Araw ng Linggo.
Isang mamahaling sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay ng magpinsang sina Marie at Kris.
Nasa kusina noon ang dalawa. Abala si Marie sa paghihiwa ng mga gulay, habang nagpiprito naman ng isda si Kris.
Saglit na napatigil si Marie nang marinig na tumunog ang doorbell.
"Insan, may bisita yata," wika ni Kris.
Nagpunas ng kamay si Marie gamit ang maliit na tuwalya bago lumabas ng bahay at tumungo sa gate.
Pagbukas niya ng gate napatigil siya at nabigla nang makita ang bumungad doon.
"Ikaw?! Ano ang ginagawa mo dito at anong masamang hangin ang nagdala sayo at naligaw ka sa bahay namin?" Inis na tanong ni Marie nang makita ang lalaki. Tandang-tanda pa niya ang nangyari, kahapon lang nang muntik na siya nitong masagasaan.
Tulad niya, nagulat at napatigil rin ang lalaki. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya.
"Dito ka pala nakatira?" Tanong nito na mukhang nag alangan nang makita siya.
"Oo, dito ako nakatira...at bakit? Ano ang kailangan mo?" Sagot niyang pabalang sa lalaki. Ewan ba niya pero naiinis siya rito. Lalo na kung maalala niya ang nangyari kahapon.
" Ikaw ba si Kris?" Alanganin na tanong nito.
"Hindi, pinsan ko." Aniyang napataas pa ng isang kilay.
"Pinsan mo si Kris Marie Fernandez?"
"Oo" sagot niya, at parang biglang nagbago ang aura ng mukha nito nang marinig ang sinabi niya.
"Kung ang pinsan ko ang hinahanap mo, tatawagin ko siya para siya mismo ang kumausap sayo." Wika niyang hindi man lang ito pinapasok, sinadya niya iyon. Tumalikod siya at dumiretso sa kusina, saka tinawag ang pinsan.
"Insan? May naghahanap sayo" wika niya sa pinsan nang makalapit rito.
"Andon pa sa labas, hindi ko muna pinapasok? Ikaw na ang kumausap sa kanya," patuloy pa niya.
"Bakit?" naguguluhang tanong ni Kris.
"Basta."
Iyon lang ang isinagot ni Marie.
Napakamot na lamang ng ulo si Kris bago lumabas upang salubungin ang bisita.
"Magandang hapon," magalang na bati ng lalaki.
"Magandang hapon din. Ano ang maitutulong ko?" tugon ni Kris.
Sandaling natigilan ang lalaki nang makita ang dalaga. Napansin nito na magkamukha ang supladang babae at ang sinabi nitong pinsang si Kris na hinahanap niya.
"May hinahanap sana akong Kris Marie Fernandez." Sabi ng lalaki. "Ikaw ba si Kris?"
Napangiti si Kris.
"Ako nga si Kris." Nakangiting sagot niya.
Napangiti rin ang lalaki. Sa isip nito, buti na lang hindi iyong supladang babae ang nakaharap niya kanina. At naisip niya rin, na mukhang mabait ang Kris na hinahanap niya. Kung sabagay talagang mabait naman ang kaibigang kababata niya nang maliit palang sila.
"Ako nga pala si Louie David Villareal." Pagkaraan ay pakilala nitong nanatiling nakapaskil ang ngiti sa mgsa labi. Na siyang lalong nahalata ni Kris ang gwapong mukha ng lalaki. Ewan ba niya, pero feeling niya agad siyang na-star struck sa hitsura nito. At sa pag ngiti nito naramdaman niya ang biglang pagbilis ng t***k ng puso niya. First time ysta yon nsngyari sa kanya.
"David?" ulit ni Kris. Nasambit niya. Familiar sa kanya ang Louie Villareal, pero sinadya niyang tawagin itong "David."
"Mas okay kung David na lang ang itawag mo sa akin."
Hindi na ipinaalam ni Louie ang tunay niyang dahilan ng pagpunta roon.
Hindi rin niya binanggit ang kuwintas.
Hindi niya sinabi ang pangakong iniwan niya maraming taon na ang nakalipas.
Pinili muna niyang sarilinin ang lahat.
Marahil ay nagbago na ang kababata ko, naisip niya. Marahil... hindi na niya ako maaalala.
"Matagal ka na bang nakauwi ng Pilipinas?"
"Ilang araw pa lang," sagot ni Louie. Sa likod ng isipan ni David, talagang kababata nga niya ang kaharap niya nang sandaling iyon, dahil parang may idea na ito tungkol sa kanya.
Pinatuloy siya ni Kris sa sala at agad siyang inalok ng malamig na juice.
Mula sa kusina ay tanaw ni Marie ang dalawa.
Hindi niya magawang lumapit.
"Ang kapal talaga ng mukha," inis niyang bulong.
Samantala, masayang nakikipagkuwentuhan si Kris kay David. Maya-maya ay nagpaalam din ang lalaki kay Kris.
"Salamat sa oras mo," nakangiting sabi ni Kris.
"Walang anuman."
Inihatid siya ni Kris hanggang sa gate.
Habang papasok si Louie sa sasakyan, hindi niya napansing nakatanaw si Marie mula sa bintana.
Tahimik lamang itong nakamasid hanggang sa tuluyang makaalis ang sasakyan.
Nang makabalik si Kris sa loob ng bahay ay agad niyang hinanap ang pinsan.
"Marie!"
"Marie, alam mo ba? Ang guwapo ng bisita natin."
"Wala akong pakialam."
"Naku, suplada."
"Hindi siya nakakatuwa."
"Bakit?" pagtatakang tanong ni Kris.
"Mayabang at parang hindi maganda ang ugali."
"Tingin ko mabait naman siya. Bakit mo nasabi 'yan?"
"Basta. Ikaw na ang bahala."
Humarap muli si Marie sa ginagawa.
"Sandali... tatapusin ko lang ito."
Napanguso si Kris.
"Ewan ko sa'yo."
Hindi na nagsalita pa si Marie.
Kinagabihan...
Nanaginip si Marie.
Sa kanyang panaginip ay muli siyang bumalik sa nakaraan.
Labindalawang taong gulang pa lamang siya noon.
Naroon siya sa pamilyar na lugar na minsang naging saksi sa napakarami nilang masasayang alaala ng kanyang kababatang si Louie.
Sa ilalim ng malaking punong akasya na nakatayo sa gilid ng dagat.
Marahang humahampas ang mga alon habang kumikislap ang tubig sa sinag ng papalubog na araw.
Parang totoo ang lahat.
Parang muli niyang nararanasan ang nakaraan.
Nakaupo siya sa damuhan.
Katabi niya si Louie.
May hawak itong dalawang magagandang kabibe.
"Tingnan mo."
Masaya nitong iniabot ang isa sa kanya.
"Mas maganda yata ang nakuha mo."
Tinanggap iyon ni Marie at sinipat ng mabuti.
Itinaas ni Marie ang hawak niyang kabibe at itinabi iyon sa hawak ng batang lalaki.
"Parang pareho lang naman na naganda."
Saglit na tinitigan ni Louie ang dalawang kabibe bago siya napahalakhak.
"Oo nga."
Ipinatong niya ang dalawang kabibe sa magkadikit nilang palad.
Magkatabi ang mga iyon, katulad nilang dalawa.
"Kapag lumaki tayo, dito pa rin tayo babalik," sabi ni Louie.
Masiglang tumango si Marie.
"Oo naman." Sang-ayon niya.
"Hindi tayo magsasawang pumunta rito."
"Magdadala rin tayo ng pagkain." Sabi niya.
"At mamumulot ulit ng mga kabibe," dagdag pa ni Louie. "Tapos magpapalipad tayo ng saranggola."
"At maglalakad sa tabing-dagat." Aniya.
Sabay silang napangiti.
Sa murang isip nila, napakasimple lamang ng kaligayahan.
Wala silang iniisip na paghihiwalay.
Wala silang iniisip na pagbabago.
Para sa kanila, mananatiling ganoon ang lahat.
Biglang nagsalita si Louie.
"Kapag may problema ka, sasamahan kita."
Napatingin si Marie sa kanya.
"Ikaw rin. Sasamahan din kita."
Nagningning ang mga mata ng batang lalaki.
"Kapag may nang-away sa'yo, ako ang bahala."
Napatawa si Marie.
"Eh kung mas malaki sa'yo?"
"Magpapalaki ako."
Lalo siyang natawa.
"Ang yabang mo naman."
"Syempre. Kailangan kitang protektahan dahil ako ang super hero mo." Pahayag nito. Na may mga ngiti sa labi.
Naramdaman ni Marie ang kakaibang saya sa kanyang puso.
Hindi niya iyon maipaliwanag.
Ang alam lang niya, masaya siyang kasama si Louie.
"Kapag umiyak ako..." mahina niyang sabi. "Papasayahin mo ako, ha?"
Agad siyang nilingon ni Louie. Walang pag-aalinlangang tumango ito.
"Promise?" Wika niya.
Nagkatinginan silang dalawa. Pagkaraan ay inilapit ni Louie ang kanyang hintuturo.
"Pinky promise."
Ngumiti si Marie at ginaya siya.
"Pinky promise."
Nagkabit ang kanilang mga daliri.
Sabay silang napangiti.
Muli nilang pinagmasdan ang papalubog na araw.
Ilang sandali pa'y inilabas ni Louie ang isang kuwintas.
May nakasabit doon na kalahating puso.
Kumikinang iyon sa sinag ng araw.
Lumapit siya kay Marie at marahang isinuot ang kuwintas sa leeg nito.
"Huwag mo itong aalisin, ha?"
Agad hinawakan ni Marie ang kuwintas.
"Hindi ko ito aalisin." Sagot niya.
"Kahit gaano kataga, ingatan mo to." Sabi ulit ni Louie. Tumango siya.
"Babalik ako," seryosong sabi ni Louie. "Babalikan kita at hahanapin."
Napatitig si Marie sa kanyang matalik na kaibigan.
"Hihintayin kita... kahit gaano katagal."
"Kapag nagkita ulit tayo-"
"Ipapakita ko ito," agad na sagot ni Marie kahit hindi pa natapos ni Louie ang sasabihin. "Para makilala makilala mo ako at maalala."
Punong-puno ng mga pangarap ang kanilang mga mata. Mga pangarap na inosente.At mga pangarap na naniniwalang walang makapaghihiwalay sa kanila.
Unti-unting naglaho ang tanawin. Naglaho ang punong akasya.
Naglaho ang dagat.
At naglaho rin ang batang si Louie.
Kasabay niyon ang pagmulat ng mga mata ni Marie.
Napaupo siya sa kama habang mabilis ang kanyang paghinga.
Nanatili sa kanyang isipan ang bawat salitang binitiwan ni Louie.
Agad niyang hinawakan ang kuwintas na nakasuot pa rin sa kanyang leeg.a
"Louie..." mahina niyang sambit.
Isang mapait ngunit puno ng pananabik na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangako natin sa isa't isa."
-----
Please follow and comment.