Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang asawa ko na ngayon ang dating hinahangaan ako. Ewan ko kung anong klaseng pagkain o inumin ang ipinakain niya sa akin. O baka nagdasal siya kay Buddha para lang magustuhan ko siya dahil pagkagising ko isang umaga gusto ko na siya. Habang hinihele ko si Mia sa aking mga bisig ay hindi ko mapigilang alalahanin ang mga pangyayari bago pa kami naging magkasintahan at ngayon ay mag-asawa na. "Tita, nandiyan po ba si Maverick?" Nakangiting tanong ko kay Tita Betty. Palinga-linga ako sa garden niya habang naghihintay ng isasagot ni tita. "Naku wala siya Allysa nayayang mag-basketball nina Kurt, at Colin kani-kanina lang." Nakangiting paliwanag ni tita sa akin. "Ganoon po ba tita? Sige po mamaya na la–" Naputol ang sasabihin ko ng bigla

