita niya ito araw-araw. Kahit papaano’y may nakakausap siya, may nagpapatawa at may nang-iinis sa kanya. Hindi na nito muling binanggit pa ang tungkol sa nararamdaman mula noong gabing huling nagtapat ito sa kanya. Naguguluhan talaga siya at hindi niya maintindihan ang sarili. Nagpapakipot ba siya? O talagang natatakot lang siya magmahal sa katulad ni Yuan. Hindi bale na, ang mahalaga ay nagkaayos na sila. Wala mang linaw kung ano ang meron sa kanila. Basta ang alam niyang espe

