NAGISING si Faith dahil pakiramdam niya ay kumakalam na ang kanyang sikmura. Tumingin siya sa glass wall umaga na pala at mataas na ang araw. Agad niyang tiningnan ang kanyang relo mag-aalas-nuwebe na pala, hindi man lang siya nagising. Nakatulog pala siya sa sofa. Hindi na siya ginising ni Yuan para lumipat ng kuwarto. Napatingin siya sa kumot na nakabalot sa kanya. Naiba na rin ang kanyang unan. Malamang ay si Yuan ang naglagay nito sa kanya. Bakit hindi man lang niya namalayan kagabi? Agad siyang bumangon at hinagilap ng mga mata ang lalaki. Hindi niya ito makita malamang ay nasa kuwarto pa ito. Pumunta siya sa muna siya kuwarto para ayusin ang sarili pagkatapos ay muli siyang lumabas. Wala pa rin si Yuan, kaya kumatok siya sa kuwarto nito. Nang walang sumagot ay marahan niya itong b

