NAIWAN SI Penelope sa loob ng private office na masamang-masama ang loob. Hindi niya aakalain na magagawa ni Avery 'yon. Bakit ito nagimbento ng kwento? Bakit nito sinadya ang lahat? Ano ang gusto nitong mangyari? Ang hindi niya maintindihan ay si Elijah. Natitiyak niyang masyadong nagbe-brainwash na ito ni Avery. Hindi ganoon ang Elijah na kilala niya. Oo't manhid si Elijah, pero hindi ito ganoon. Alam niyang may care sa kanya ang binata. Kaya ano ang nangyari ngayon? Pinilit nitong mag sorry siya kay Avery! Pakiramdam niya ay mahihimatay siya sa sobrang sama ng loob at napatingala. Sunod sunod na lumabas sa mga mata niya ang masasaganang luha. Hindi niya akalain na magagawa ito sa kanya ni Elijah. Parang pinipilipit ang dibdib niya sa sobrang sakit. Parang tinatapak-tapakan 'yon at pi

