"HI Ethan! Why aren't you calling me na?" sabay beso-beso pa sa cheeks. 'To namang isa kunwari pang nagulat.
"Katherine why are you here?"
"Sweety? Nakalimutan mo na ba na we'll have dinner with the Cortez?" So working girl rin pala 'to.
"Oh yeah. I almost forgot." Busy naman pala 'to eh Nakalimutan na nga ako ditong nakatayo.
"Sabi ko na nga ba eh, you're always busy working kasi..." Sabi ko na nga ba eh, you're always busy working kasi. 'Che!' Ano'ng 'busy working' ang pinagsasabi ng babaeng ito. Nung isang gabi nga lang nasa auction house 'to. Busy ba 'yun? Ha? Busy?
"Oh Tristan? Who is she?" Nabigla naman ako nung napansin niya akong nakatayo. Wow! Akala ko hindi nakakakita ang mga-- basta! Wala na akong maisip!
"This is Celine, she's working as my PA." Naks! PA na ha. akala ko ba PS? Naupo na sa chair si Tristan, iniisip siguro yung super 'dinner' nila mamaya. Workaholic na manwhore.
"Oh..." minamata pa ako ng bruhildang ito, paano ba napagtiisan ni Tristan ang babaeng ito, "Anyway, Cher--"
"Celine..." Ugh! Bingi ba siya? Alin sa Celine' ang resemblance sa 'Cher'? ALIN?
"Yeah, whatever.. get me some coffee." (get me some coffee..) Che! Kumuha ka ng kape mo.
"Sure ma'am... "Ugh! Utusan nga ako. Naglakad na ako paalis, but wait. I'm Celine Alcantara, bakit ako magpapatalo sa isang bruhildang 'yun?
"Ma'am?" tinawag ko siya tapos lumingon naman, "What coffee do you like? Cappucino, broad, Brazilian, Frosticcino, Fro-Reo, Moch----"
"Ugh! Just get me a Cappucino!" iritang sabi niya sa'kin. Napatingin ako kay Tristan, kunwari nagbabasa pero nakikinig naman sa'min tapos nakangiti, feeling ko natutuwa rin to na pinagtitripan ko girlfriend niya eh. Sus! Pa-busy pa.
"Okay ma'am.... hot or cold?" I like my job.
"Never mind!" Napikon na 'ata. Okay fine, suit yourself.
"Tristan would you like some coffee? Ipagtitimpla kita."
Kanina lang sa'kin nagpapatimpla ang bruhildang ito ah. Tapos ipagtitimpla niya rin pala si Tristan. Ipatimpla niya na rin kaya ako.
"No thank you... I had the best coffee a while ago." Best coffee ever! Napangiti naman ako. Wapak sa kape ang bruhilda!
Pagkatapos na moment na 'yun para na akong tanga dito. Nakaupo sa may corner na parang shonga samantalang silang dalawa, nandoon sa desk mukhang busy sa paperworks or something. Malay ko.
"Bilis na Katherine. We're going to be late." Tumingin ako sa desk, nakatayo na si Tristan at nagsusuot ng coat, nasa banyo naman c KATHERINE. May pa-first name basis p kami ha.
Gabi na ba? Akala ko dinner yung mamaya. Wait.
7:30 pm?
7:30 na?
Gabi na? Ang bilis naman 'ata, ganun ako katagal tumunganga dito?
"Wait Tristan!" Medyo matagal nga siyang mag-ayos. Ano kayang ginagawa niya sa banyo? Normal pa bang magtagal dun? Baka umeebak? Oyy Celine umayos ka.
"Hey B2" Napatingin ako kay Tristan. "Ipapahatid na lang kita sa driver. I'm going to have dinner with some clients." Sana kanina niya pa ako pinauwi, wala rin naman akong ginagawa dito.
"'Kay" matipid kung sagot tapos tumayo na. Dinner with some clients daw.
KANINA pa ako dito sa bahay. Sa sobrang laki ng bahay, 'pag sumigaw ako mag-eecho talaga. Na-explore ko na nga lahat ng rooms dito maliban sa kwarto niyang nakalocked.
10:47 na wala pa rin siya. Baka hindi na nga 'yun uuwi eh, kasi kasama niya si Katherine. Baka uuwi na lang siya dun sa bahay ni Katherine at gagawa ng milagro kasama si Katherine. Pakialam ko naman kung kasama niya si Katherine? Ewan ko rin nga kung anong nakita niya kay Katherine at sumama sya dun.
At dahil nga nagbakasyon yung mga tauhan niya dito dahil sa kabayanihan ko, nag-iisa ako dito sa bahay. Akala ko nga yung driver na naghatid sa'kin kanina, naiwan sa byahe, 'yun pala company driver 'yun. So kung marami na nga ang tauhan niya dito, ano na lang kaya sa company niya?
*PPEEEEEPPP!*
Parang naghiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng marinig kong may bumusina. Andito na siya. Dali-dali naman akong lumabas at binuksan ang pinto, yung gate kasi automatic na, at malayo ang gate sa bahay.
"Good evening Sir." Nag-bow ako pagkasalubong ko pa lang sa kanya sa pinto.
Pagtingin ko sa kanya, pagod na pagod na talaga siya. Kawawang bata, 22 pa lang para ng 54 years old kung magtrabaho.
"Umakyat na po kayo Sir. Ako na po magdadala nito." Inabot ko yung coat at briefcase sa kamay niya. Binigay niya naman. Hindi na siya nagsalita, pagod na 'ata talaga. Umakyat na rin siya sa taas tapos sumunod na lang ako.
Pumasok siya sa kwarto niya, parang alanganin pa akong pumasok. Kung ga'no kalaki ang sala, feeling ko mas malaki pa ang kwarto niya, may sarili rin kasi itong sala.
"Sir dito ko na lang po ilalagay ang gamit mo." Nilapag ko na lang sa isang mesa dun. Hindi ko na alam kung sa'n siya napunta.
Sa'n na kaya 'yun? Baka magalit pa yun kasi iniwan ko kung saan yung pinaka-mamahal niyang briefcase.
What the hell?
Ba't naghuhubad siya ng polo sa harap ko? Pinagpapawisan na ako. Aalis na ako.
"B2" Tinawag niya ako. Masakit pala ang tiyan ko, ulo pati paa. Ba't niya pa kasi ako tinawag?
"Po?" Ang boses ko pa talaga parang kawawa na kuting. Nakayuko lang ako pero alam kong lumalapit siya. Sabi ko na nga ba manwhore ka talaga! Wala ka ng ginawang tama Tristan! WALA!
Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Magje-Jet Li na ba ako?
Ba't ba ako kinakabahan?
"Don't move" he whispered. Hindi naman talaga ako makagalaw.
He leveled his face with mine, para siyang sumusilip sa mukha ko. Sobrang lapit that I closed my eyes. Then the electric volt followed. He kissed me, not torridly but sweet and gentle.
He pulled away and said, "I told you to stop calling me Sir."
KAMUSTA naman ako? Ito nasa opisina niya nakatunganga na parang display lang.
"Sir nandiyan na po ang florist," biglang pumasok ang secretary niya. Florist?
"Oh okay, let him in." May pumasok na matandang lalaki na may dalang clear book. Ano kayang gagawin niya dito.
Lumapit siya sa table ni Tristan, tinitingnan ko lang silang nag-uusap. Ewan ko, hindi na ako naki-usisa kung para sa ano yan.
"B2 come here." Tinatawag niya ako? Malamang Celine.
Tumayo na lang ako at lumapit sa table niya.
"This is Jhun, this is Celine."
"Ang ganda naman po ng asawa mo." Awkward.
Sinabayan pa ng awkward laugh ko. Tapos napatingin ako sa kanya. Seryoso lang?
"Anyway, Celine ano bang gusto mong ilagay na tanim dito sa office?" Ha? Seryoso siya? Talagang sinunod niya yung advice ko about dun sa plant thing?
"Ha? Ehh..." Hindi pa ako makapagsalita ng maayos. Nagulat pa ako eh.
"Meron po akong samples dito ma'am..." pinakita sa'kin ni Kuya Jhun yung mga samples ng tanim na pwede sa indoor.
"Ahh...B1? Sigurado ka bang ako talaga ang pipili?" tanong ko. Busy lang ba talaga siya kaya ako na lang ang pinapili niya o talagang ako? Talagang-talaga?
"Yeah..." he answered.
So sigurado nga siya?
Pumili na lang ako nung parang palm tree. Sabi ni Kuya Jhun ipapa-deliver na lang daw niya bukas ang mga halaman tapos umalis na siya.
Nung wala na yung florist tinanung ko si Tristan, "B1 bakit ako ang pipili eh office mo naman 'to?"
"Simple lang. The florist said you're my wife," sabay wink pa niya.
Magsasalita na sana ako pero damn! Tumunog ang tiyan ko, as in tunog na parang nagsasabing kumain na tayo.
"Hhmm... my wife is hungry. Tara na. Let's eat." Tumayo na lang siya sa upuan niya tapos hinatak ako palabas ng office.
"Oh B1...." wala na akong masabi sa sobrang bilis ng paghatak niya sa kamay ko.
RIGHT now. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang elite ng mga tao sa restaurant na kinakainan namin.
Bakit ba kasi dito pa kami kumain?
Parang hindi na ako makagalaw kasi baka may mabasag ako, o kaya mahulog ko yung baso tapos pagtitinginan ako ng tao.
"Are you alright?" Sa tingin niya okay pa ako ngayon?
"Hindi..." and I let out a deep sigh, "...para kasing ang sosyal..." napatingin pa ako sa kabilang table.
"Ganito talaga dito, I always eat here," he chuckled. Sge, ganito daw dito eh.
"Sir are you ready to order?"
Bakit walang nagsabing gwapo pala ang mga waiter dito?
"Yes, nag-gesture ni Tristan sa'kin. Pinapauna 'ata akong mag-order.
Sinabi ko na lang yung feeling ko na tama ang pag-pronounce ko, para safe.
"Would that be all ma'am?" Ang gwapo talaga ng waiter. Tumango lang ako sa sobrang hiya ko na magsalita, tapos kinuha niya na ang order ni Tristan. Ang awkward lang kasi lagi siyang nakatingin sa'kin.
Nagulat na lang ako ng hawakan ni Tristan ang kamay ko habang nandiyan pa ang waiter.
"Will you stop looking at my wife?" irita niyang sabi. What? NO? Pati lovelife ko sisirain niya na?
Hindi na ako nakapag-interrupt.
"Uuhh... Sorry S-sir..." tapos umalis na lang ang waiter na parang na dismaya pa. Sayang! Ang gwapo pa naman nun!
"Hoy lalaki! Ano'ng ginawa mo?!" half whisper, half sigaw pa ang pagsasalita ko.
"What?" tanong niya na parang wala lang nangyari.
"Heh! Sinisira mo pa ang lovelife ko!"
Napatingin siya sa'kin pero parang iba naman ang tinitingnan niya. Parang may tinitingnan siya sa likod ko.
Napalingon naman ako.
Ewan ko pero yung babaeng naka-cocktail dress ata ang tinitingnan niya. Maganda at Sexy. Baka yun nga. May pagka-maniac 'to, eh.
"Oi B1?" tanong ko sa kanya, ang lagkit na ng tingin eh. Napatingin na naman siya sa'kin na parang naalimpungatan.
"Ha...aahh. Come on! Let's eat somewhere else," bigla na lang siyang tumayo tapos nag-iwan ng pera sa mesa. Eh ano pa'ng magagawa ko? Kahit gutom ako wala parin akong magagawa kasi ang mag babayad eh aalis na.
Sumunod na lang ako sa kanya na nagmamadali ng umalis, napatingin ako dun sa babaeng tinitingnan niya kanina. Ang ganda niya talaga, baka girlfriend niya pero diba si Kathrine ang girlfriend niya? Tapos yung babae may kasama pang ibang lalaki, baka naman kapatid niya? Ate kaya?
"Will you walk faster?" Napansin kong naghihintay na siya sa pinto. Iritang- irita talaga ang mukha niya.
Who's the girl?
SECOND day na ng pagiging alipin ko sa isang manwhore, ubod ng yabang at egocentric na lalaki. Isa na akong kaawa-awang babae! Bakit ba nawawala na ang super Jet Li powers ko? Kailangan ko nang mag-upgrade sa Jackie Chan!
"Good morning B2. Kamusta ang tulog?" Gising na siya. Okay na sana eh" Kainis talaga na lalaki 'to! Nakakapanira ng araw!
"Gusto mo siguro katabi ako 'no?" Manwhore alert!
"Kakain ka ba? Ano'ng gusto mo?" sabi ko.
"Ikaw. I wanna eat you. now." Manyak! Ito ba yung 'mabait' na sabi ni Butler william?! Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko pa pinagbakasyon ang mga kasambahay at naiwan ako mag-isa kasama ang manwhore na 'to.
"Hindi ako pagkain! So ano na nga?!" Panira ka talaga ng araw Tristan! Sarap mong tagain!
"I want a cup of YOUR coffee." Bigla na lang akong namula, yung feeling na 'di ko rin maintindihan.
Umalis na lang ako at pumunta sa kitchen para magtimpla ng kape niya. Pwede ko na 'tong lagyan ng asin as sugar, pero hindi ko gagawin 'yun dahil malilintikan ako.
Kaawa-awang bata.
"Oh!" Nilapag ko yung kape sa table niya habang nagbabasa siya ng newspaper.
Hindi niya ako pinansin kaya umalis na lang ako, lilinisin ko yung pool kasi yun naman talaga ang ginagawa ng mga kasambahay dito.
Kinuha ko yung mahabang pang-strain na ginagamit panlinis sa pool. Medyo mabigat rin pala.
Ang dami kasing dahon.
Mabigat ang panlinis, in all fairness ginagawa ito ng mga kasambahay niya everyday.
"AAAAHH!!! Lumayo ka!" Muntik na akong mahulog sa tubig ng biglang may humawak sa bewang ko. Hindi siya familiar, pero bakit siya nandito?! Ang gwapo at ang gara naman ng pagmumukha niya kung magnanakaw 'to.
"f**k Ian! Ikaw lang pala, akala ko kung ano nang nangyari." Nakita 'kong lumabas si Tristan sa bahay.
Ian? So magkakilala sila ng isa pang manyak na 'to.
"Yeah, nakita ko kasi 'tong taga-linis mo ng pool. I didn't know you keep such a hot maid here." Tumingin pa siya sa'kin in such a lustful way tapos naglakad palapit sa'kin.
"Ian she's----
"AAAAAAAAAHHHHHH!!!! f**k!.... b***h! AAHH!!!" 'Di pa natapos ni Tristan ang sasabihin niya, I already introduced Jet Li sa manyak na Ian! Kung makatingin! Ano ako? w***e? Hindi ako tulad ni Tristan 'no!
Tumakbo ako palayo kay Ian, nilagpasan ko na lang si Tristan habang nakatingin sa'kin. Worried siya? Well, it's too late! Wala man lang siyang ginawa! Tiningnan niya lang ako na muntik nang manyakin ng Ian na 'yun! Manwhore na, ungentleman pa!
"B2, Hey... Can I come in?" Kanina pa siya diyan sa door nagmamakaawang papasukin ko. Kainis naman kasi. Naiinis pa rin ako sa kanya!
On the other hand, bakit naman ako maiinis? Kasi hindi niya ako pinagtanggol?" Eh ano naman? Bakit ano niya ba ako? Pero naiinis pa rin ako! Ewan ko!
"B2?" beg all you want Smith!
"I won't come in if you won't let me... okay?" Kaya naman pala. So ngayon pa siya magpapaka-gentleman?
"Pwede ba! Magtrabaho ka na nga! Umalis ka na!" Bakit ba hindi na lang kasi umalis para matapos na ang lahat.
"You are coming with me so can I come in ?"
Coming with me ka diyan. Tapos ano? Magtutunganga na naman ako dun na parang sira-ulong decoration? Nevermind.
"Ayoko!"
"Click!"
Alam kung lock yun ng door, so binuksan niya nga.
Nagtalukbong na lang ako ng blanket at sana hindi na niya ako makita, para bang yung sa Harry Potter.
"Hey B2" he said softly, parang pinapaamo pa ako nito. Hindi po ako aso.
I felt the bed moved, feeling ko umupo siya sa kama.
"Hey can we talk?"
Hindi pa rin ako sumagot.
The bed moved again, ewan ko kung ano'ng ginagawa niya, baka umalis na nga eh.
"I'm sorry hindi kita napagtanggol kanina, I was confident that you can handle the situation. That was Ian by the way, my cousin. I'm sorry, ganun talaga 'yun. He thinks he can screw every girl." I heard him sigh. "Sorry na B2 oh. Tara. Let's go." He poked my arm.
Para naman siyang batang kawawa na naglalambing.
"Sige, bati na tayo. Pero may itatanong ako...." This is my chance to feed my curiousity!
"Hmmm'kay...”
"Favorite color?"
"Yan lang?" Natawa pa siya. "Navy blue."
"May isa pa," sabi ko. "Sino ba 'yung babae kahapon sa restaurant?" Please please, sagutin niya sana. Naka-cross na talaga ang fingers ko at naghihintay na lang sa sagot niya. Sana sagutin niya na para hindi na ako curious, bigla naman kasing nag-fly away kahapon eh. Syempre dahil curious nga, magtatanong talaga ako.
Silence.
Umalis na ba siya?
Hindi ko naman---
"She was my former girlfriend."
"Former means ex, right? Malamang Celine.
Dahan-dahan kong binaba ang blanket at sinilip ko siya, mahal niya nga siguro yung babae kasi kahit ngayon kung titingnan ko pa lang siya, he looks devastated.
Bigla siyang napatingin sa'kin, iniwas ko agad ang tingin ko.
"Do you wan't me to tell you the story?" he said.
"Wag na, nasasaktan ka na eh," sabi ko and I was honest when I said those words.
"Hindi naman." Mukhang hindi nga siya nasasaktan pero something is bothering him.
"Dahil ba kay Katherine kaya kayo nag-break?" Baka inagaw ni Katherine si Tristan 'dun sa magandang girl.
He laughed, tinawanan niya ako na para bang ang tanga ko.
"Katherine is not my girlfriend."
Ano daw? Bakit niya ba sinasabi sa'kin 'to?
"Eh.... 'di ba... ano," hindi ko na tuloy alam ang pinagsasabi ko.
"I don't even know why she's claiming to be. She's just a friend," he said tapos tumayo siya sa bed then sat on the couch, malapit lang din sa kama tapos tumingin sa'kin.
"Aaahh... okay," Nahihiya na 'ata ako.
"Yung babaeng nakita natin sa restaurant kagabi, her name is Mia. Ikakasal na dapat kami, our marriage was arranged...."
"You're married?" Nanlaki ang mata ko, akalain mong may pumatol sa lalaking ito? As in?
Instead of answering me, nag-glare lang siya sa'kin na para bang tumahimik na daw muna ako.
Fine. Ako na ang madaldal.
"It was okay because it was for the business, my father planned about it and I was trained to do everything. I had no girlfriend or any romantic relationship with any girl at that time, so walang mag-iisip ng reason kung bakit hindi ko mapapakasalan si Mia......" Uso pa pala ang arranged marriage. Siguro para dumami ang yaman.
"But then, there's this girl from my past. It was almost eight years since I met this certain girl on a festival, she was crying because her mom left her in the streets. It was the most spontaneous moment...." natahimik na lang ako, nangyari din yan sa'kin, ".....she was 12 and I was 14, naging magkaibigan kami. I fell in love with her, kahit na ang bata pa namin nun there's something about her, that made me realize that I want to marry her someday..." Bigla na lang tumulo ang luha ko, possible kaya? "....but we got separated because I need to be trained for the company. Okay na sana, but I just can't forget about her.... pinahanap ko siya, hanggang sa nabalitaan ni Mia and all of a sudden the marriage was off, lumabas sa newspapers lahat ng paninira nila about our family. My father despised me and I have prove myslef to him over again. I always ask myself, is the girl from my past worth all of this? Kahit alam ko namang baka hindi ko na siya makita...." he sighed and looked at me, ".....luckily, my investigator said that my girl was about to be auctioned. So I went for the first time to a black market. Hindi ko alam kung gaano ako kaswerte nung makita ko siya, nung nabili ko siya...." he stood up, bumaba ako sa kama at habang umiiyak tumakbo ako at niyakap siya.
".....I bought the girl I love for ten million pesos, kulang pa nga, but who cares right? at least my Celine is here," he whispered at hinalikan niya ako sa noo.