Kabanata 16

2021 Words

NAGMAMADALING nagtungo si Penelope sa comfort room. Hindi niya kayang magtagal doon sa post niya. Pakiramdam niya ay sinasakal ang leeg niya at nauubusan ng oksihena. Napasandal siya sa pintuan ng banyo at napapikit. Dinama ng palad ang dibdib. "Bakit, ang sakit sakit kahit wala ka namang sugat...?" natanong ni Penelope sa sarili. Napatingin siya sa salamin at kusang lumapit ang paa niya roon. Tinitigan ang sarili. Mapait na napangiti siya. Siya pa rin pala talaga ang Penelope noon. Ang Penelope na mahina, hindi lumalaban at mahina ang loob. Kailan kaya siya magbabago? Kailan kaya siya magkakaroon ng lakas ng loob? Ang kaninang sagutan nila ni Elijah ay hindi niya inaasahan. Kahit papaano naman ay natutuwa siya sa sarili dahil nagawa niyang imungkahi 'yon kahit halata namang hindi ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD