Kabanata 6

2001 Words
NAGISING SI Penelope dahil sa malakas na pagtunog ng alarm clock niya. Pinatay niya ang cellphone at nakita kung ano ang reminder ngayong araw. Birthday ng kanyang mamang ngayong araw. Nagpapasalamat siya dahil natapat 'yon sa weekend kaya hindi na niya kinailangan pang umabsent o mag file ng leave. Kahit kailan ay hindi pa siya umaabsent sa trabaho. Hindi rin niya nagagalaw ang vacation at sick leave niya. Ganoon siya ka-devoted sa trabaho at makapiling lang si Elijah. Mabilis siyang bumangon para maghanda. Dadaan muna siyang mall para bumili ng regalo sa kanyang ina. Alam ni Penelope na hindi siya inimbitahan ng ina o kamag-anak nila. Pero gusto niyang makita ang ina sa mahalagang araw nito ngayon. Ilang sandali pa'y nasa mall na siya. Nagisip siya ng kung ano ang magandang iregalo rito. Pero hindi siya makapag-isip. Ano pa nga ba ang kulang sa kanyang mamang? Halos narito na ang lahat. Parang wala naman na itong kailangan sa buhay. Saktong napadaan siya sa isang outlet ng mga relo at naisip na lang na bilhan ito ng wristwatch. Rosegold ang kulay n'yon at paborito ng kanyang mamang. Sa Bulacan na ngayon nakatira ang kanyang mamang simula nang mamatay ang kanyang papang. Kasama nito ang tiyahin niya at ibang pinsan. Nagcommute na lang si Penelope patungong Bulacan, hindi naman gaano kalayo 'yon sa Metro Manila. At dahil walang opisina, kinaya ang dalawang oras na biyahe. Pagdating sa bahay nila, bumuntong-hininga muna nang malalim ang dalaga bago pumasok ng bahay. Nakita niyang may pa-birthday party ang kanyang mamang. May nagvi-videoke pa at bumabaha ng pagkain at tawanan. Habang papasok siya sa loob ng bahay ay tila nanakit ang lalamunan ni Penelope sa nakikita. Naghanda pala ngayon ang ina niya. Pero hindi man lang siya nito sinabihan o inimbitahan. Tila nakalunok siya ng isang hilaw na ampalaya dahil dito. Dahan dahan siyang pumasok sa loob ng bahay. Kitang kita niya ang mamang niya na masayang-masaya haba nag-e-enjoy sa nagaganap na party nito. Natigil lang ang kasiyahan at ang pagvi-videoke nang makita siya ng mamang niya at ang kamag-anak. Mula sa pagiging masaya nalukot ang mukha ng mga ito nang makita siya. Naramdaman niya ang pag-init ng paligid ng mata at napayuko. "H-Happy birthday, m-mamang," nauutal na sambit niya. "Bakit nandito ka?" malamig na tanong ng mamang niya. Napalunok siya. "Mamang..." "Sa dami ng araw na pwede mong sirain, ito pa talagang araw ang napili mo, Penelope?" galit na asik sa kanya ng ina. Gustong maluha agad ni Penelope dangan lamang at pinipigilan niya. "M-Mamang..." Galit na hinaklit nito ang braso niya at inalis doon. Her mother dragged her in their library room. Pabalya nitong sinara ang pinto pagkatapos. "Bakit naririto ka, Penelope?" maanghang na tanong nito sa kanya. Napasigok siya. "B-Birthday niyo, mamang... gusto lang kita makita at madalaw," Umirap ito sa kanya. "Tsk. Naalala mo ako? Pwes, ako hindi! Simula nang iwan mo kami ng ama mo at piliin ang pagkabaliw mo sa lalaking 'yan, pinutol mo na rin ang koneksyon mo sa amin!" nanggagalaiting sigaw nito. Agad na naglaglagan ang mga luha niya. "Mamang..." "Huwag mo akong matawag tawag na mamang. Wala na akong anak. Patay na ang anak ko," matigas na sagot nito. Nanghihinang napaluhod siya sa harapan ng ina. "M-Mamang... patawarin mo na ako... miss na miss ko na ho kayo..." "Pwes ako, hindi, Penelope! Tinuring na kitang patay simula ng pinili mo ang lalaking 'yan!" "M-Magpapaliwanag ako, mamang!" "Ahhh, peste! Ilang beses ko nang narinig 'yan sayo, at sa totoo lang, wala na akong paki. Bahala ka sa buhay mo kung gusto mong magpakabaliw sa lalaking 'yan!" Napalunok siyia. "N-Nagmahal lang ako, mamang..." "Nagmahal din ako, Penelope, pero hindi kasing tanga at martir mo! Sa totoo lang, ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Pero ikaw lang itong makulit at pilit na nakikipagkita pa rin sa akin!" Napahagulgol siya. Sa totoo lang, hindi na niya alam ang gagawin niya para lang bumalik sa kanya ang tiwala ng pamilya. Pero hindi niya naman masisisi ang mga ito sa matinding galit ng mga ito sa kanya. Masakit talaga ang ginawa niya sa pamilya niya. Noong nakapagtapos kasi siya ng kolehiyo, inaasahan ng kanyang magulang na siya na ang mamahala ng kompanya. Dahil nag-iisang anak lang naman siya ay walang ibang aasahan at tatakbuhan. Pero dahil hindi naman niya hilig ang business, hinayaan niyang nakatiwangwang at mapunta sa ibang tao ang posisyon. Tinapat niya ang ama doon at labis na nagalit ito. Inamin niyang wala siyang planong pangalagaan ang sariling kompanya dahil hindi siya interesado roon. Isa pa, mas nanaisin niya maging normal na secretary ni Elijah kaysa maging CEO. Si Elijah ang isa sa nagbibigay sa kanya ng motivation. Hindi niya alam na sa pag-ayaw niya noon sa ama ay may matinding kapalit. Hindi matanggap 'yon ng kanyang ama kaya naman ng araw na rin 'yong mismo ay inatake ang ama sa puso. Naidala pa ito sa hospital, pero hindi na ito umabot. Dahil doon ay sinisi ng kanyang ina at kamag-anak niya sakanya ang pagkamatay ng ama. At dahil sa galit ng mga ito ay nagpagawa ng bagong testamento ang mga ito na wala siyang karapatan sa kahit na anong pagmamay-ari ng mga Domingo at nagpatayo ng bahay. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi man lang siya naalala ng pamilya. Masamang masama ang loob niya at sinisisi pa rin ang sarili sa pagkamatay ng ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapatawad ng mga ito. Sinisisi niya rin ang sarili niya dahil dito. Pero kahit anong gawin niya ay hindi na niya maibabalik ang buhay ng ama. "M-Mamang..." naluluhang tawag niya sa ina. "Hindi kita kailangan dito, Penelope, at hindi magiging kailangan magpakailanman pa man! Sana masaya ka sa desisyon mo ngayon. Kahit lumuha ka pa ng dugo, wala kang mapipiga sa akin, hinding hindi kita mapapatawad!" Kung tutuusin ay mayaman din sila at galing siya sa prominenteng pamilya. Wala siyang gusto na hindi natupad. Pero simula nang piliin niyang magtrabaho kay Elijah at talikuran ang kanilang business, naputol na rin ang koneksyon niya sa magulang. Ni singkong duling ay wala nang binibigay ang mga ito at talagang hinayaan na siya sa buhay. Kaya naman ngayon ay independent na talaga siya. Ayaw niya rin naman kasi sundin ang magulang dahil uso pa rin sa mga ito ang arranged marriage para mapanatili ang kayamanan. At dahil wala naman siyang boyfriend, walang kahirap-hirap na ipakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya mahal. At ayaw niya 'yon. Hindi niya kaya. Si Elijah lamang ang lalaking kaya niyang mahalin. Hindi niya kayang magpakasal sa isang taong hindi niya iniibig. Ayaw niyang maging miserable ang buhay niya. Matatanggap niya na hindi siya magagawang ibigin ni Elijah. Pero hindi niya matatanggap na habang buhay na bilanggo sa isang pagsasama gawa lamang sa business. Iyon ang gusto niyang maintindihan ng magulang. Pero sarado ang mga ito sa paliwanag niya. Kaya naman nagmatigas talaga siya. Buong buhay niya, she's been a good daughter. Bahay at school lamang siya. Lahat ng nais na ipagawa sa kanya ng magulang ay ginagawa niya. Kahit kailan ay hindi siya tumanggap ng manliligaw dahil gusto ng mga ito na makapagtapos siya ng pag-aaral at maging focus. Wala namang problema 'yon sa kanya dahil si Elijah ang mahal niya. Buong buhay niya ay para siyang manikang de susi. Gagalaw at kikilos lang kapag ginusto. Wala siyang sariling kalayaan. Walang isip at desisyon. Hindi 'yon ang gusto ni Penelope mangyari sa buhay niya. Sapat nang naging mabuti siyang anak. Bagama't matagal nang may sakit sa puso ang ama at kahit anong oras ay pwedeng ma-trigger ang sakit nito, hindi pa rin mawala sa kanya ang guilt. "Kunin mo na ang natitirang mga gamit mo rito, Penelope, dahil kapag hindi ako nakapagtimpi, susunugin kong lahat 'yan!" Mapait siyang napangiti. Of course, kahit kailan ay hindi siya maiintindihan ng mamang niya. Para sa mga ito ay kalokohan ang pagmamahal niya kay Elijah. Naglakad siya patungong silid. Nakasunod lamang ang ina. Tama nga siguro ito. Hindi niya muna kailangang pilitin ang lahat. Masyado pang sariwa sa pamilya ang pagkamatay ng ama niya. Nanghihinang inilalagay niya sa duffel bag ang mahahalagang gamit at damit niya. Nakasandal ang ina niya sa hamba ng pintuan habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. "Hah! Hindi ko alam kung ano ang ipinakain sayo ng Elijah na 'yon at ganyan ka kabaliw sa lalaking 'yan, Penelope! Para kang mauubusan ng lalaki. Napakarami pa r'yan, Penelope, 'yung lalaking gusto ka," "Pero hindi ko gusto, mamang," "Maging praktikal ka, Penelope. Sa buhay ngayon na puro naglolokohan ang magkakapareha, mas mabuting kumuha ka ng lalaking kahit hindi mo mahal o gusto, pero mahal na mahal ka. Dahil ang taong mahal na mahal ka, hindi ka mangingiming lolokohin ka. Natututunan ang pagmamahal!" Hindi makapaniwalang tumingin siya sa ina. "At gaano naman kayo kasigurado na gusto ako ng lalaking gusto niyong ipakasal sa akin ng papang?" "Kilala ko ang batang 'yon. Inamin niya sa amin ng papang mo na matagal ka na niyang gusto. Mas gusto mo ba sa isang taong walang kasiguraduhan?" "Mamang, mabuting tao si Elijah. Ang mga Rosselli. Hindi babaero si Elijah," pagtatanggol niya. "Naroroon na ako sa hindi babaero. Alam ko ring matinong pamilya nanggaling si Elijah. Ni minsan hindi ako nakakita ng pangit na issue sa kanya. Malinis din ang record niya sa babae," "Alam niyo naman ho pala, bakit ayaw niyo sa tao?" "Kasi alam kong masasaktan ka lang, Penelope. Maaaring mabuting tao siya, pero kahit kailan ay hindi ka niya magugustuhan! Gusto mo ba 'yon? 'Yung ikaw lang ang nagmamahal? Ilang taon ka nang nagtatrabaho sa kanya bilang secretary, may nagbago ba? Nakita ka ba niya bilang babae? Nagugustuhan ka ba niya?" Napalunok si Penelope at hindi nakasagot. "See, hindi diba? Kasi talagang hindi ka magugustuhan ni Elijah. 'Yung sa metro manila pa tayo nakatira, hanggang sa pagdalaga mo, nakatira lang tayo sa iisang subdivision, kilala ka ba niya? Natatandaan niya man lang ba ang mukha mo? Hindi nga, eh? Now, tell me na may milgarong mangyayari at magugustuhan ka niya..." "Mamang..." "Hangga't sarado ang isip mo, at bulag ka sa pagmamahal sa lalaking 'yan, hindi bukas ang pinto ng bahay ko para sayo, Penelope." Naging seryoso ang mukha ng dalaga. "Well, if that means mamang, it's forever," Ang matanda naman ang napasinghap. Matapang na hinarap niya ang ina. "Dahil si Elijah lang ang lalaking mahal ko at mamahalin ko. Simula bata pa lang ako, nakatanaw na ako sa kanya. Siya ang naging inspirasyon at motibasyon ko sa lahat ng bagay. Siya ang nagiging lakas ng loob ko kapag nanghihina ang loob ko, ang mga ngiti niya ang naglitas sa akin sa kalungkutan. Wala akong pakialam kung hindi niya ako mamahalin, pero umaasa kayo sa isang impossible dahil si Elijah lamang ang lalaking kaya kong ibigin," Nasasaktang napasinghap ang kanyang mamang. Napailing ito. "H-Hindi na kita kilala, Penelope. Hindi na ikaw ang aming Penelope..." Sinarado niya ang duffel bag nang mailagay na roon ang mga importanteng gamit niya. "Nagpakumbaba na ako, mamang. Ilang beses akong humihingi sainyo ng tawad. Pero sarado ang puso niyo sa akin," Bumuntong-hininga isya at inilagay ang regalo niya rito sa dulo ng kutson. "Heto ang regalo ko sainyo, mamang. Nasa sainyo na kung itatapon, ipamimigay o susunugin niyo. Mas ma-a-appreciate ko kung itatago niyo," Humakbang na siya palabas ng kwarto. Nanginginig sa galit ang ina ni Penelope. "Tatandaan mo na sa pagtapak mong 'yan palabas ng bahay na ito, tuluyan mo nang isinuko ang pagiging mag-ina natin," Tinignan niya ang ina. "Hindi ako ang nagbigay ng probisyong 'yan, mamang. Ikaw. Mauuna na ho ako, happy birthday ulit," Nadatnan niya pa ang mga kamag-anak na nasa hagdan at nakikinig sa kanila. Muli siyang napabuntong-hininga. Tiyak, paguusapan siya ng mga ito pag-alis niya. Pero may bago pa ba roon? Nagkunwari ang mga itong may ginagawa kahit napakaobvious namang nahuli na niya ang mga ito. Tuloy-tuloy siyang bumaba ng hagdan. Hindi lumilingon. Alam niya, this time, there is no turning back. Si Elijah ang pinili niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD