CHAPTER 35

2237 Words

“Yes, Mr. Santillan, nandito na ako sa site,” ibinaba na niya ang tawag nang maiparada niya ang sasakyan. Lumabas siya ng sasakyan at tiningnan ang kabuuan ng mall na ginagawa. Kung titingnan sa labas ay maayos na ito. Tuloy na tuloy na talaga ang nalalapit nitong pagbukas sa publiko. Napangiti siya at nagmadaling pumasok sa opisina. “Good morning, Sir! Nandito na po sina Mr. Aragon, kayo na lang po ang hinihintay.” Sinalubong siya ni Engr. Blake Masila na siyang Project Manager sa site. Kinamayan niya ito at ngumiti ng bahagya. “Si Joshua? Nandito rin ba?” tanong niya. “Yes, Sir, magkasama po silang mag-ama,” tugon nito. Tumango siya at dumeretso sa loob ng opisina. Nadatnan niyang nag-uusap usap sina Mr. Aragon, Mr. Santillan at ang anak nitong si Joshua kasama ng iba pang mga engine

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD