HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Avery sa nalaman kay Jakob. Si Penelope ang babaeng nagugusuhan nito? Pero bakit? Bakit? Gusto sana niyang pagdudahan si Jakob. Baka sinasabi lang nito 'yon para tumigil na siya. Para tantanan na niya ito. Pero duda rin siya sa lagay na 'yon. Kilala niya si Jakob. Hindi ito ang tipo ng tao na gagawa lang ng kwento. Hindi ito sinungaling. Natitiyak ni Avery na totoo ang sinabi nito. At dahi totoo nga, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Paanong si Penelope? Sa dinami-rami ng babae, si Penelope pa? Ang plain, weirdo at boring na secretary ni Elijah? Oo nga't hindi naman pangit ang dalaga. Sa totoo lang may itsura naman ito. Pero kung pagtatabihin sila ay magmumukha lamang basahan si Penelope. Sobrang plain nito. Bagama't hind

