HINDI MAWALA sa isipan ni Elijah ang naging paguusap nila ng kapatid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagsagutan sila nito. Kahit kailan ay hindi pa sila nagaway ng totoo.
Alam din naman niyang magkakabati sila. Pero naiinis talaga siya kay Jakob. Sa dinami-dami ng pwedeng babaeng pakialamanan, si Penelope pa talaga.
Nasa ganoon siyang mood nang tumunog ang phone niya. Wala sana siyang balak sagutin 'yon kundi niya lang nakita na si Avery ang tumatawag.
Tila napawi lahat ng inis na nararamdaman niya. Ngiting ngiti na sinagot niya ang call nito.
"Avery!"
"Elijah, are you free ba today?"
Nangislap ang mga mata niya. Nagpapahayag ba ito gusto nitong lumabas sila.
May gagawin ba siya today sa office?
Parang lagi naman siyang busy. Pero gagawa siya ng time para kay Avery. Gagawin niya ang lahat para rito. "After shift?"
"Ugh, gusto ko sanang magpasama sayo eh. Kaso mag-o-office ka pa pala. Ano pang silbi ng mga empleyado mo kung ikaw kailangan ka pa pala roon?"
"Avery..." magpapaliwanag pa sana siya ngunit inungutan na siya nito.
"May mga subordinates ka. Ang secretary mo. Anong silbi nila kung kailangan ikaw lahat gumawa? Ako na nga itong nag-i-insist eh," naiinis na sambit nito.
Napalunok si Elijah. No. Hindi niya kayang ma-bad shot siya kay Avery. Tumikhim siya. "O-Of course, Avery. Pwede akong hindi pumasok sa opisina," nakangiwing aniya kahit hindi sigurado sa sinabi.
Naramdaman niya ang pagsaya ng tono nito. "Really? Well, sabi ko na nga ba, hindi mo ako mahihindian," proud na sabi nito.
Hindi na sinagot ni Elijah 'yon. "Saan kita susunduin?"
Sinabi ni Avery ang lugar. Tinapos na niya ang tawag at nag-ayos ng sarili.
Samantala, sa opisina ay kanina pa patingin tingin si Penelope sa wall clock. Dalawang oras mula nagsimula ang shift. Pero wala pa rin si Elijah. Kahit kailan ay hindi naman ito umaabsent at nawawala ng hindi nagpapasabi. Ano kaya ang nangyari rito?
Nagaalala na siya. Hindi sya mapakali. Hindi tuloy siya makapagfocus sa trabaho niya. Parang sinisilihan ang puwitan niya.
Sa huli ay napagpasyahan niyang tawagan ito. Natuwa naman siya nang sumagot ito.
"Elijah, where are you? Hindi ka ba papasok?" sinangtabi niya muna ang pride. Nagaalala talaga siya sa binata.
"Oh, Pen..."
"Who's that, Elijah? Come on, mamaya na. Nandito na tayo oh," dinig na dinig ni Penelope ang boses ng isang babae.
At hindi na niya kailangan pang malaman kung sino ito. Alam niyang si Avery 'yon. Biglang sinalakay ang puso niya ng kakaibang sakit. Ang aga-aga, magkasama agad ang dalawa?
Ngayon alam na niya kung bakit hindi papasok si Elijah ngayon sa opisina. Kaya talaga nitong iwan ang lahat para kay Avery. Mapaklang nangiti siya.
Hindi niya malaman ang sasabihin mabuti na lamang ay bumukas ang pinto ng office niya at bumungad sa kanya ang mukha ni Seven.
"Pen, pa-photocopy nga ako. Nasira 'yung sa labas eh..."
Ginawa niyang rason 'yon para magpaalam na. "Alright, boss. Marami pa akong gagawin. Ingat po kayo," sabi na lang niya at mabilis na binaba ang tawag.
Hinihingal siya sa labis na emosyon. Nagtatakang napatingin naman sa kanya ang katrabahong si Seven. Sa accounting department ito naka-assign at mabait na binata ito. Ka-edaran niya lang rin.
Napakunot noo ito. "Oh, anong nangyayari sayo? Para kang hinahabol ng kabayo ah,"
Napalunok siya. Bakit pagdating kay Elijah ay napakaobvious talaga niya?
"Ahm... ano, kasi, nauuhaw ako," dahilan niya.
Napangiti naman ang binata at kinuha ang tumbler niya sa post at pumunta sa water dispenser na nasa gilid. "Goodness, masyado ka kasing workaholic. Subsob na subsob ka r'yan. Aba eh, kahit anong subsob d'yan ka hindi ka magiging tagapagmana ng kompanya," nagpapatawang sabi nito.
Bumalik ito at ibinigay sa kanya ang tumbler niya. Sa totoo lang ay hindi naman siya nauuhaw. Ginawa niya lang na rason 'yon.
"T-Thanks,"
Kunwari ay uminom na lang siya para naman maging convincing ang dahilan niya. Nagpaphotocopy na nga ito.
"Anyway, sabay tayong maglunch mamaya, Pen, ayos lang ba?"
Napaangat siya ng tingin. "Huh? Eh..."
"Sige na, eto naman, simula nang magtrabaho ka rito, kahit kailan hindi mo ako pinauunlakan,"
Naguilty naman si Penelope dahil totoo 'yon. Wala naman sigurong masama kung sasabay siya makipaglunch dito ngayon. "Sige," maikling sagot niya.
Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. "Thanks, Pen,"
Umalis na ito at dala dala ang sangkaterbang pina-photocopy nito.
~
SAKAY ni Elijah si Avery ngayon sa kotse niya. Ayon dito, may gusto itong kainan na restaurant. Masarap daw at affordable ang mga dishes.
Katabi niya ito sa driver seat. Saktong nag-stop ang traffic light kaya naman napatingin ito sa labas. Nakita nito ang isang sikat na fast food chain.
"Elijah, tignan mo ang mga 'yon," nguso nito sa magkasintahan na kumakain sa fast food. The couple looks happy and in love.
"Jeez, hindi ko alam bakit may mga couple na ang che-cheap? Like, kapag ako dinala ng guy sa ganyang kainan, big turn-off talaga. Eh pang mga merienda and midnight snack lang ang mga ganyang kainan. Ang babaduy 'no?" kuha pa nito sa opinyon niya.
Nanglaki ang mga mata ni Elijah. Hindi niya akalain na masasabi 'yon ni Avery. Para sa kanya, walang masama na kumain sa ganoon. Masarap na nga, mura pa. At isa pa, hindi naman lahat ng tao ay afford kumain sa mga mahal. Parang pangit naman na sabihan nito na baduy ang magkasintahan at cheap. Kung ganoon sila mag-express ng love sa isa't-isa, ay walang mali roon.
Pero hindi malaman ni Elijah paano sasabihin 'yon ay Avery nang hindi ito na-o-offend. Si Penelope nga, tandang tanda niya, kapag kakain sila sa mga fastfood ay sobrang saya nito, masasarap at sulit daw ang pagkain. Walang kaarte-arte sa katawan.
"Right, Elijah?" ulit ni Avery.
Nagpapasalamat siyang nag-go ang traffic light kaya naman hindi na siya sumagot.
Humantong sila sa restaurant na tinutukoy nito. Hindi siya pamilyar sa kainan na ito. Pinagbuksan niya ng pintuan si Avery. Pagbaba nito ay agad na dinikitan ito ng matandang pulubi. "Kahit tinapay at tubig lang po..."
Napatili si Avery. "Ewww! Huwag kang lalapit! You stink! Ewww, Elijah, help me!" mangiyak ngiyak na sambit nito.
"Kahit magkano lang po..."
"Ewww, ang baho mo! Doon ka nga! Anak kasi kayo ng anak, tapos hindi niyo kayang buhayin! Tapos ngayon ibang tao pineperwisyo niyo! I can't believe na may nagro-roam na tulad mo sa labas ng restaurant na 'to. I must call the guards. Guards!" sigaw ni Avery sa security guard ng restaurant.
Nahilot ni Elijah ang noo. Tinignan niya ang matandang pulubi at dumukot ng isang libo sa wallet. "Eto ho, sige na ho, bumili na kayo ng pagkain,"
"Maraming salamat po, sir," mangiyak ngiyak na sabi ng matandang pulubi.
Saktong paglingon ni Avery ay nakaalis na ang matanda. "Nasaan na ang pobreng matanda na 'yon?"
Napalunok si Elijah. "P-Pinaalis ko na,"
Napangiti ito ng maluwag. "Thanks, Elijah. Wait, magsasanitize muna ako,"
"Hindi ka naman niya hinawakan ah," kunot noong sabi niya.
"Eww! Kahit na! Lumapit pa rin siya sa akin, ang dirty dirty niya! Dapat hinihigpitan nila ang security dito. Hindi dapat nakakalapit ang mga ganoong uri ng tao dito,"
Nagpantig ang tenga ni Elijah. "Anong klaseng uri ng tao? Bakit, may iba iba bang uri ng tao, Avery?"
Napansin yata nitong seryoso siya kaya inirapan na lang siya nito. "Alright, alright. Magsanitize lang ako at kumain na tayo sa loob,"
Hindi na sumagot si Elijah. Pero nagsisimula na siyang mainis.
Pagkatapos mag-spray ni Avery nang walang katapusang alcohol sa buong katawan ay pumasok na sila sa loob.
"Table for two," aniya sa receptionist. Ginuide naman sila nito papasok.
Hindi na bago kay Elijah ang makapasok sa marangyang restaurant. Sa yaman at impluwensya ng pamilya niya, kahit mag-araw araw pa silang kumain sa elite na restaurant ay walang magiging problema.
Ngunit hindi sila pinalaki ng magulang na ganoon. Kahit hindi kasarapan magluto ang ina, pinalaki sila nito sa lutong bahay at kumain ng mga pagkaing hindi pangmayaman.
Sinubukan ni Elijah na mawala ang pagkabadtrip niya sa pinakitang ugali ni Avery kanina.
Habang namimili sila ng menu ay tumingin sa kanya si Avery. "Masasarap at reasonsable prices ang mga menu nila rito. Kaya nga favorite ko ang restaurant na 'to,"
Tumango siya at tinignan ang price ng mga nasa menu. Halos manlaki ang mga mata niya nang makitang soup pa lang ay umaabot na ng limang libo ang presyo.
Ang inumin ay tumatakbo ng dalawang libo. At may nakita pa siyang isang menu na umaabot ng fifteen thousand.
Gusto niyang mapamura. Ano ba ang sineserve dito? Ginto?
"May napili ka na ba, Elijah?"
Parang wala siyang gana pumili dahil hindi niya alam ang mga dishes at sobrang mahal ng presyo.
Pero dahil hindi siya bastos ay tumango siya. Tinawag na nito ang waiter. Nag-order na lang siya ng lasagna at isang red tea.
Napakunot noo si Avery. "Bakit 'yon lang ang inorder mo? Wala ka bang nagustuhan?"
Ngali-ngali niyang sabihing wala talaga siyang gusto dahil napakamahal at parang hindi worth it.
"Ah... eh... hindi ko ba nasabi sayo? Ang tagal ko nang hindi nakakatikim ng lasagna. Miss ko na ang luto ng mama. Kaya 'yun ang inorder ko. Isa pa, ang dami kong kinain kaninang breakfast,"
Naniwala naman sa kanya si Avery. "Sabagay, masarap din ang lasagna nila rito,"
Talagang pasta lang ang inorder niya dahil 'yon ang pinakamura sa menu.
Saglit pa silang nagkakwentuhan nang dumating na ang order.
Nanglaki ang mga mata niya nang makitang napakaliit lang pala ng servings. "What the...three thousand five hundred na 'to? Parang tatlong subo ko lang 'to ah," anas ni Elijah sa sarili.
"What? Ang ganda ng plating nila 'no?"
Parang 'yung plating lang ang binayaran, hindi ang serving. Gusto sana niyang sabihin.
"Come on, let's eat,"
Sumubo si Elijah. Nangingiting hinihintay ni Avery ang magiging comment niya.
Pagkalunok ay hindi siya natuwa. Oo nga't hindi pangit ang lasa. Pero wala siyang mahanap na special na bakit karapat dapat ito sa mahal na presyo.
Mas masarap pa ang favorite lasagna ni Penelope sa greenwich. Kiming ngumiti siya. "Yup. Masarap,"
Napangiti si Avery. "I told you. Masasarap ang pagkain dito and take note, sobrang affordable pa,"
Napangiwi si Elijah. Sobrang affordable? Ano pala ang definition nito ng mahal?
Kung si Penelope ito tiyak sermon ang aabutin niya dahil gumastos siya ng ganoong kalaki para sa hindi nakakabusog na pagkain.
Nagkwentuhan pa sila ni Avery hanggang sa matapos silang kumain. At dahil nasa gilid ang pwesto nila, nakita niya ang isang aspin sa gilid at malungkot na nakatingin sa mga kumakain. Bigla ay naaawa siya. Nakita niya ang tirang pagkain ni Avery na hindi na ginagalaw.
"Ayaw mo na?"
"Ayaw ko na, I'm full,"
Ang dami nitong tira. Ang turo sa kanila ng mama nila ay huwag magtira ng pagkain sa pinggan.
Tinawag niya ang waiter. "Oh, oorder ka pa?"
Pagdating ng waiter ay nginuso niya ang plato ni Avery. "Pakibalot naman,"
Nanglaki ang mga mata ni Avery. Pagkaalis ng waiter ay sinamaan siya ng tingin. "Elijah, bakit mo pinabalot? Tingin mo, kakainin ko pa 'yon? Yuck!"
"Hindi naman para sayo,"
"Eh para kanino?"
Nginuso niya ang aspin sa labas. "Kawawa naman. Kaysa itapon sa basura, ibigay sa asong nagugutom. Kita mo ang mga mata, malungkot, atleast tayong tao nakakapagsalita kapag gutom, sila hindi,"
Umirap ito sa kanya halatang inis na inis. "At kailan ka pa naging animal interpreter, Elijah?"
Pumasok sa isipan niya gawin 'yon dahil nakita niyang ginagawa ni Penelope 'yon. Nakita niyang nagbibigay ito ng mga pagkain sa mga aso at pusang nasa kalye.
"Don't argue with me, Avery. Ano ba kinakagalit mo, eh itatapon na nga 'yang inorder mo?"
"Nakakahiya, Elijah! Ikaw lang ang gumawa n'yan!"
"And who cares? Nagbayad naman ako ng kinain natin, ah. Ano bang pakialam nila?"
Inis na inis si Avery. Pahiyang pahiya ang nararamdaman ng dalaga.
Nauna nang nagmartsa palabas ng restaurant si Avery. Si Elijah naman ay pinakain ang tira ng dalaga sa asong naghihintay. Kumawag kawag ang buntot ng aso. Tuwang tuwa na pinanood ni Elijah ubusin ng aso ang pagkain. Dinilaan pa ang sapatos niya bilang pasasalamat.
Pagkatapos ay hinarapp na niya ang sambakol na mukha ni Avery. "Hindi ko akalain na ganyan ka ka-cheap, Elijah! Ihatid mo na ako pauwi." inis na sabi nito.
Nawala na rin sa mood si Elijah at ayaw niyang magtalo sila kaya tumango na siya. Habang biyahe ay tahimik silang dalawa. Nagpapakiramdaman.
Hindi niya inakala na may ganoong ugali si Avery. Sobrang layo nito kay Pen. Si Penelope talaga ang maihahalintulad niya dahil ang dalaga lang naman ang pinakaclose sa kanyang babae bukod sa ina.
Ibang iba ang ugali ni Penelope kay Avery. Mapang-mata, mapagmataas at maarte ito. Galit sa mahirap. Idagdag pa ang perfectionist nitong ama.
Samantalang si Penelope, natatandaan niyang nilibre pa siya nito sa bus food sa labas ng kompanya. May maliliit kasi na karinderya sa vicinity ng office nila. Nasa maliliit na bus ito aya bus food ang tawag nila. Masayang masaya pa ito na kumakain ng lutong bahay habang naka-kamay.
Sabagay, si Avery ay laking mayaman naman talaga. Elite.
Si Penelope, sa pagkakaalam niya ay hindi man mahirap, pero hindi ito mayaman. Kaya siguro magkaiba talaga ng ugali ang mga ito. Pero hindi niya maiwasan hindi pagkumparahin ang dalawa.
Samantala, tumatakbo rin ang isipin ni Avery ng mga sandaling ito. Naiinis siya. Hindi niya akalain na magagawa 'yon sa kanya ni Elijah. Magkaibang-magkaiba talaga ito at ang kapatid nitong si Jakob.
Sa totoo lang, wala siyang kainte-interest kay Elijah. Yes. Given na mayaman, gwapo, matalino at mabait ito. Pero hindi talaga ito ang type niya. Si Jakob ang gustong gusto niya. Pero ilang beses na siya nitong nirereject. Hindi ito bumibigay sa kanya. At naiinis na siya dahil hindi niya makuha ang atensyon nito.
Kaya naman naisip niyang gamitin si Elijah. Tutal patay na patay naman sa kanya ang kapatid nito. Alam ni Avery na mahal na mahal ni Jakob ang kapatid, at hindi ito hahayaang masaktan niya. At si Elijah ang magiging alas niya para mapasakanya si Jakob.
Paiibigin at paasahin niya ng husto si Elijah. At kapag nasa punto na ito na hindi na ito makaget-over sa kanya ay saka niya ito iiwan.
Alam niyang parang ikamamatay 'yon ni Elijah. At masasaktan niya si Jakob dahil doon. Gagamitin niya si Elijah para walang choice si Jakob kundi tanggapin ang pag-ibig niya.
Sorry na lang kay Elijah. Pero si Jakob talaga ang gusto niya. At hindi mangyayari ang plano niya kung hindi niya magagawang mahulog ng husto sa kanya si Elijah.
Kailangang mabaliw ito sa kanya.
ITUTULOY