THE FORMER

855 Words
A FEW weeks later. "B1 ba't ang dami naman 'ata ng kinukuha mo?" Nag-grocery kami ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako kasama eh. Wala naman ako'ng ginagawa. Siya ang nagtutulak ng cart tapos siya rin yung kumukuha ng mga bibilhin. Nagiging display na lang ba talaga ako? "Ganito kasi talaga mag-grocery B2, ikaw naman kasi ba't gusto mo pa na ikaw ang mag-grocery eh sila Butler William naman ang gumagawa nito." Ay oo nga pala. Ako pala ang nagpumilit na mag-grocery, ang saya kaya nun. Pero ito ako, para guard sa gilid niya. "Ba't ka pa kasi sumama? 'Di ba may trabaho ka pa? at mas okay naman na nakakatulong ako sa bahay mo 'no? Ano namang gagawin ko doon?" Sa sobrang tagal na ng stay ko sa buhay niya, ewan ko pero feeling ko isa na akong 'palamunin', 'pabigat' at 'opportunista'. Wala naman kasi akong maibibigay kay Tristan kundi yung pagmamahal ko. Oo na, korny na. Pero yun lang talaga, kung hindi niya pa ako nakita o nabili sa auction na yun, hindi ko na rin alam kung ano ako ngayon. Dapat 'ata maghanap na lang ako ng trabaho eh. Tama! Maghahanap ako, hindi pwedeng si Tristan lang ang nagtatrabaho. Pero ano namang trabaho? Hindi ko nga natapos ang course ko, 'di ba? "Celine, baby what's wrong?" Bigla naman akong hinigit ni Tristan sa bewang. Nakakahiya, para kaming mga hormonal teenagers. "Tristan..... lumayo ka nga sa'kin." I whispered. Naiilang ako! Tumawa lang siya tapos lumayo ng konti. "Ang lalim naman kasi ng iniisip mo eh, dire-diretso na lang ang paglalakad mo, baka mawala ka pa dito." Oo nga. Nasa aisle na kami ng canned goods, kahit wala naman kaming bibilhin dito. "May iniisip lang naman, akin na nga yung listahan." Sinubukan kong hablutin pero ang tangkad niya pala. Epic fail! "B2 naman eh, ako na nga. Sumunod ka na lang sa'kin ." "Kaya ko naman eh at ako yung babae dapat ako yung naggo-grocery, hindi ikaw. Dapat nandoon ka pa nga sa office mo, 'di ba? Ito na nga lang ang gagawin ko Tristan. Kaya ko naman pagsilbihan ka eh, kaya ko naman." Frustrated na talaga ako sa idea na si Tristan na lang ang gumagawa ng lahat para sa'kin. Buti na nga lang walang tao sa aisle na 'to, mukha na kasi kaming nag-aaway ni Tristan sa malayuan. Hindi ako makatingin sa kanya, ngayon ko lang narealize yung pinagsasabi ko. Ano ba namang bunganga 'to? Pahamak talaga, baka galit na siya, baka hindi na niya ako gusto, baka hindi na niya ako maha---- Natigil ako ng bigla niya na lang akong yakapin. "Pwes ako hindi ko kaya Celine. Let me do things for you. Hindi mo kailangan na pagsilbihan ako, baby. Basta nandiyan ka lang, ako ang gagawa ng lahat para sa'yo. Just stay with me, yun lang ang gagawin mo." he whispered. "Ang tanga mo. Mahal kila, alam mo ba?" Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Buti na lang may Tristan ako. We make the movies jealous. "Alam ko, eh kung tanga rin lang naman ang tawag 'pag minamahal ka, e di sige, tanga na." Kinikilig ako. Hindi niya pa rin ako binibitawan, magkayakap pa rin kami. Buti na lang walang bumibili ng canned goods. PAUWI na kami sa bahay. Natapos namin ang paggo-grocery. Pareho kaming nasa back seat ni Tristan, kasi may driver naman. Hawak niya lang yung kamay ko. Hindi kami nag-uusap, hawak niya lang. "B2?" "Hmmm?" "Gwapo ba ako?" Seryoso talaga siya sa tanong niya. Seryoso ang mukha eh, na parang problema pa. "Hindi B1, ang pangit mo," I smirked. "Okay lang yan B2, makaka-get over ka rin sa insecurities mo." Ako insecure sa kanya? "Gusto mo ma-Jet Li Tristan?" sabay death glare ko sa kanya. "Ikaw talaga B2, at niti-Tristan mo na ako ngayon, natatandaan mo pa bang may kasalanan ka sa'kin? Yung sinipa mo ang alaga ko noong una kitang nakita doon sa auction?" Oo nga pala. Pero kasalanan niya yun, kung hindi niya ako pinatulan 'di sana magkakaganoon. "Ikaw naman kasi, gusto mo maulit? Ha?" Ako na ang matapang. "Gusto mong mahalikan?" "Baka hindi ka na makakapa-lahi 'pag sinubukan mo lang Tristan Smith!" tinusok ko pa yung ilong niya. "Ah ganun pala Celine Alcantara, ayaw mo na bang magkaanak?" para kaming mga bata na nagsisigawan. "Mag-aampon na lang tayo!" Tinukso ko naman siya. "Ayoko! Gusto ko gawa natin at dapat marami sil----" "Ah excuse me po Señorito, may bisita po 'ata kayo." Napatigil si Tristan tapos tumingin sa labas ng sasakyan, inihinto pala ng driver ang sasakyan. Hindi ba nag-eexpect si Tristan ng bisita ngayon? Kaninong sasakyan kaya ang nakapark sa harap ng bahay? "Señorito, ipapasok ko na po ba ang kotse?" tanong ulit ng driver. Hindi pa rin umimik si Tristan, tumitingin lang siya sa sasakyan na parang nag-alala na parang nagulat. Ewan ko ba pero parang hindi ko gusto ang mangyayari. "B1 anong problem? Sino ba 'yun?" tapos tumingin siya sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko tapos ngumiti ng alanganin. "Tara na," utos niya sa driver habang nakatingin pa rin sa'kin. Tinitigan ko siya na parang nagtatanong. "It's Mia, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD