BUO NA ang loob ni Avery. Gagamitin na niya ang huling alas niya sa laban na ito. Kung hindi lang din mapupunta sa kanya si Jakob, pwes, wala itong karapatan na mapunta kay Penelope. Mas matatanggap niya 'yon. At hindi siya makakapayag sa pananakit ni Jakob ng damdamin niya. Hindi siya papayag na siya lang ang talunan dito, samantalang si Penelope ay hayahay ang buhay. Gaganti siya sa paraang alam niya. At alam niyang si Elijah ang susi niya sa paghihiganti. Tinawagan na niya ang binata at sinabi rito kung saan sila magkikita. Alam niyang kahit anong mangyari ay sisiputin siya ni Elijah. Ganoon ito kahumaling sa kanya. Wala itong bagay na hindi gagawin para sa kanya. Hinanda na niya ang sarili sa pag-gayak. Nang masiguradong magandang maganda na siya ay umalis na siya ng unit at pumun

