1 YEAR AFTER Napakabilis ng panahon. Dati-rati'y kapapanganak pa lang niya kay Hope, pero heto ito ngayon. Isang taon na. Birthday ngayon ng anak. At talagang pinaghandaan nila ni Red at ng mga taong malalapit sa kanila ang first birthday ng anak. Sa bakuran lang ng bahay ni Red gaganapin ang birthday party. Malawak kasi ang bahay nito. Disney Princess ang theme ng party ni Hope kaya naman nakacostume rin ang mga dadalong bisita. Natutuwa siya dahil talagang all-out si Red sa kanyang anak. Parang ito na ang tumatayong daddy ni Hope. Sobrang mahal na mahal nito ang anak niya. Anak talaga ang turing nito dito. Hindi siya nahirapan magadjust bilang isang first-time mom dahil naririyan palagi si Red para sa kanya. Nakaalalay. Hindi siya nito pinapabayaan. Nagkaayos na rin sila ng kanyang m

