Prologue
"I'm telling you, this is serious and not some f*cking prank! Do you think a woman my age looks like a prankster? Mukha ba akong manloloko?" Nagpupuyos kong saad, dala ng inis sa mga taong nasa harap ko.
Eskandalosa? Ako? Hindi.
"Ma'am, hindi naman po sa ganoon. Ang kaso lang ay kulang nga kayo sa ebidensya at kanina pa namin pinapaulit-ulit—"
"Sinong gago sa tingin mo ang maglalakas loob pang kumuha ng ebidensya sa ganitong sitwasyon? I can't even sleep normally knowing that there is someone out there, stalking me on a daily basis! Hindi niyo ba maintindihan yun?!"
But in a terrifying situation like this and no one would even like to help me? Sige, ako nang eskandalosa.
"Ano, saka lang kayo aaksyon pag may nangyari nang masama sa akin? Pag nakita niyo na akong palutang-lutang sa ilalim ng tulay?" Dugtong ko.
"Maam, pasensya na talaga kayo pero wala kaming panahon sa stalking case ninyo. Kita niyo ba ‘yang listahan ng most wanted sa gilid, ma'am?" Pagod na sagot sa akin ng isang pulis sabay turo sa pader, na siyang ikinapanlumo ko.
"Pero—"
"Ma'am, pasensya na talaga. Pero mukha naman kayong mayaman ah? Bakit hindi nalang muna kayo kumuha ng bodyguard pansamantala— M-MA'AM!" Hindi na naituloy ng pulis ang sasabihin niya nang dire-diretso na lamang akong naglakad palabas ng police station.
Kalmahan mo lang, Ria. Baka imbes na ikaw ang magpakulong eh ikaw pa ang makulong.
Pinaghirapan kong pakalmahin ang sarili ko, ngunit nasayang lamang ito nang makapasok na ako sa loob ng kotse ko.
Kung tinamaan ka nga naman ng lintik.
“Hah. Tangina.” Napamura na lamang ako nang hindi magsimula ang kotse ko. Dapat ay nagtiwala na ako sa instincts ko kaninang umaga pa lang na may mali sa kotse ko at dapat ay 'di ko na dinala. Pero wala na akong ibang choice kung ‘di ay magcommute dahil gabi na rin at maya-maya lamang ay maaaring delikado na.
Ngunit hindi pa pala doon nagtatapos ang kalbaryo ko sa araw na ‘to. Pagkatapos kong ipahila ang kotse ko para madala sa paayusan ay naghintay pa ako ng halos isang oras sa pag-aantay lamang ng taxi na masasakyan. Mukhang may aksidente pa atang nangyari sa may unahan kaya napakatraffic, kaya’t nang makarating ako sa kanto papunta sa apartment ko ay madilim na at halos wala nang tao sa paligid.
Mali. May tao pala.
“Oh, Ria, napatawag ka?”
“Ena. You know my apartment’s passcode, right?” Kabado kong tanong sa kausap ko.
“H-ha? Oo naman, bakit?”
“Good. My important documents are located in—”
“Teka, teka! Ano ba, bat mo sinasabi sakin yan? Mamamatay ka na? May kaso ka? Sabi na nga ba kriminal ka eh—”
Napairap na lamang ako kahit na nasa kalagitnaan ako ng sitwasyon ko ngayon. “Wala ka talagang kwenta kausap, hayop. Pag ako namatay, ikaw pinakauna ko na mumultuhin, Yelena.”
“Ito naman, ‘di mabiro. Ano ba nangyayari?” Sa wakas ay nag-seryoso na siya nang marinig kung gaano na kaseryoso ang boses ko. Ngunit bago pa ako makapag-patuloy ay nag-desisyon na akong ibaba ang tawag.
“Hah. You know what? Let’s talk about this personally tomorrow. I have to go now.”
“Talk? About what? Ria! Hoy—” Hindi ko na narinig lahat ng sinabi niya at agad na tinapos ang tawag, bago ako dumiretso sa camera app ng cellphone ko. Pasimple kong inilagay ito sa front cam, at doon na tuluyang kumawala ang kaba at takot sa akin.
From my front camera, I could clearly see a man behind me. Wearing a hoodie with his head facing the ground, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, but it was obvious that he was following me.
Mamamatay na ata ako nang hindi man lang nakalipat ng bagong kumpanya. Hay, buhay.
Ngunit, dala na rin siguro ng adrenaline rush ay biglang may pumasok na ideya sa utak ko. Habang patuloy akong naglalakad at nakabantay pa rin sa lalake, a debate was happening between my brain and my dignity. Do it, lose dignity, or get killed?
Well, sayang naman ang buhay ko kung sa ganitong paraan lang din naman ako mamamatay, 'di ba?
“Ay, ano ba ‘to! Ang bigat bigat tuloy ng bag ko dahil sa ‘baril’ na ‘to!”
Silence.
“Hala, pati pala 'yong ‘kutsilyo’, nadala ko! Jusko, may bakas pa ng dugo!”
Hindi ko alam kung magiginhawaan ako dahil mukhang gumagana ang ginagawa ko, o matatawa sa lalakeng kanina pa sumusunod sa akin. Lumingon ako nang kaunti patungo sa direksyon ng lalake hanggang sa nakikita ko na siya sa peripherals ko. He was practically frozen in place, at kahit na medyo madilim ay naaaninag kong nakatingin siya nang diretso sa akin at nanlalaki ang mga mata sa narinig. Time for tactic number two.
Dali-dali kong itinapat ang cellphone ko sa tenga ko bago inactivate ang acting skills ko na nahasa na kaka-roleplay namin noong nag-aaral pa lamang ako. “Yes, hello? Ena? Napatawag ka ulit?”
“Ha?! Anong nakita na ng mga pulis yung katawan? Sigurado akong naibaon ko yun nang mabuti after I cut off his hair and nails!” Gulat na saad ko habang patuloy na nag-aacting na tila na-stress ako sa sinabi ni Yelena sa kabilang linya kahit wala naman talaga akong kausap.
“M-murder weapon? Yelena, I literally have the gun and the knife I used to kill him, right here in my bag. May bakas pa nga ng dugo niya eh! So how did the police even manage to say na nakita na nila ang murder weapon?” Pagtingin ko sa peripherals ko ay nakatakip na ang kamay ng lalake sa bibig niya, probably stopping himself to make a noise or just genuinely shocked. I mean, who wouldn’t be?
And I am not a psychic, but I can literally sense his fear. Was this man really the stalker who has been bugging me and bringing nightmares into my sleep for the past two months?
Should I stop this and just walk home normall— stop it, Aria. He deserves this! Dalawang buwan ka nang puyat dahil sa lalakeng ‘yan and this is your chance to get back at him!
At dahil narito na nga, wala na akong choice kundi ipagpatuloy ang Mission: Takutin si Stalker.
“You know what? This is obviously a set-up. Some motherfucker is framing me and I am honestly so mad right now! Clean up this mess now, Yelena. Or else I will just kill anyone na makikita ko, right here and right now, police be damned!” Sinadya ko nang lakasan ang boses ko para mas marinig niya pa, and it did work. He took a step back. To be honest, this man’s got some guts. Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay kanina pa ako nag-sisisigaw at kumaripas makalayo lamang sa murderer na nasa harapan ko. But look at him still continuously listening to me talk murder.
“Kung gusto ng mga pulis ng bagong bangkay na makikita, I just happen to have a man following me here, currently listening to our conversation. He seems easy to kill.”
And that was his last, final straw.
“W-w-wag…” Nanginginig niyang sabi bago tuluyang kumaripas ng takbo. Sa sobrang bilis niya ay ilang segundo pa lamang ay nawala na siya sa paningin ko.
And that was my last, final straw as well. Tuluyan nang bumigay ang mga binti kong kanina ko pa pinipigilang manginig, at muntik na akong mapaupo sa lupa kung hindi ko lamang na-balance ang sarili ko.
“Oh my God…”
Sa awa ng Diyos ay ligtas akong naka-uwi sa apartment ko nang walang stalker na naka-buntot at nag-aambang tapusin ang buhay ko. Tuluyan na akong napa-upo sa sahig ko matapos kong nai-sara at nai-lock ang pinto at tatawag na sana ng pulis, nang maalala ko ang nangyari kanina pati ang pag-i-iskandalosa ko sa police station.
“Ah, shit.”
.
.
.
.
.
“Hmm… s-sandali…”
Three continuous, loud knocks.
“S-sandali… lang!” Nayayamot kong sigaw. Umagang-umaga, may nang-iistorbo—
Umaga?
“8:02 AM— sh*t! Malelate na ako!” Takot kong sigaw bago dali-daling didiretso na sana sa CR, nang maalala kong kanina pa nga pala may kumakatok sa pintuan ko.
“Kung sino ka mang kumakatok ka, salamat!” Saad ko habang kausap ang sarili. Kung hindi dahil sa kanila, baka unang araw pa lang ng trabaho ay tanggal na kaagad ako.
I don’t usually wake up this late. I’ve been a company employee for years now and I was always punctual, kahit na sa dalawang buwan na wala akong tulog dahil sa stalker ko, hindi ako nale-late. Sadyang nagulantang lang siguro ako masyado sa mga pangyayari kagabi at ngayon pa lamang nakaka-keep up ang katawan ko.
Akala ko ay kapitbahay ko sa apartment ang kumakatok, ngunit nang buksan ko ang pinto ay nagulat nalang ako sa nakita.
Pulis?
Hindi lamang pulis— mga pulis. Police cars were spread out everywhere around the apartment complex and I was sure there were some checkpoints as well. May ibang pulis rin na kumakatok at kausap ang iba pang tenants ng apartment at mga bahay dito.
Did a robbery occur here? Wait, there’s too many authorities here just for a robbery. A gang war? Someone got killed? A murder—
Murder?
Oh.
OH.
OH. SH*T.
“Good morning, ma’am! Pasensya na’t mukhang na-gambala ko pa ang pagtulog ninyo, ha? May iniimbestigahan kasi kami at kailangan naming magtanong-tanong sa mga taga rito. Ano pong pangalan niyo, ma’am?” Masiglang bati sa akin ni kuyang pulis bago nag-salute sign.
“A-anong meron, kuya?” Kabado kong sabi. Hindi ko alam pero mukhang mas kabado’t takot pa ako ngayon kaysa sa nangyari kagabi.
“Ah. May nag-tip kasi sa amin kagabi, mayroon daw murderer sa lugar na 'to at sa harapan niya pa mismo may kinausap tungkol sa bangkay na pinatay niya. May dala-dala pang baril at kutsilyo sa bag niya. Pinagbantaan pa nga siya na siya na raw ang isusunod—”
“AKO YUN! AKO YUN, KUYA.”
Silence.
Sa kalagitnaan ng kagagahan na ginawa ko ay biglang pumasok sa isip ko ‘yong ‘kroo, kroo’ sound effects sa movies. Feeling ko naririnig ko yun mismo ngayon.
“Ha?” Gulat na tanong ni kuyang pulis habang unti-unting nawawala ang ngiti niya sa akin.
“Ha?” Tanong ko naman ulit.
“Ma’am?”
“Po?”
“.....” Pareho kaming walang imik habang dahan-dahan kong pinagmamasdan ang dahan-dahang pagbaba ng kamay ng pulis papunta sa baril at posas na nakasabit sa kaniyang pistol belt.
“WAIT, WAIT! I can explain—” Dali-dali kong sabi at tuluyan nang nagpanic nang maitutuok na sa akin ng pulis ang kaniyang baril.
“Sa presinto ka nalang magpaliwanag—”
“Anong nangyayari dito?” Natigilan kaming pareho nang makarinig ng pamilyar na boses. Teka, parang narinig ko ‘to kahapon—
“Sir! Kakaamin lang ng babaeng ‘to na siya yung murderer na hinahanap natin!” Bungad sa kaniya ni kuyang pulis na tumutok sa akin ng baril bago sumaludo rito.
“Wait lang po, I said I can explain!” Desperadang sabi ko bago napatingin sa wall clock ko. 8:07 AM na, sayang na sayang na ang oras ko!
“Huh? Teka, diba ikaw yung babaeng nag-eskandalo sa istasyon kahapon? ‘Yong may stalker?” Turo sa akin ng kararating lang na pulis, and that’s when I finally remembered why he was so familiar. Oo nga pala, siya yung kinausap ko kahapon tungkol sa stalker case ko at wala man lang nagawa. But, this wasn’t the proper time for me to rant about that.
Inhale, exhale.
Inhale, exhale.
“HINDIPOAKOTOTOONGMURDERER NASABIKOLANGYUNKASISINUSUNDAN AKONGSTALKERKOKAHAPON KAYASINUBUKANKONGTAKUTINSIYA—”
“M-ma’am, ma’am, wait lang ha? Dahan-dahan lang at sa presinto ka nalang magpaliwanag.” Gulat na gulat silang dalawa matapos kong ilabas lahat ng gusto kong sabihin, ngunit wala ata silang naintindihan kahit na isa sa sinabi ko.
“Okay, okay. Please. At this point, I am going to be fired in my first day of work kapag sumama pa ako sa inyo sa istasyon. Kaya, isuot niyo na sa akin ‘yang posas niyo at kahit dalawang baril pa ang itutok niyo sa akin if you don’t really trust me, okay? I badly need to explain everything, so please, listen to me first. And! It’s not like may warrant of arrest kayo para basta-basta nalang ako hulihin, ‘di ba?”
They probably realized that I had a point, and honestly, as if naman hindi rin nila naisip yun, ‘di ba? Nagtitigan lang sila nang ilang sandali, tila kinakausap ang isa’t-isa sa pamamagitan ng eye-to-eye contact bago ako inobserbahan at tuluyan nang pinosasan.
Pareho din silang nakaamba sa may pintuan ko at nakahawak sa baril sa gilid nila. Mukha ba talagang manloloko o mamamatay tao ‘tong mukha ko?
And so, I explained everything to them, right from the day I started sensing that I was having a stalker, the numerous times I tried to report to the police, and all the exact details from what truly happened last night. I even had to ask them, “May reported case ba na may natagpuan kayong bangkay na walang buhok at mga kuko? May nakita bang murder weapon?” and all they could answer was a slow, shake of their head and the realization.
In the end, they had no choice but to believe and let me go, but not completely. Maglalagay raw sila ng iilang mga tauhan para ma-monitor at mabantayan ako sa stalker ko while they try to get a search warrant just to make sure that I indeed wasn’t a murderer. I-t-trace rin daw nila ang number ng tipper dahil paniguradong ang stalker ko yun, maliban na lang kung may iba pang nakarinig sa akin kagabi. At wala na akong choice but to agree. Why?
It was already nearing 8:30 AM, yet, I still am in my pajamas, handcuffs on, and a suspected murderer.
I am f*cked.
.
.
.
.
.
9:08 AM.
Late. First day of work. New company. Former Product Developer of Home&Sense, the rival company of my said new company, MYRIAD.
Kahapon pa ako dinaratnan ng malas. Sana nama’y last na ‘to.
“Aria! Grabe ‘yan ah! First day na first day of work, late?” Bungad sa akin ni Yelena nang makapasok na ako sa building ng MYRIAD. Kanina pa raw siya nakaabang sa akin sa lobby dahil kinakabahan siya para sa akin, pero mas mukha pa siyang natatawa.
“Shut up, Ena.” Irap ko sa kaniya bago dali-daling naglakad patungo sa elevator. “Okay, I didn’t mean that. Help me with whatever happens, okay?” Dugtong ko bago nagsara ang elevator.
“Yeah, I can do that. But I’m kinda worried about your new boss. You know.”
“Masungit?”
“Not really.”
“Strikto?”
“Uhh... slight?”
“Then I can probably handle him, Baka nakakalimutan mo kung saang kumpanya ako nanggaling at kung ilang taon ako nagtiis doon.” Confident kong sagot.
“It’s not that. It’s just that… well, tama ka, strikto siya, but not too much and only when it comes to work and… punctuality. Which, you clearly failed at, right at your first day of work.”
“Yes, Yelena. Thank you so much for reminding me, I didn’t know that!” Sarkastiko kong sabi bago siya inirapang muli. Kung hindi lamang siya ang nag-recruit sa akin dito sa kumpanya and possibly gave me a better life and workplace, baka kanina ko pa siya tinadyakan.
Well, that’s just how she is.
Yelena Delos Santos. Also called Ena. My closest friend out of all the friends (or acquaintances) I have. She’s been working for a long time for MYRIAD’s marketing department and has quite the good reputation around, so it was easy for her to send a recommendation of my transfer here. Siya lang ang nakakaalam how much I ranted to her about how shady and poor the working conditions in Home&Sense was. It honestly was quite a surprise how we’re friends despite working at the two top rival companies of the consumer goods industry. At dahil alam niya how it was too big of an opportunity to shove in Home&Sense’s faces that MYRIAD was better, agad niya akong ni-recruit to become a product developer here.
And thus, here I am. Late. Former employee of a rival company.
“Oh, wait. Anong nangyari sayo kagabi at tila pinapaiwan mo na sakin lahat ng papeles at last will and testament mo?”
Wow. Naalala niya rin sa wakas na kamuntikan nang mamatay ang kaibigan niya kagabi.
“Long story short, muntik na akong mapatay, naging isang murderer, muntik maging preso, at ngayo’y guarded by the police. Tingin ka sa paligid mo, andiyan lang sila.” Pagod kong saad, at sa wakas ay bumukas na ang elevator. Dumating na rin ang araw ng paghuhukom.
Sinamahan ako ni Yelena patungo sa bago kong opisina, or should I say at the Product Development Team’s office. Ilang “hi” at “hello, good morning” muna ang dinaanan ko bago ako makarating, kung saan nakapwesto na ang mga magiging kasama ko sa team.
“Hello, PD’s! This is my friend, the new recruit na nanggaling pa from Home&Demon— I mean Home&Sense.” Kwelang bati ni Yelena sa kanilang lahat, which they all laughed at. Honestly, I should’ve been a little offended by that since I worked for that company for years, yet I also laughed along.
“Hi, everyone. I’m Aria Greece Palma. Ria for short. I’m the new Product Developer, and I am looking forward to working with all of you. I’m terribly sorry for being late, I ran through some problems on my way here.” I introduced, and I was honestly shocked when they still clapped and smiled for me despite being late. Nakarinig ako ng “Welcome to the PD team,” “Hello, former rival, ” but what caught my attention the most was the “Lagot ka kay Team Leader.” Take note, that was said jokingly, pero hindi ko maiwasang nerbyosin.
Well, as long as I got the warm welcome from my colleagues— I think there were around seven of them here, it would be fine to suffice with the strict, cranky team leader, right?
Oh, how wrong I was.
“Aria Greece Palma, new Product Developer, formerly from Home&Sense. You are… 17 minutes late.” Natigilan ako nang may nag-salita sa likod ko, at lahat ng ka-trabaho ko ay napa-iwas ng tingin at nagkunwaring bumalik sa ginagawa nila. So, he has come. Okay. Nothing I couldn’t handle.
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya, and all I can say was:
WOW.
“Pogi niya friend, ‘no? Good luck nalang, ha? Balik na ako sa amin. Fighting!” Bulong sa akin ni Yelena bago nagmamadaling umalis. Bago ko lang din napansin na napa-awang pala nang kaunti ang bibig ko.
But, instead of the angry or annoyed face I was expecting to see on his (handsome) face, what greeted me was him, dawning upon realization, which turned into shock, then fear, and then— may problema ba sa akin ‘tong lalakeng ‘to maliban sa pagiging late ko?
“M-mu…” Dahan-dahan niya akong tinuro habang medyo nanginginig pa ang kamay, at ngayon ay nakatuon na ang atensyon ng lahat sa aming dalawa.
“Uh… yes? Mu… what?”
“MURDERER!”
Shit. How did he know? Wait— that sounded like I was an actual murderer.
Napasinghap silang lahat sa biglaang pag-akusa sa akin ng team leader nila— namin, probably shocked at what they’re just witnessing. I was just about to scoff at the accusation, and that was when I realized who he was, and what was happening.
“S-STALKER!”